CHAPTER 16: I LIKE HER

79 1 4
                                    

Third Person POV

Pagkapasok ko sa opisina ko ay bumungad sakin ang apat kong kaibigan. Nakaupo sila sa sofa kaya dumiretso lang ako sa upuan ko.

"Anong balita?" Malamig kong tanong. Tumayo si Demon sa pagkakaupo at may inilapag siyang envelope sa lamesa ko.

"Nalaman namin na marami pala silang mga nakaaway. Pero ang pinakamalakas na nakaaway nila ay yung Synx Gang. Ang namumuno sa Synx Gang ay si Cholo Alfredo na anak nina Cham at Sena. Pero wala naman nang alitan sila ngayon."

"May mga nakaalitan ba sila ngayon?"

"For now, wala. Ang huling nakaalitan lang nila eh yung binugbog mo."

Tinignan ko muna ang mga pictures bago tumango. "Oo nga pala. You said that Andrei will comeback here." Malaming kong sabi. "Yeah. Pero hindi niya sinabi samin kung kailan." Sabi naman ni Devil at lumapit sa mesa ko.

"Y'all know that jerk. He loves suprises."

Napailing nalang ako sa sinabi ni Hell. "But he's still a jerk." Mataray na sabi ni Devil kaya natawa kami ng bahagya.

Mga code name nila ang Devil, Demon, Hell at Kill. And my code name is...

"Just call us if you need something, 'Dangerous'."

Narrator POV

Dahil sabado ngayon, Ang section ruby ay nasa bahay ni Dylan at nasa game room sila. Sila Tristan, Kai, Vance, Xymon, Chris, at Michael ay naglalaro ng billiards. Sina Vince, Zack, at Blade ay nage-e-ml. Habang sina Vien, Danth, Jerome at Shan ay nasa bar station at umiinom ng alak.

Si Dylan ay nag-iisang nakaupo sa sofa habang titig na titig sa kanyang selpon. Pilit niyang pinipigilan ang pagngiti habang nakatitig sa selpon.

Gusto niyo bang malaman kung ano ang tinititigan niya sa selpon?

Kung ayaw niyo, edi don't! Pero charot lang syempre.

Ang tinititigan niya kase sa kanyang selpon ay ang stolen picture ni Minz. Oo mga bebs. May mga stolen shots si Minz sa selpon niya. Hindi lang duon sa mall kundi pati narin sa classroom nila. May mga picture si Minz na nagbabasa ng libro, tumatawa, nagse-selpon, at nakatingin sa bintana.

Lakas maka-sanaol di'ba?

Hindi niya napapansin ang mga tingin sa kanya ng section ruby dahil busy siya sa pagtitig at pagngiti sa picture ni Minz.

"Tignan niyo si Dylan oh. Ngumingiti na parang baliw."

"Oo nga. Nakatitig pa siya sa selpon niya."

"Siguro may chix yan siya."

"Gag*! Baka nakakalimutan mo na pihikan yan pagdating sa babae."

"Ano kayang nginingiti niya?"

"Mukha bang alam ko? Tang*! Magkakasama kaya tayo rito!"

Bulungan ng mga ugok. Sina Vien at Danth naman ay nakakunot noo'ng nakatingin kay Dylan. "Why the hell is he smiling like that?" Kunot noo'ng tanong ni Vien. "Do you think that he's inlove?" Tanong ni Danth.

"Yan din ang nasaisip ko. Ngayon lang kase ulit siyang ngumiti ng ganyan." Pagsasang-ayon ni Jerome kay Danth.

Nako. Kung alam niyo lang...

"Dylan."

"Uyy Dylan."

"Dylaann."

"Dylan!"

"DYLAN!!!"

Muntik pang siyang malaglag sa sofa dahil sa sigaw na tawag sa kanya ni Zack. "What the hell?!" Inis na tanong ni Dylan. "Hehehe. Sorry naman. Para ka kaseng baliw dyan na nakangiti habang nakatitig sa selpon mo." Paliwanag ni Zack.

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Where stories live. Discover now