CHAPTER 6: BULLY

83 6 4
                                    

Minz POV

"Mommy, wake up!" Napadilat ako kaagad ng mata at tinignan ang anak ko. "Hmm? Good morning, sweetie." Bati ko sa kanya at hinalikan ang noo niya. "Good morning too, mommy. Wake up na po." Sabi ng anak ko at tumango lang ako.

Tumayo na ako at kinuha ang towel ko. Pumasok na ako sa cr at naligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng uniform ko.

Ay! Nakalimutan ko pala yung uniform ni Autumn!

Kinuha ko ang uniform ni Autumn at yung palda ko at inilagay ko iyon sa bag. Kinuha ko na ang bag ko at yung bag ni Dylan at lumabas na ako ng kwarto.

"Good morning, kuya!"

"Good morning din! Kaninong bag yan?" Tanong ni kuya at umupo na kami sa lamesa. "Kay Dylan, kuya." Sagot ko at sumubo ng kanin. "Ehh? Bakit na sa'yo?" Takang tanong ni kuya at kumuha ng ulam.

"Ginawa niya akong slave niya."

"Pfft... Bakit?"

"Malay ko dun! Kung dilang yun ano..."

"Mommy, hayaan mo na po. Atsaka papanget po kayo nyan, kaaga-aga po eh mainit po ang ulo niyo." Singit ng anak ko. "Haynako, Mina. Matagal ng panget ang mommy mo." At humalakhak si kuya.

Mabulunan ka sana.

"Eh kung panget ako kuya, ibig sabihin panget ka rin?" Nakangisi kong tanong. Tinaasan naman niya ako ng kilay. "At bakit naman?" Tanong niya. "Baka nakakalimutan mo kuya, magkapatid tayo." At kami naman ng anak ko ang tumawa.

"Oo nga noh. Nako, Minz. Kahit mainit ang ulo ng mommy mo, maganda parin yan noh." Pagbawi ni kuya sa sinabi niya kanina at mas lalo naman kaming natawa. "Osiya, Alis na ako kuya, Nak." At kiniss sila sa pisngi.

Nagba-bye din sila sakin at kinuha ko na ang bag namin ni Dylan at lumabas na ako ng bahay. Sumakay na ako sa motor at pinaandar iyon papuntang school. Pagkarating ko sa school ay bumaba na ako sa motor ko at kinuha ang dalawang bag.

Yung bag ko ay nasa balikat ko at ang bag naman ni Dylan ay hawak-hawak ko lang. Naglakad na ako sa building namin at pansin ko ang pagbubulungan ng mga tao rito.

"Ang kapal niya."

"Napakalandi pa."

"Bakit kaya hindi pa siya umaalis sa section ruby?"

"Ewan. Baka nilandi na niya."

"Hindi na nga maganda, malandi pa."

Hindi ko nalang sila pinansin at patuloy lang ako sa paglalakad. Nang malapit na ako sa classsroom namin, mga sampung hakbang nalang ay may humarang na tatlong mga babae sakin.

Let's call them,crayons.

"Bakit nasa section ruby ka parin, nerd?" Sabi ni crayon red. "Oo nga." Sang-ayon ni crayon pink. "Siguro nilandi mo na sila noh?" Nakataas na kilay na sabi ni crayon green. "Hindi ko alam ang mga pinagsasasabi niyo." Mahinahon kong sabi.

"Wow! Nagmamaang-maangan kapa ah!"

"Palibhasa, totoo!"

"What an ugly slut!"

Pumikit nalang ako at lalagpasan na sana sila nang biglang hinablot ni crayon green ang braso ko. "Ano ba?! Bitawan mo ako!" Nagpumiglas ako pero hindi parin niya binibitawan ang braso ko. Ramdam ko ang ang mahaba niyang kuko sa braso ko.

Magkasugat lang ako, yari ka sakin.

"You're a bitch!"

*Pak!

Napaupo ako sa sahig dahil sa lakas ng sampal ni crayon red. Hinawakan ko ang pisngi kong sinampal niya at masamang tumingin ako sa kanya. "You deserve that, ugly bitch!" AT nagtawanan sila.

Biglang lumapit sakin si crayon pink at sinabunutan ako. Napaluha nalang ako sa sakit. "A-aray! Tama na!" Sigaw ko pero pinagtulungan lang nila akong sabunutan.

Dylan POV

Bakit ang tagal pumasok ng nerd girl nayun?

"Lan, papasok yun." Napalingon ako kay Vien ng magsalita siya habang nagbabasa ng comics book. "Ano?" Takang tanong ko sa kanya. "Alam kong si nerd girl ang inaantay mo dyan kanina pa." At tumawa pa siya baghagya.

"Hindi ko kaya siya inaantay!"

At nalingon sila samin. Halos lahat ay nandito na sa classroom at si nerd nalang ang wala. Taka naman silang nakatingin sakin.

Yawa!

"Sino inaantay mo, Lan?"

"Oo nga boss?"

"Sino?"

"Baka naman, Lan. Sino?"

"Uso sabihin kung sino."

"Pabulong, Lan!"

"Mga siraulo!" At naagtawanan silang lahat. Natigilan lang silang lahat sa kakatawa ng may narinig kaming sigaw.

"A-aray! Tama na!"

Lahat kami ay nagkatinginan. "Parang boses yun ni ate Minz ah." Sabi ni Quichie kaya dali-dali kaming lumabas.

Pagkalabas namin ay may nakita kaming mga babae na may sinasabunutan. Tinignan muna namin kung sino ang sinasabunutan nila at si Minz ang sinasabunutan nila.

Dali-dali kaming tumakbo sa pwesto nila at tinabig ang tatlong nananabunot sa kanya. Hinarangan namin si Minz habang ang iba naman ay hawak-hawak ang tatlo.

Nilingon ko si Minz at nakita kong may kalmot siya sa kanyang kanang pisngi.

Pinapainit niyo ang ulo ko.

"Bakit niyo siya sinasaktan?! Hah?!" Galit na tanong ni Vien. "Dahil malandi siya!" Galit na sigae nung kulay pink ang buhok.

"Anong pinagsasasabi niyo?!" Galit na tanong ko. ""Di'ba, kaya hindi pa siya umaalis sa section ninyo dahil nilandi niya kayo?! Hindi na nga maganda, malandi pa!" At aakmang lalapitan niya si Minz pero hinawakan siya kaagad nila Zack.

"Shut the fvck up!"

"Bakit niyo siya pinagtatanggol hah?! Di'ba dapat pinapaalis niyo yan siya dahil ayaw niyo na may ka-classmate kayong babae?!"

Lahat kami ay natigilan. Oo, pinapaalis namin si Minz sa classroom namin pero ngayon...

"Kapag sinaktan niyo pa siya ulit, kaming section ruby na ang makakalaban ninyo."

Binuhat ko na si Minz ng pa-bridal style at dinala na siya sa classroom. Inilapag ko na siya sa upuan niya at sakto naman ang pagpasok nila.

"Vance, first aid kit." Utos ko at dali-dali naman niya iyon kinuha. Binigay na sakin ni Vance ang first aid kit kaya ginamot ko na siya.

"Ba't 'di ka lumaban?" Seryosong tanong ni Jerome sa kanya. "Ayoko." Sagot naman ni Minz kaya napatigil ako sa paggamot sa kanya at tinignan siya.

'Pag sa iba ayaw niyang lumaban pero 'pag sakin halos bugbugin na ako.

"Anong ayaw mo? Kapag si Dylan nga eh kulang nalang sakalin mo." Sabi ni Blade. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita ulit.

"Ayoko silang patulan dahil baka ma-comatose pa sila o 'di kaya mamatay lang sila."

Nagulat naman kami sa sinabi niya. "Hahaha.... Ang epic ng mga itsura niyo." At tumawa pa siya. "Tumigil ka nga! Akala ko pa naman seryoso ka sa sinabi mong yun." Sabi ni Xymon.

"Pwede naman mung gusto niyo."

"Minz!" Saway namin sa kanya at tumawa lang siya. Napailing nalangh kami nila Vien at Jerome.

Siraulong babae.

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Where stories live. Discover now