Chapter 5

2K 84 0
                                    

CHAPTER 5

Serenity


Tulala akong nakatitig sa pregnancy kit habang nanginginig ang aking buong katawan. Kinagat ko ang aking labi at pinigilan ang paghagulgol ng iyak. Masaya akong buntis ako, pero natatakot ako sa magiging reaksyon ni Christoff. Alam kong hindi siya matutuwa kapag nalaman niyang buntis ako.

Kung gaano ako katagal na nagkulong sa banyo ay hindi ko na matantiya. Basta ang alam ko lang, lumabas ako na nangangalam na ang tiyan.

Halos buong maghapon akong wala sa sarili dahil sa natuklasan. Nang malaglag ang dinadala ko noon na naging dahilan nang pagpapakasal ni Christoff sa akin ay mahigpit niya akong sinabihan na mag-ingat dahil hindi pa talaga siya handang maging ama.

Nanginginig kong hinawakan ang baso ng gatas at wala sa sariling tumitig doon. Bumuhos ang alaala ng nakaraan.

Ang ilang beses na pagbubuntis ko...

Ang ilang beses ding pagkawala ng baby ko...

"I can't believe this! How many times do I have to tell you that I still don't want to be a father!" malakas na sigaw pa niya na halos umalingawngaw sa tainga ko.

Umiiyak akong umiling-iling. Aminado akong may mga pagkakataong nakakalimutan ko ang uminom ng pills.

"M-mas okay kung may b-baby tayo, hindi ba? M-mas m-mabubuo t-tayo—"

"I said no! Ayoko! Ano bang mahirap intindihin sa sinasabi ko, Eren?!"

Yumuko ako at humagulgol lang ng iyak.

"Ipalaglag mo 'yan! Ayoko sa baby na 'yan!"

Umawang ang aking mga labi sa sinabi niyang iyon. Sa pangalawang baby namin ay ganoon pa rin ang gusto niyang mangyari? Ang ipalaglag ko?

Maagap akong umiling-iling. "I'll keep this baby, Christoff... I'll keep our baby!"

"Ah, fuck!" galit pang aniya at agad na pinagbabato kung ano ang madampot.

Nanginginig akong lumagay sa sulok at umiwas sa nagliliparang mga bubog. Pero kahit na anong iwas ko ay nasugatan pa rin ako.

"T-tama na, C-Christoff... P-please..." pagmamakaawa ko pa.

Hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang ang pagkadisgusto niyang magka-baby kami.

"H-hindi ka n-naman matatali sa baby n-natin... Ako ang mag-aalaga—"

"I said no, Eren! No!" gigil pa ring aniya sabay padabog na lumabas at pabalibag na isara ang pinto.

Kulang na lang yata ay bumigay ang pader sa sobrang lakas nang pagkakasara noon.

Halos gabi-gabi siyang umuwi nang lasing simula nang sabihin ko ang balitang iyon. May pagkakataon ding sa kalasingan ay sobrang rough niya sa sex na pakiwari ko'y sinasadya niya para masaktan ako.

"Sino 'yong naabutan kong lalaki kanina, ha?!" nanggagalaiting tanong niya na nagpagulat sa akin.

"Huh? Lalaki?" Kumunot ako at natatakot na nag-isip. "B-baka 'yong delivery boy? Iyon ba?"

"Are you cheating on me, Eren?!"

"W-what?! N-no! Of course not! Nag-crave lang naman ako sa chicken kaya nagpa-deliver ako!"

"You're lying!" sigaw niya.

Ilang beses akong umiling-iling. Sobrang bilis niyang mag-isip!

"C-Christoff... I'm not—"

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now