CHAPTER 4: CALL ME, DANGEROUS

91 5 0
                                    

Dylan POV

Nandito kami ngayon sa kotse para balikan ang mga bumugbog sakin. Mga siraulo kase, binugbog ba naman ako ng 20 ka-tao? Kung 8 lang sila ay kayang-kaya ko.

Pagkadating namin sa ruta nila ay nagsibabaan kami at hinanda ang mga dala naming armas. May baseball bat, dagger, at baril. In case na barilin din nila kami. Lumakad na kami papunta sa gate at biglang bumukas iyon dahil lumabas na ang isa sa mga bugok.

"Oh, gaganti kaba, Smith?" Nakakalokong tanong ni bugok. "Tsk." Sabi ko at pumasok na kaming lahat. Abandonadong garahe 'to. Nakita ko ang leader nila at ngumisi siya sakin.

Hihirap ka talaga ng mukha sa aso.

"Kamusta, Smith?" Tanong niya. "Well, i'm fine." I said in sarcastic. "Ang bilis gumaling ng sugat mo ah." Pang-aasar niya. "Can we just fvcking start?!" Inis na sabi ko. "Ok. If that's what you want. Boys!" Sabi niya at sumugod na samin ang mga tauhan niya.

Inilagan ko ang pagsugod nila sa amin kaya naghiwalay-hiwalay kami. Lima ang kalaban ko habang sa iba naman ay tatlo. Sinuntok ko muna ang isa at umuwas naman sa isa pa. Sinipa ko naman yung pangatlo at sinuntok ang pang-apat. Sinikmuraan ko naman yung lima.

Nung nabugbog ko na ang kalaban ko ay tinulungan ko naman ang iba. Puro sipa, suntok, tadyak, sikmura at hampas ang ginawa namin sa kanila. Nung halos lahat ay nakahiga na sa sahig at namimilipit sa sakin ay tinignan ko ang leader nila.

"Galing. Pero akala niyo ba sila lang ang mga tauhan ko?" Nakangisi niyang tanong. Tinignan ko ang section ruby at may mga pasa at sugat sila. "Sugurin sila!" Sigaw nung bugok at may mga lalaking pumasok. Malalaki sila kumapra samin at madami pa.

Sumugod sila sa amin at nahirapan kaming kalabanin sila. Magaling din sila umilag kaya hindi namin sila masuntok. Ilang beses na nila kami na susuntok at hindi manlang kami nakabawi. May pumalo sa hita ko kaya napaluhod ako. Sinikmuraan din ako kaya napa-ubo ako.

"Tsk. Tsk. Tsk. Akala koba malalakas kayo?" Sabi nung bugok at lumapit sa amin. "Fvck you." Madiin kong sabi para sikmuraan niya ako at napa-ubo ulit ako. "Tangna ka Smith. Bakit hindi ka namin matalo-talo?" At umupo siya sa harapan ko para magpantay kami.

"Dahil mahina kayo." Sagot ko na ikinasama ng mukha niya. Nginisihan ko lang siya kaya napatayo siya bigla at tinutukan ako ng baril. "Papatayin kita!" Sigaw niya. Ipuputok niya na sana ang baril kaya lang may naunang bumaril.

Lahat kami ay natigilan at nagulat dahil yung isa sa mga tauhan niya ay nakahilata sa sahig at dumudugo ang kanyang ulo. "Shit! Sino ang gumawa non?!" Galit na tanong ni bugok. Biglang may bumaba na tao sa taas ng kisame at may hawak din siyang baril.

"Ako. May angal ka?"

Lahat kami ay napatingin sa kanya. Isa siyang babae base sa boses niya. Naka-itim siyang suot. Naka-mask din siya kaya hindi namin makita ang mukha niya.

"Who the hell are you?!" Galit na tanong ni bugok. "Hmm... Kamatayan mo?" Patanong na sagot nito. "Are you fvcking kidding me?!" Sigaw na naman ni bugok.

Sige lang. Sigaw lang hanggang sa lumabas na lahat ng ugat mo sa leeg.

"Tss."

At binaril niya ang mga tauhan ni bugok. Ang natitira nalang ngayon ay kaming mga section ruby at si bugok.

"P-pa'nong?" Hindi makapaniwala na usal ni bugok. Kahit kami ay gulat at mangha sa ginawa niya.

Nabaril niya ang mga tauhan ng bugok na'to ng ganun kabilis?

"Pa'no ba yan? Ikaw nalang ang natitira." Dahan-dahan siyang lumapit sa pwesto namin hanang iniikot niya sa daliri niya ang baril.

Ang angas niya.

"W-wag kang lalapit." Nanginginig na sabi ni bugok. Tinutok niya na ang baril niya kay bugok at si bugok naman ay nanginginig na nakatutok ang baril sa babae.

"Tss. Condolence."

*Bang!

At humandusay na sa sahig si bugok. Tinignan niya kami at huminto iyon sa akin.

*Gulp

"Uwi na." Malamig na sabi niya at nilagpasan na kami. Tinulungan ako ni Vien na tumayo.

"Who are you?"

Napatigil siya sa paglalakad at dahan-dahang humarap sa amin. Tinignan niya muna kami ng matagal bago siya nagsalita.

"Call me, 'Dangerous'."

Iniwan niya na kaming tulala dahil sa sinabi niya. Nang lumabas na siya ay tsaka kami nagsitinginan.

"Ano daw?"

Sabay-sabay naming tanong. Kakaiba siya. Ang sabi niya ay tawagin siyang 'Dangerous'? I think she's a mysterious woman.

"Let's go home." At lumabas na kami sumakay na kami sa mga sasakyan namin at nagsi-uwi na kami.

Nang makarating na ako sa bahay ko ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Nagbihis na ako at nahiga sa kama.

Hindi parin mawala sa isip ko yung babaeng tumulong sa amin kanina.

Sino kaya siya?

Bakit niya kami tinulungan?

Kilala niya kaya kami?

Kilala kaya namin siya?

Umayos nalang ako ng higa at pumikit. Nakaramdam na ako ng antok kaya natulog na ako.

ZZZ...ZZZ...ZZZ...

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Where stories live. Discover now