CHAPTER 17: KELVIN ANDREI MALVIS

59 4 7
                                    

Hello readers! Shout out kay CatherineLasalita . Maraming salamat sa pagsuporta at pagbasa nito kahit na medyo matagal ako mag-ud. Loveyoulots!

----------------------------------------------------------

Minz POV

"Anak, mag-iingat ah? Ikaw rin kuya." Sabi ko sa dalawa at ki-niss sila sa pisngi. "Opo mommy. Ikaw rin po mag-iingat karin." Sabi ni Mina at tumango naman si kuya.

Sumakay na ako sa motor ko at nagdrive papuntang school. Yes, monday na ulit.

Ang bilis lang ng panahon noh? Dati, ikaw pa ang kanyang pahinga ngayon hindi na. Choss!

Ng makarating na ako sa school ay dumiretso na ako sa classroom at naabutan ko silang maingay.

Napansin ni Quichie na may tao sa pinto kaya agad siyang napatingin sa gawi ko at kumaway.

"Ate Minz!"

Nagsilingon ang ibang ugok kaya kumaway kaagad ako. "Hi fans!" Nakangiti kong sabi habang kumakaway sa kanila.

"Weng'ya!"

"Anong 'Hi fans'?!"

"Yow idol!"

"Lodicakes!"

"Amp! HAHAHAHA!"

Tawa nila maliban sa dalawang nasa likod at ang naka-headphone. Nilapag ko muna ang bag ko bago ako umupo. "Minz." Tawag ni Shan kaya napatingin ako sa kanya. "Ano yun?" Tanong ko at inayos ang salamin ko.

"Wag kana kaya magsuot ng salamin."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Ehh?" Naguguluhan kong sabi. Kinalabit naman ako ni Quichie kaya lumingon ako sa kanya. "Parang mas bagay kase sa'yo na walang suot na salamin. Buti nga pinatanggal mo na yung brace mo eh." Nakangusong sabi niya.

"Ehh... Kase..."

"May grado ba yang salamin mo?"

"M-meron pero mababa lang..."

"Eh pwede mo pala yang hindi na suotin." Tumango-tango naman si Chris na para bang sang-ayon siya sa sinabi ni Kai.

"Pag-iisipan ko." Sagot ko nalang at bumalik na sa kani-kanilang ginagawa. Maya-maya lang ay pumasok ang adviser namin kaya nagsitigil sila sa kanilang ginagawa.

"Good morning class."

"Good morning sir."

"Class, may nagbabalik sa inyong section. Pumasok kana." Sabi ni sir kaya napatingin kami sa pinto at may lalaking pumasok.

Matangkad, maputi, gwapo, matangos ang ilong, maganda ang kanyang ngiti na paniguradong titilian siya ng mga babae at higit sa lahat may percing siya sa kanyang kaliwang tenga.

Sheyt! Bakit ngayon?!

"Introduce yourself." Utos sa kanya ni sir kaya napasimangot siya. Lang'ya. "Eh sir. Kailangan paba non? Eh kilala na nila ako eh." Kamot batok niyang sabi.

"May new classmate kase kayo." Sagot sa kanya ni sir. Kumunot ang noo niya at inilibot ang kanyang paningin sa amin. Nang magtama ang aming paningin ay nanlaki ang kanyang mata.

"Bakit may babae rito?!" Gulat niyang sabi na ikina-poker face ko lang. Napaka-OA niya ha! Tinignan niya ako ng matagal at biglang kumunot ang kanyang noo.

Kainis!

"Just fvcking introduce yourself, Malvis." Malamig na utos ni Dylan sa kanya kaya napaiwas siya ng tingin sa akin. Tumayo muna siya ng maayos bago ngumiti ulit.

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Where stories live. Discover now