CHAPTER 8: SECTION AMETHSYT

77 5 0
                                    

Minz POV

Sinuot kona ang P.E uniform namin dahil ang sabi samin ng teacher namin kahapon sa P.E ay magp-p.e daw kami.

Naka-white t-shirt at jugging pants ako. Tinali ko ang buhok ang lumabas na ng kwarto.

"Hi, mommy! You look so beautiful today on your outfit!" Sabi ng anak ko at ki-niss ako sa pisngi.

"Saan banda ang ikinaganda nyan, pamangs?" Tanong ni kuya sa anak ko at nakangising inilalagay ang plato sa lamesa.

"Hambalusin kita, kuya." Tumawa lang siya at umupo na kami. "Oo nga pala, Minz. Wala pa namang problema?" Tanong ni kuya kaya kumunot ang noo ko.

Problema saan?

"Minz." Seryosong tawag sakin ni kuya kaya napa-ahh ako. "Sa ngayon, wala pa." Tumango naman siya at pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na ako sa kanila at lumabas na ng bahay.

Sinuot ko ang helmet ko at sumakay na sa motor. Pagkarating ko sa school ay pi-nark ko agad ang motor ko at naglakad na papuntang classroom namin.

As usual, pinagbubulungan na naman ako ng mga tao rito pero hindi ko naman sila pinapansin.

Pagkarating ko sa classroom ay nakita ko silang lahat na nakasuot din ng P.E.

"Good morning!" Bati ko sa kanila. Napatingin naman sila sakin at ngumiti naman sila.

"Good morning, Minz!"

"Good morning!"

"Ganda ah!"

"Bagay sayo yung P.E!"

"Good morning, ate!"

Umupo na ako sa upuan ko. "Psh! Mukhang nerd parin siya noh." Napalingon ako kay Dylan at tinaliman siyang tingin.

"Kung nakakamatay lang yang tingin mo Minz, nakalamay na 'tong si Lan."

Napa-roll eyes nalang ako sa kanila. Maya-maya lang ay dumating na ang teacher namin sa P.E.

"Handa na kayo mag-P.E?"

Walang ganang tanong ni sir. Ganyan yan siya pagpapasok siya sa classroom namin. Walang good morning.

"Opo." Sagot namin nila Quichie at Vince. Palaging kami lang tatlo ang sumasagot dahil tamad yung iba at walang pakialam. "Ok class, tara na sa court." Walang gana na sabi ni sir at nauna nang lumabas ng classroom.

Tumayo narin kaming lahat at lumabas ng classroom. Pansin ko lang, mga walang gana silang lahat kumilos ngayon.

Araw ba ngayon ng walang gana?

Pagkarating namin sa court may nakita kaming ibang estudyante na naglalaro ng volleyball. Nung nakita nila kami ay napatigil sila sa paglalaro at ang talim ng tingin sa amin. Tinignan ko naman ang section ruby at ang talim din ng tingin nila.

Ehh?!

"Uy, Quichie. Bakit ang talim niyo makatingin sa kanila?" Tanong ko dahil siya ang katabi ko. "Mga section amethyst ang mga yan." Sagot niya ng hindi tumitingin sakin. "Tapos?" Taka kong tanong. 

"Kaaway ng section natin ang section amethyst."

Nalaglag ang panga ko sa sinagot niya sa akin. Ngayon ko lang nalaman na may kaaway pala ang section ruby. Pumila na kami at hindi parin napuputol ang tingin ng mga section amethyst sa amin.

"Ok class, ang gagawin natin ngayon ay basketball. Bubuo kayo ng apat na team. Dahil may babae sa section ninyo, siya nalang ang magbibilang ng score ninyo. Group yourself now."

Nag-grupo na sila pa-apat at nag-umpisa na maglaro ang team nila Zack at ang team nila Blade. Nakaupo lang ako habang pinapanuod silang maglaro. Yung iba naman na ka-klase namin ay nagpupustahan.

Maya-maya lang ay natamaan ng bola si Chris. Napatigil sila sa paglaro at tinignan ko kung anong bola ang na tumama kay Chris at bola iyon ng volleyball.

Tinignan ko ang pwesto ng section amethyst at nanlaki ang mata ko ng makita ko nag tatlong crayons.

Section amethyst din sila?!

Napatingin sakin si crayon pink at nag-smirk siya sa akin. "Opps! I'm sarreh." Peke niyang paghingi ng tawad at nakita ko naman ang bahagya nilang pagtawa.

Tinignan ko naman sila Chris at nakita kong susugod sana si Kai ng pigilan nila ito.

Tumayo ako at lumapit sa kanila. "Kai, chill." Sabi ko at tumingin siya sakin. Pinikit niya ang mata niya at pinakalma ang kanyang sarili.

"Balik na tayo sa laro."

Tumango naman sila at nag-umpisa nang maglaro. Maya-maya lang ay may tumama na bola sa braso ko.

Napahinto ulit sila sa laro at tinignan ako. "Ok ka lang?" Alalang tanong ni Shan. Ngumiti lang ako at tinignan kung sino ang may gawa non.

Nakita ko sila crayons na nakatingin sakin at naka-smirk. "Ayy! Pasensya na." Maarteng sabi ni red at kinuha ang bola.

Tumingin ako sa section ruby at umiling. Bumuntong hininga muna sila bago tinuloy ulit ang laro.

Maya-maya lang ay may tumama na bola kay Quichie at natumba siya. Agad namin siyang nilapitan.

"Chie!"

Tawag ko sa kanya. Hawak-hawak niya ang ulo niya kaya hinawakan iyon ni Dylan at may nakita kaming dugo.

Oo, dugo. Tinignan ko kung ano ang bola na tumama sa kanya at bola nanaman ng section amethyst ang tumama kay Quichie.

Inis kong tinignan ang section amethyst at tumayo.

"Ano bang problema niyo, hah?!"

Pinigilan ako ng section ruby pero kumakawala lang ako sa hawak nila. Nakita ko na ngumisi silang tatlo.

"Ohh~ Galit kana niyan, nerd?"

At nagsitawanan sila dahil sa sinabi ni crayon red. "Inaano ba namin kayo?!" Inis na tanong ko. "Well, hindi naman kasi namin sinasadya na tamaan kayo." Nakangising sabi ni green.

Hindi sadya?!

Umiinit lalo ang ulo ko.

"Anong hindi sinadya?! Eh, nakaka-tatlong tama na kayo samin eh!"

"So? Pakealam namin?" Pilosopong sabi ni crayon pink at nagtawanan sila. "Dalhin niyo muna si Quichie sa clinic." Utos ko sa section ruby at sinunod naman nila.

Bale ang natitira nalang samin ng section ruby ay sina Kai, Jerome, Shan, Danth, Vance, Vien at Dylan.

"Kunin mo nga yung bola."

Kahit na nagtataka si Vance ay kinuha niya parin ang bola ng basketball at binigay sa akin.

Ngumisi muna ako sa kanila crayons at binato sa kanila ang bola. Natamaan si crayon pink kaya tinignan nila akong tatlo ng masama.

"Opps! Nabitawan ko. Sareh!"

At namula naman sila sa galit. "Anong nabitawan mo?! Eh, binato mo nga sa amin yung bola!" Galit na sigaw ni crayon green.

"Hindi ko naman kasi sinasadya eh. Talagang nabitawan ko."

"Liar!"

"Liar mo mukha mo!"

"What did you say?!"

"Ay, grabe! Hindi lang pala kayo CRAYONS, mga BINGI rin pala kayo!"

Susugurin na sana nila ako ng biglang humarang sila Dylan sa harapan ko.

"Try."

Naalarma naman ang ibang section amethyst kaya humanda rin sila. Ayoko na magkagulo rito kaya sumigaw ako.

"Tama na! Huwag na natin sayangin ang oras natin sa mga walang kwenta! Puntahan na natin si Quichie."

Hinila ko ang manggas nila Dylan at Vien kaya natangay sila. Tinignan ko ng masama sila Shan kaya sumunod naman sila sa amin.

"Kayo ang walang kwenta! Mga basura kayo, section ruby!"

Narinig ko pang sigaw nila pero hindi nalang namin pinansin.

Walang problema sakin na saktan niyo ako. Pero ang saktan sila, talagang magkakabardagulan tayo.








The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Where stories live. Discover now