CHAPTER 3: PRANK

97 7 1
                                    

Minz POV

Bumangon na ako at tinignan ang oras. 7:26 na ng umaga at ang pasok ko naman ay 8:00. Tinignan ko ang anak ko at wala na siya dito sa tabi ko. Baka nasa labas na siya kasama si kuya.

Tumayo na ako at kinuha ang twalya ko at pumasok na sa cr. Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ako ng cr at nagbihis.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako ng kwarto dala ang bag ko. Pagkalabas ko ay nakita ko sila kuya na nagluluto at naghahain.

"Good morning!"

Nagulat sila sa pagsigaw ko. "Good morning, mommy!" Bati sakin ng anak ko at ki-niss ako sa pisngi. "Good morning. Buti naman at gising kana." Sabi ni kuya at inilipat na sa plato ang niluto niya.

Umupo na kaming tatlo at nag-umpisa ng kumain. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako na papasok na ako sa school.

Sumakay na ako sa motor ko at pinaandar na ang makina. Nang makarating na ako sa school ay pi-nark ko na ang motor ko at pinatay ang makina.

"Oy, tignan niyo oh. Ang angas niya."

"Oo nga noh. Ka-babaeng tao marunong mag-motor."

Hindi ko nalang pinansin ang mga nag-uusap na mga lalaki at tinanggal ko na ang helmet ko.

"Minz?!"

Nagulat ako sa pagsigaw nila sa pangalan ko. Tinignan ko kung sino iyon at nakita ko ang tatlo kong mga ka-classmate na nanlaki ang mata at gulat na gulat na nakatingin sakin.

Bumaba na ako sa motor ko at kinuha ang bag. Inayos ko ang salamin ko at inilagay na sa bulsa ko ang susi ng motor ko.

"S-seryoso?!" Napatingin ako sa kanilang tatlo dahil lumapit na pala sila sa akin. "Ano?" Tanong ko. "Ikaw nerd girl? Nagmo-motor?!" Hindi makapaniwalang sabi nung kulay green ang buhok.

Ano naman kung nagmo-motor ang isang nerd?!

"Eh ano ngayon?" Kunot noo kong tanong. "Hindi kapani-paniwala." Tulalang sabi naman nung kulay blue ang buhok.

Edi huwag kang maniwala.

"Psh!" Yung nalang ang nasabi ko at nauna nang maglakad sa kanila. Halos lahat ng estudyante dito ay nakasunod ang tingin sakin. Yung iba pa nga ay nagbubulungan pa pero rinig naman.

"Bakit kaya napunta yan sa section ruby?"

"Pero girls, tignan niyo naman ang itsura niya."

"Oo nga. Isang 'nerd'."

"Pero bakit hindi parin siya umaalis dun?"

"Ewan. Baka hindi siya pinaalis ng section ruby."

"Imposible. Ayaw nga nila na may babae silang ka-classmate sa classroom nila eh."

Di'ba? Ang galing ng bulungan nila. Rinig na rinig mo.

Hindi ko nalang iyon pinansin at dumiretso nalang ako sa classroom. Nagtataka ako dahil naka-sarado ang pinto ng classroom namin.

Yung tatlo naman na nakita ko sa parking lot ay nakatingin lang sakin at parang nagpipigil ng tawa. Malayo sila  sa akin dahil ako, nasa tapat ng pinto at sila naman ay nasa pinto ng kabilang classroom namin.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at....











Langya! May pintura palang nakalagay sa taas ng pinto!

Para tuloy akong nakaligo ng pintura dahil saktong-sakto talaga sa ulo ko ang paglaglag ng pintura.

Lahat sila ay tumawa at mas malakas pa ang tawa ng lalaking may band aid kahapon.

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Where stories live. Discover now