CHAPTER 10: SPARING

76 3 0
                                    

Minz POV

Nakatayo sila at pinaikutan kami ni Quichie. Sobrang seryoso ng tingin nila samin mas lalong-lalo na sakin. Yung mga lalaki na binugbog ko ay dinala na nila sa clinic.

Hayst... Wala na akong takas nito.

"Explain." Madiin na sabi ni Dylan kaya napalunok ako. "K-kalma muna kayo pwede? N-nakakatakot kayo eh." Kinakabahan kong sabi pero hindi nila iyon pinansin. "One." Bilang ni Vien. "T-teka..." Kinakabahan kong sabi. "Two." Tuloy na bilang ni Dylan na mas lalo akong pinawisan.

Nakaka-kaba!

"O-o-ok! S-sasabihin kona." Utal-utal kong sabi. "Naglalaro kasi kami ng ml nung umalis kayo. Tapos maya-maya lang ay bumukas yung pinto. Akala namin, kayo yun pero hindi pala. Lumapit sila samin kaya tinanong ko sila kung sino sila at bakit sila pumunta dito sa classroom." Kwento ko sa kanila.

"And?"

"Hindi sila nagsalita. Tinanong ulit sila ni Quichie tapos bigla nalang nila ako sinikmuraan tapos hinawakan nila si Quichie."

"Eh sino yung bumugbog sa kanila?" Tanong ni Kai. "Hindi tutulala yang si Quichie kung siya ang may gawa." Sabi naman ni Danth. Tinignan nila ako lahat kaya napayuko ako.

"A-ako ang m-may gawa n-non."

"Ehh?!"

Napaangat ako ng tingin dahil sa naging reaksyon nila. "Weh?" Tanong ni Shan. "Maniwala?" Sabi ni Michael. "Ikaw? Imposible." Sabi naman ni Zack. Binatukan naman sila ni Tristan. "Aray!" Sabay nilang sabi.

"Gag*! Baka nakakalimutan niyong sinuntok niya si Dylan nung kakapasok niya lang dito!"

Natahimik naman silang lahat. "Ang astig mo ate Minz." Napalingon ako kay Quichie ng sabihin niya iyon. "Napakagaling mo kanina!" Tuwang-tuwa niyang sabi. Tinignan ko siya ng seryoso-ka-ba-look.

"Ate Minz! Paturo ako nung ganon."

"Ehh?"

"Dali naaa." Pagpupumilit niya at nag-puppy eyes pa sakin. "Stop that, Quichie." Saway sa kanya ni Vien kaya nag-pout siya. "Totoo nga ang sinasabi ko. Ang astig at ang galing niyang makipaglaban kanina." Nakangusong sabi ni Quichie.

"Weh?"

"Hindi ako naniniwala."

"Oo, nasuntok niya na si Dylan pero malabo."

"Malabo pa sa malabo."

"Grabe kayo sakin ah!" Angal ko. Hindi ba naman maniwala? Pero wala naman sakin kung maniwala sila o hindi. Sadyang trip ko lang. "Sige nga. Pakita mo nga samin kung pa'no ka makipaglaban." Hamon sakin ni Chris kaya napa-smirk ako.

"Are you sure?"

"Aba, aba, aba! May pa-are you sure, are you sure pa siya oh!" Sabi ni Blade. "Tara! Sparing." Yaya ni Kai kaya tumayo ako at inayos naman nila kaagad ang upuan. Wala naman kaming teacher kaya ok lang.

"Ulit. Sigurado ka, Kai?"

"Oo nga! Kulit!"

"Ako pa makulit ah! Hindi ba pwedeng naninigurado lang?!"

"Umpisahan niyo nalang!" Inis na sabi ni Dylan kaya tinignan ko siya ng masama. "Excited ka?! Ikaw kaya rito?!" Sigaw ko sa kanya. "Tss!" At nag-cross arm lang siya. Tignan mo 'toh. Tumiklop agad.

Umayos na kami ni Kai at gumitna muna samin si Jerome. "Ready.... Fight!" Biglang sumugod sakin si Kai at buti nalang ay naka-ilag ako.

"Mabilis ka kumilos ah."

Bigla ko siyang sinuntok pero naka-ilag rin siya. Sisipain niya sana ako ng inunahan ko siya. Sinipa ko siya sa hita niya kaya napaluhod siya at nag-ingay naman sila.

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Where stories live. Discover now