CHAPTER 7: BUDOL FIGHT

92 6 0
                                    

Minz POV

Hindi parin mawala sa isip ko ang pagtanggol nila sakin kanina. Maliban kila kuya at sa mga kaibigan ko, sila palang ang unang nagtanggol sa akin kahit hindi ko pa sila masyadong close.

Lumabas na ang teacher namin kaya mas lalo silang nag-ingay. "Ate Minz! Si Vince kinukuha yung teddy bear ko!" Sumbong sakin ni Quichie at dinilaan lang siya ni Vince.

"Vince, ibigay mo na."

Nakangusong binigay naman ni Vince yung teddy bear kay Quichie. Kinuha ko naman ang panda bear ko at ibinigay iyon kay Vince. "Sauli mo sakin mamaya." Bigla namang kuminang ang mata niya at kinuha sakin iyon.

"Thankyou, ate Minz!"

"Ang daya!"

Nangunot ang noo ko ng biglang bumusangot si Quichie. "Bakit?" Tanong ko sa kanya at mas lalo siyang bumusangot. "Dapat sakin mo pinahiram, ate." Sabi niya at tinuro yung panda bear na yakap-yakap ni Vince.

Napailing nalang ako at binigyan nalang siya ng candy. Kinuha niya naman niya iyon at kinain.

Umabot na ng recess at hindi man lang kami nag-klase. Hindi kami sinipot ng iba pa naming teacher.

"Guys! Budol fight tayo!"

Napatingin naman kami kay Blade ng sabihin niya iyon. Sumang-ayon naman ang ibang tukmol.

"Sige! Sige!"

"Arat!"

"Bili kayo pagkain!"

"Sagot kona tubig!"

"Sandali!" Napatigil naman sila sa pagsigaw ko. "Bakit Minz?" Takang tanong ni Shan. "Mag-aambagan tayo." Sabi ko at lumapit naman sila sa upuan ko maliban sa dalawang nasa likod.

Tinignan ko sila at tinaasan nila akong dalawa ng kilay.

Attitude!

"Dyan lang kayo?" Taas kilay kong tanong sa kanila. Inikutan naman nila ako ng mata bago sila tumayo at lumapit sakin.

Unti nalang, maiisipan ko na bakla 'tong dalawa.

"Vance, Zack, Chris, Shan, Michael at Xymon, kayo ang bibili ng pagkain at inumin."

Tumango naman silang anim at lumabas na ng classroom.

"Tristan, Kai, Jerome, Blade, at Danth, urong niyo mga upuan." Tumango naman sila. "Quichie, Vince, Vien at Dylan, tulungan niyo akong ayusin ang lamesa."

"Bakit kasama ako?!"

Tinignan namin si Dylan ng magreklamo siya. "At bakit hindi ka dapat kasama?" Taas kilay kong tanong.

"Bahala kayo jan."

At nagcross arm siya. "Ahh ganon." Nakangisi kong sabi at hinila ang tenga niya.

"Aray! Sh!t! Bitaw!"

"Ano? Tutulong ka o tutulong ka?"

"Oo na. Bitawan mo na tenga ko!"

At binitawan ko na ang tenga niya ang nanonood naman samin ay nakanganga. Bigla nalang pumalakpak si Blade at sinundan naman ng iba pang tukmol.

"Grabe Minz! Ikaw palang ang nakakagawa niyan kay Dylan."

"Oo nga!"

"Tapang mo talaga, ate!"

"Minz lang sakalam!"

"Mga tukmol! Ayusin na natin bago pa dumating sila Zack." Sabi ko at inayos na namin ang mga upuan at lamesa.

Pagkatapos naming ayusin ang lamesa at upuan ay sakto naman ang pagdating nila Zack.

Inilapag na nila ang plastic sa lamesa at kinuha naman namin iyon para i-arrange.

Pagkatapos naming ayusin ang mga pagkain ay kukuha na sana sila ng pagkain ng tinapik ko ang kamay nila.

"Magdasal muna tayo." Nagsimula na kaming magdasal at pagkatapos ay nag-umpisa na kaming kumain.

Habang kumakain kami ay nagkwe-kwentuhan kami at nagtatawanan.

"Hoy Tristan! Akin yang burger!" Sigaw ni Michael at pilit na kinukuha ang burger kay Tristan.

"Opps! Nakagatan ko na eh." Lokong sabi ni Tristan kaya sinuntok siya ni Michael sa braso. "Raulo ka! Sayo nayan! Baka mahawa pa ako sayo." Sabi ni Michael at bumalik sa pagkakaupo.

"Raulo! Wala akong sakit!"

"Minz! Juice oh!"

Kinuha ko naman ang ibinigay ni Shan at nagpasalamat sa kanya. Napatingin kami kay Vien nung tumikhim siya.

"Minz, thankyou."

Nagtaka naman ako dahil bigla siyang nag-thankyou eh wala naman akong ginawa.

"Ehh?"

" 'Di niya na gets."

"Sapakan nalang?" At tumawa silang lahat. Oo, pati sila Vien at Dylan na palaging seryoso kung makatingin ay tumawa.

"Kase Minz, sayo lang namin naranasan na maging ganito kasaya."

Nagulat naman ako sa sinabi ni Danth. Tinignan ko silang labat at kita ko sa mata nila ang senseryo.

"Wala yun." Nakangiti kong sabi at bigla nalang akong niyakap ni Quichie. "Thankyou, ate. You're the best ate." Malambing na sabi ni Quichie at niyakap din ako ni Vine hanggang sa niyakap na nila akong lahat maliban kila Vien.

Tama nayan. Ipagpatuloy na natin ang pagkain." Sabi ni Dylan at bumalik na sila sa pagkakaupo. "Sus! Sabihin mo lang, nagseselos ka." Asar na sabi ni Zack. "Shut up, moron." Seryoso na sabi ni Dylan at tumawa nalang kami lahat.

Thankyou rin sa inyo, section ruby. Thankyou dahil kayo ang napunta sa akin. Ayaw niyo man sakin nung una, pero ngayon naging isa ako sa dahilan kung bakit kayo masaya.

Sana hindi na ako mawala sa inyo. Sana kayo parin ang mapupunta sakin.

Sana....

"Ayusin na natin itong room." Sabi ko at tumayo na. "Yung iba, magliligpit nitong mga kinainan natin. Yung iba ay mag-aayos ng upuan at yung iba naman ay lilinisin itong classroom." Sabi ko at sumunod silang lahat.

Kami nila Vince ay nagwalis habang ang iba naman ay nagliligpit ng pinagkainan at nag-aayos ng upuan.

Pagkatapos naming maglinis ay umupo na kami at nag-antay sa teacher namin.

Ilang oras na ang lumipas at ang adviser lang namin ang pumasok samin. Pagkapasok niya ay nanlaki ang kanyang mata at nakanganga pa.

"W-wow. Ang linis ng classroom niyo ah!" Manghang sabi ni sir. "Good afternoon po sir." Sabi ko at yumuko.

"Good afternoon din. Himala at hindi na mukhang junkshop itong classroom niyo."

"Naglinis po kami sir!"

"Oo nga po sir!"

Ngumiti si sir at tumingin sakin. Umiwas nalang ako ng tingin at kunwaring tumitingin sa pader.

"Hindi narin kayo mukhang adik."

Pfft.... Hindi naman po sila mukhang adik sir. Mukhang tukmol lang.

"Grabe ka naman po samin sir!" Reklamo ni Zack. "Nakaka-hurt ka sir." At nagkunwari pang nasaktan si Kai.

"Hahaha... Ok, ok. Mag-start na tayo ng lesson." At nag-discuss na si sir. Wala na nag-iingay samin at parang lahat kami ay nakikinig sa discussion ni sir.

"Good bye, class."

"Good bye, sir."

At lumabas na si sir sa classroom. Inayoa na namin ang gamit namin at lumabas na ng classroom. Sabay-sabay kaming naglakad papuntang parking lot habang nagkwe-kwentuhan.

Nang nasa parking lot na kami ay nagpaalam na kami sa isa't isa at pinaandar ko na ang motor ko pauwi sa amin.

Gagawin ko ang lahat, maprotektahan lang kayo.




The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Where stories live. Discover now