CHAPTER 5: SLAVE

90 7 0
                                    

Minz POV

Nagising ako dahil may yumuyogyog sa balikat ko. "Mommy, wake up. You're late." Dahan-dahan kong dimnilat ang aking mata at nakita ko ang anak ko na ginigising ako.

"Hmm...." Sabi ko at kinusot ang mata. "Mommy, tumayo kana po at maligo." Sabi ng anak ko at umupo muna ako.

"MINZ RAMOS, GUMISING KANA! ALAS 8 NA AT LATE KANA SA SCHOOL MO!"

Nagulat ako sa sigaw ni kuya kaya dali-dali kong tinignan ang orasan at late na nga ako sa klase. Dali-dali akong tumayo at naligo. Pagkatapos kong maligo ay sinuot kona ang uniform ko at kinuha ang bag. Pagkalabas ko kumuha nalang ako ng tinapay at kinuha narin ang helmet ko.

"Bye Kuya! Bye Sweetie!"

At sumakay na sa motor ko. Pinaandar ko na iyon papunta sa school. Pagkarating ko sa school ay pinark ko kaagad ang motor ko at tumakbo papuntang classroom. Pagkarating ko sa pintuan namin ay napatigil silang lahat sa pag-iingay ng makita nila akong hinihingal at nakahawak sa pader.

"May humahabol ba sayo?"

Umiling nalang ako sa tinanong ng lalaking kulay red ang buhok. Pumasok na ako at umupo sa upuan ko. "Ok ka lang, ate?" Tanong sakin ni Quichie. "O-oo. Akala ko kase late na ako." Sabi ko at huminga ako ng malalim.

"Pa'no ka mala-late eh hindi naman papasok satin ang teacher natin."

Agad na nangunot ang noo ko. "Ehh?!" Taka kong tanong. "Haynako nerd girl.  Baka nakakalimutan mo na 'section ruby' ito." Sabi ng lalaki na blue ang buhok at umakbay pa talaga siya sakin.

Ay! Ngayon ko lang naalala.

Nakalimutan ko na worst section nga pala ang section ruby. Tinanggal ko nalang ang pagkakaakbay niya sakin at tumango-tango.

Maya-maya lang ay pang-third na subject na namin. Oo, pang-third na namin na subject at siya lang yung pumasok na teacher namin ngayong umaga.

"Good morning class."

"Good morning ma'am."

At nag-discuss na siya. Parang ako lang ang nakikinig sa lecture ni ma'am dahil ang iba kong mga ka-klase ay may kanya-kanyang mundo.

Yung iba ay nagdadaldalan, ang iba naman ay tulog kagaya ng katabi ko na kulay blue ang buhok. May naghahagisan ng papel at kung ano-ano pa.

Buti nalang mabait itong si ma'am sa amin. Pagkatapos niyang mag-discuss ay nagpaalam na siya samin at sakto naman na tumunog na ang bell.

Tumayo na ako para lumabas ng classroom ay may tumawag sakin.

"Nerd girl!"

Di'ba? Ganda ng tawag sakin. -_-

Nilingon ko naman kung sino iyon at si Mr. Band aid pala ang tumawag sakin. Ang cold ng tingin niya sakin.

"Ano?"

"Lapit."

Nagtaka ako sa kanya dahil pinapalapit niya ako. Pero hindi parin ako lumalapit sa kanya. "Ano ba yun?" Tanong ko. "Lumapit ka nga." Sabi niya in a cold tone.

"Bakit? May sasabihin ka?"

"Oo. Kaya lumapit ka."

Raulo. Siya yung may sasabihin 'tas ako yung pinapalapit.

"Eh! Ikaw yung may sasabihin 'tas ako palalapitin mo. Ikaw lumapit." Sabi ko na ikinasalubong ng kilay niya.

"Ano?" Madiin niyang tanong. "Tsk! Ano ba kase yun?!" Napipikon kong tanong. "Tss! Bumili ka nga ng pagkain." Sabi niya na ikinalaglag ng panga ko.

The Nerd Girl 'Secrets'  (On-going)Where stories live. Discover now