CHAPTER 13: BARDAGULAN

65 4 0
                                    

Minz POV

Nag-ring na ang bell kaya nagsilabasan kami para mag-recess. Magkakasama kami pumunta ng canteen. Umupo na kami at sila Zack nalang daw ang o-order ng mga pagkain namin.

Tahimik lang kami nila Dylan, Vien at Jerome habang ang iba naman ay nag-iingay. Maya-maya lang ay dumating na sila Zack dala-dala ang pagkain.

"ito na mga pagkain."

Pagkalagay nila ng pagkain ay agad na kinuha nila ang mga pagkain na pinabili nila. "Ano ba?! Umayos nga kayo!" Saway ko sa kanila at kinuha ko narin ang pagkain ko.

Mahirap na. Baka kunin pa ng iba. Char!

Habang kumakain kaming lahat ay biglang umingay ang canteen dahil sa bulungan at sigawan.

"Andito sila?"

"Oo nga. Di'ba hindi na sila pumupunta rito sa canteen?"

"Ang gaganda at gwapo talaga nila!"

"True ka jan, gurl!"

"Mukhang may war na mangyayari ah!"

"Oo nga pre! Andito pa naman ang section ruby!"

"Ang section amethyst nandito na!"

Napatigil kaming lahat ng section ruby dahil sa huling sigaw na narinig namin.

Ang section amethyst?

"Ohh... Andito rin pala ang mga 'basura'. Di'ba dapat nasa basurahan sila?"

Napatingin kami sa nagsalita at bumungad samin ang mga section amethyst at tumawa silang lahat dahil sa sinabi ni crayon red.

Syempre, hindi ako magpapatalo noh. Tawagin ba naman kaming 'basura'.

"Andito rin pala ang mga 'crayons'. Di'ba dapat nasa lalagyanan sila ng mga crayola?"

Natigil sila sa pagtatawanan kaya kami naman ang tumawa. Inis na inis ang mga itsura nila ngayon.

Kala niyo hah!

"Kami ba ang tinatawag mong crayons?! Huh?!" Inis na sigaw sakin ni crayon pink kaya natahimik ang canteen.

"Well, wala naman akong sinabing pangalan. Oh, wait! Natamaan ka ba sa sinabi ko?" Inosente kong tanong na ikinatawa ng section ruby.

"We are not crayons you b!tch!" Galit na sigaw ni crayon green kaya tinaasan ko siya ng kilay. "Yes, i'm a b!tch. Thanks for your compliment." Sabay ngiti ng matamis sa kanya.

Haha! Namumula sa galit ang ateng crayons niyo!

"The hell!" Galit na sigaw ni crayon red at tinignan ako ng masama. Kung nakakamatay lang ang masamang tingin ay paniguradong kanina pa akong nakabulagta rito.

Susugod sana sa akin si crayon pink ng tumayo ako at hinarap sila. Napatingala siya sa akin dahil mas matangkad ako sa kanya.

"Ano? Susugurin mo'ko?"

"Sino kaba?! Huh?!"

"Ako?" Sabi ko sabay turo sa sarili ko. Lumapit ako ng kaunti sa kanya at binulungan siya.

"Ako lang naman ang worst nightmare mo."

"You b!tch!" Akmang sasampalin ako ni crayon red ng hakawan ko kaagad ang pulsuhan niya.

"Don't you fvcking dare to lay your dirty hands on me."

Padabog kong binitawan ang kamay niya kaya nawalan siya ng balanse at bumangga kay crayon green.

"Don't mess with me, slvts."

At tinignan ko ang section ruby. Tumayo narin sila at sabay-sabay kaming lumabas ng canteen. Pagkarating namin sa classroom ay nagsi-upo na kami at ako naman ay dumukdok sa desk.

"Fighting back, huh?"

Napatingin ako sa nagsalita at bumungad sakin si Dylan na nakangisi at nakaupo sa desk ni Quichie. Busy kasi si Quichie sa pakikipaglaro kay Vince.

"What?" Bored kong tanong. Umiling naman siya at inilapit ang kanyang mukha sa akin kaya napaatras ako ng wala sa oras.

"Nothing. Nakakagulat lang ang paglaban mo sa kanila kanina."

"And then?" Bored ko ulit na tanong. "Interesting huh." Ngumisi siya at inilayo na ang kanyang mukha sa akin. "Ewan ko sayo." Walang pake kong sabi at bumalik sa pagdukdok sa desk.

Maya-maya lang ay nakaramdam ako na naiihi ako kaya nagpaalam muna ako sa kanila na magc-cr lang ako.

Pagkapunta ko sa cr ay pumasok kaagad ako sa cubicle at umihi. Pagkatapos ay naghugas muna ako ng kamay at lumabas.

Napahinto ako dahil nakasalubong ko ang mga crayons.

Minamalas ka nga naman.

Tumaas ang kilay ni crayon red ng makita niya ako. Tinaasan ko rin siya ng kilay at inirapan.

kala niya siya lang ang maldita saming dalawa? Nah veve. Mas maldita pa ako sa maldita. Kagay ni otor, pero kahit maldita kami ni otor friendly naman kami. Right otor?

(Author: Yes naman dai! Supalpalin mo ang mga crayons nayan ah? Char!)

Si otor naman masyadong brutal pero why not coconut? Char! Palapit na sila sakin kaya lumakad na ako at ng magkaharapan kami ay parehas kaming natigil sa paglalakad.

"Kapal ng mukha mo na ipahiya kami kanina ah?" Mataray na sabi ni crayon red. "Oo nga. Sa maraming tao pa." Dagdag naman na sinabi ni crayon pink. "Hindi kami papayag na pahiyain kami mas lalo na kung isang nerd ang magpapahiya sa amin." Mataray na sabi naman ni crayon green.

"Psh! Kayo naman kasi ang gumagawa para mapahiya ang sarili niyo."

"Aba't! So sinasabi mong mga crayons kami huh?!" Galit na sigaw sakin ni crayon red. Ngumiti ako sa kanila dahil may naisip akong kalokohan.

Yari kayo saken.

"May kanta ako para sa inyo."

"Ano naman yun?" Mataray na tanong nila kaya ngumiti ako ng matamis sa kanila. Lumapit muna ako ng kaunti sa kanila bago kumanta.

Insert: Upuan by: Gloc-9

"Bato-bato sa langit,

Ang matamaa'y wag magalit...

O, bato-bato bato sa langit,
Ang matamaan ay...

Wag masyadong halata..." Pagkatapos kong kumanta ay umalis na ako sa harapan nila at nagpatuloy na sa paglakad papuntang classroom. Hindi ko maiwasang mapangisi dahil sa itsura kanina ng mga crayons habang kumakanta ako.

Epic mga bhie! HAHAHA!

Nakatulala kasi sila at nakabukas pa ang mga bunganga. Nang nasa pintuan na ako ng classroom namin ay pumasok na ako at umupo sa upuan.

Dahil wala na naman kaming teacher, nag-ingay na naman sila at nagbabatuhan ng kung ano ano. Kinuha ko nalang ang headset at selpon ko para magpatugtog.

Habang nakikinig ako ng tugtog na ang tittle ay 'Beautiful Life' ay nagbabasa ako ng wattpad at saktong-sakto na kilig scenes ang binabasa ko. Hindi ko tuloy maiwasang tumili ng ipit dahil baka magulat sila.

Nung nasa chorus na ang kanta at ang binabasa ko ay nagkaaminan na ang mga bida, hindi ko na naiwasang tumili ng malakas. Napatigil silang lahat at gulat na nakatingin sa akin.

Hehehe, chowwy!

"Tinitili mo dyan, nerd?" Takang tanong sakin ni Dylan. "Ayy! Hehehe, sowwy. Nakakakilig kasi 'tong binabasa ko eh sakto yung pinapakinggan kong kanta kaya ayun, napatili hehehe." Sagot ko at nag peace sign pa.

"Akala namin kung ano na!"

"Kakagulat ka!"

"Muntikan na akong atakihin sa puso!"

"Yung juice ko, natapon!"

"Hehehe, sorry, sorry." Sabi ko at nag peace sign kaya napailing nalang sila. 

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Where stories live. Discover now