CHAPTER 14: MALL

88 2 3
                                    

Minz POV

Lumipas ang ilang araw at biyernes na ngayon. Nakakapagtaka lang dahil ang tahimik ng classroom namin ngayon.

Siguro nabo-bored rito dahil walang pumasok na teacher sa amin. Maya-maya lang ay tumunog na ang bell para sa uwian namin.

Half day lang daw din kasi kami ngayon dahil may mga meeting daw ang teacher. Inayos ko na ang mga gamitin ko at nagsalita si Kai.

"Gala kaya tayo?"

Nagkatinginan kaming lahat at ngumiti. "Arat!" Sigaw naming lahat at akmang lalabas na sila sa pinto ng sumigaw ako.

"Sandali!"

Napatigil sila sa paglalakad at takang tumingin sakin. "Magbihis muna tayo. Baka kasi pag-uniform ang suot natin ay mapagkamalang nag-cutting tayo." Sabi ko at tumango naman sila.

As usual, sabay-sabay kaming pumunta sa parking lot at nagpaalam na sa isa't isa. Pagkarating ko sa bahay ay ki-niss ko sila kuya at anak ko at nagbihis.

"Kuya! Aalis muna ako. Nagyaya kasi na mag-mall kami."

"Sige, sige. Ingats!"

"Ingat, mommy!"

Pagkatapos kong magbihis ay sinuot kona ulit ang salamin at brace ko. Kinuha ko narin ang shoulder bag ko at lumabas na ng kwarto.

"Alis na me." At ki-niss sila sa pisngi. Palabas na ako ng gate ng may biglang may tumawag. Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung sino ang tumawag.

Quichie calling...

"Hello?" Bati ko at sumakay na sa kotse. Kotse ni kuya ang gagamitin ko dahil ang kotse ko ay nasa company pa.

{"Hello, ate Minz? Asan kana?"} Tanong niya sa kabilang linya.

"Papunta na dyan."

{"Sige, sige. Ingat ka!"}

"Oumm." At binaba kona ang tawag. Nagdrive na ako papunta sa school dahil duon kami magkikita-kita.


Quichie POV

"Ano sabi? Papunta na raw?" Tanong sakin ni Kai pagkatapos kong tawagan si ate Minz. "Oo daw." Sagot ko at tumingin sa kalsada.

Maya-maya lang ay may kotseng kulay black na papunta sa pwesto namin.

Wow! Mercedes-Benz!

Mangha kaming nakatingin sa kotse na kakahinto lang sa tapat namin maliban kay Dylan.

Kadalasan kasi sa mga kotse nyan, Ferrari. Di'ba? Ang yaman.

Sanaol.

Bumukas ang pinto ng kotse at sobrang nalaglag ang mga panga namin. Kahit si Dylan, napanganga rin.

Bumaba sa kotse si ate Minz at ang astig pa ng suot niya. Naka-black na pantalon siya at naka-polo rin na black. Bukas ang dalawang butones niya pero hindi naman kita masyado ang dibdib niya.

Ang ganda niya.

Kahit may brace at salamin siyang suot, hindi parin na maitatanggi na maganda siya. Nakangiti siyang kumaway samin kaya kinawayan ko rin siya.

"Buti naman at dumating kana Minz!"

"Oo nga!"

"Wow! Ganda natin Minz ah!"

"Syempre naman, 2joints!"

Nagtawanan kaming lahat dahil sa sinagot niya. "2joints amp!" Natatawang sabi ni Chris. "Pfft. Sa'n tayo? Sa mall? O sa amusement park?" Tanong ni Kai.

"Dun tayo sa puso mo." Sagot naman ni Xymon kaya binatukan siya ni Kai. "Eh, kung dalhin kaya kita sa cementeryo?" Inis na tanong bi Kai kay Xymon kaya tumawa kami. "Let's go to the mall." Sabi ni Dylan kaya napatango kaming lahat.

Maglalakad na sana kami papunta sa mga sasakyan ng biglang tinawag ni Dylan si Shan.

"Shan!" Napalingon kaming lahat kay Dylan at saktong hinagus niya ang susi ng kotse niya kay Shan. Napakunot ang noo ni Shan habang nakatingin kay Dylan. "Drive my car." Sabi niya at lumakad na papunta sa kotse ni ate Minz.

Napatanga kaming lahat pero naglakad nalang kami at sumakay sa mga kotse. Ako, si Vance, Si Vien at si Dylan ang nasa kotse ni ate Minz.

Bale, si ate Minz ang nasa driver seat. Si Dylan naman nasa shotgun seat. At kaming tatlo naman nila Vien ay nandito sa likuran.

Pinaandar na ni ate ang kotse at nakasunod kami sa kotse ni Jerome. Pagkarating namin sa mall ay pi-nark na muna nila ang mga kotse at naglakad na kami papasok sa mall.

"Kain muna tayo." Sumang-ayon kami sa sinabi ni Vince kaya pumunta kami sa isang restaurant.

"Good afternoon, ma'am, sir." Bati samin ng waitress. Napatingin siya kay Dylan at namula ang pisngi. "Ahm... Ano po order niyo sir?" Malanding tanong ng waitress habang nakatitig kay Dylan.

"Miss, gusto ko ng Buffalo chiken dip, Caramel cake at Iced tea."

Nabaling naman ang tingin namin kay ate na sinasabi ang kanyang order habang nakatingin sa hawak-hawak niyang menu.

Napansin din kaya ni ate ang tingin ng waitress kay Dylan?

"Beef steak and iced tea." Sabi naman ni Dylan habang nakatingin kay ate kaya sinabi narin namin ang mga order namin.

"Just wait a minute."

Pagkatapos umalis ng waitress ay tumunog ang phone ni ate Minz. "Sandali lang." Paalam niya at lumabas ng restaurant.

"Sino magbabayad?"

Bigla kaming napatingin kay Dylan kaya tumaas ang isa niyang kilay at napabuntong hininga. "Fine. Ako na ang magbabayad." Sabi niya na ikinatuwa namin.

Nice! Libre ni Dylan hihihi!

"Section ruby?"

Napatingin kami sa nagsalita. "Wait... Di'ba, isa ka sa tatlong kaibigan ni Minz?" Tanong ni Jerome sa kanya. "Ah, yeah. Ako si Sammy. Kasama niyo ba si Minz?" Tanong niya.

"Oo kaso lumabas dahil may tumawag sa kanya."

"Ahh, ganun ba? Sige, alis na ako. Bye!"

"Uy! Kumain ka muna."

"Hindi na. Kakatapos kolang kumain."

"Ah, ganun ba?"

"Hmm. Sige na, ba-byr na. Baka inaantay na ako nila mommy."

Sige, bye!" At umalis na siya. Inantay nalang namin na bumalik si ate at ang mga pagkain.


Third Person POV

"Ano yun?"

"May sumusunod sa inyo."

"Sino at ilan?"

"Isa. Hindi nga lang namin ma-identify dahil naka-blackhood at naka-sumbrero din siya."

"Ganun ba? Sige, ako nang bahala."

Palihim kong tinitignan ang paligid at wala namang kahina-hinala sa paligid. Kailangan kong maging alerto dahil may sumusunod sa amin.

Kailangan kong protektahan ang section ruby.

*Ring! *Ring! *Ring!

"What?"

"Come here. May mga nakalap kaming impormasyon. Hindi lang yon, babalik na daw si Andrei."

"Really? Kailan daw?"

"Hindi sinabi. Basta malapit na daw siyang bumalik."

"Ganun ba? Sige, pupunta ako dyan mamaya."

"Ok. Ciao."

"Ciao."

Buti naman at may nakuha nang impormasyon. Madadagdagan ng mga alam at hinala namin.

Inayos ko muna ang sarili ko bago ngumiti at naglakad.

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Where stories live. Discover now