Chapter 26

2.3K 133 22
                                    

CHAPTER 26

Thaddeus Art


Hindi ko talaga inaasahan na makikita pa rin si Eren after all these years. Mula nang i-deactivate niya ang kanyang cell phone number at lahat ng kanyang social media accounts ay nawalan na ako ng pag-asa na makita pa siya ulit. Wala rin naman akong mapagtanungan tungkol sa kanya kung kaya hindi na rin ako nakabalita pa sa buhay niya. Kung nagkaayos pa ba sila ni Christoff o hindi na.

I did try to work things out with Lauren for a few months. Pero kahit na ano'ng subok ko, hindi ko na talaga maibalik ang tiwala ko sa kanya. Palagi akong nakapuna sa bawat galaw niya at sa lumaon ay hindi ko na rin nagustuhan ang klase ng tao na nagiging ako kapag kasama siya. It felt like I became a monster for all those months. At dahil pagod na rin ako sa naging ganoong ugali ko, that's when I decided to end it.

I love her... Sigurado ako roon. Pero dahil nasira niya ang tiwala ko, aminado akong unti-unting nabawasan ang pagmamahal na iyon.

"Okay na sa 'yo 'to? What do you think?"

Tipid akong ngumiti at tumango. Ilang araw kong kasama si Eren sa pamimili ng mga gamit namin sa suite. Hindi talaga ako makapaniwalang makalipas ang ilang taon ay magtatagpo pa rin ang landas naming dalawa.

"Marami pa ba? Nakapapagod mag-ayos ng bahay," reklamo ko pa na nagpatawa sa kanya.

"Yeah. Pero enjoy naman, 'di ba?"

Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon. It's a fresh start for the both of us.

"I enjoyed it because I'm with you," seryoso kong sabi sabay matipid na ngumiti.

Ngumuso lang naman siya at nangingiting umirap. Kung paano ko nasabi ng ganoong kadali iyon ay hindi ko rin alam. Saglit pa akong nag-alangan kung babawiin ko ba iyon o papaano.

Habang namimili ay pasikreto ko siyang tinitigan. Kung maganda siya noon ay higit pa yata ang ganda niya ngayon. Magkahalong brown at blonde ang kulay ng kanyang straight at mahabang buhok na parang mas nagpabata sa kanyang hitsura. Medyo mas pumayat lang siya sa dati, pero maganda pa rin naman ang kurbada ng kanyang katawan. Parang dalaga pa rin naman. Tulad nang dati, wala pa rin siyang makeup sa mukha, pero natural na talaga ang ganda niya.

Saglit akong natigilan sa ginagawa at inalog ang aking ulo. Sa tagal kong single ay ngayon lang ako nagkainteres na tumingin sa babae. 

Seriously, Thad? When did you start seeing Eren in a different light, huh?

"What do you think of this?" tanong niya sabay taas sa dalawang plato na magkaiba ang disenyo.

Wala ako sa sariling tiningnan iyon, pero ang mga mata ko ay panay ang balik sa kanyang magandang mukha. At habang tinitingnan ang mukha niyang iyon ay hindi ko maiwasan ang mainis na naman sa dating asawa nito.

She's really beautiful. Ano pang hindi niya nakita kay Eren noon? He must be fucking blind!

"Uy, tulala ka na riyan!"

Halos mapaigtad pa ako sa gulat sa pagsasalita niyang iyon.

"Um, yeah... Naguluhan lang ako kung alin ang mas maganda sa dalawa. Parehas maganda, e..." wala pa sa sariling sagot ko sabay sulyap ulit dito.

But yeah, mas maganda kasi siya. I could see the difference now. Siguro dahil alam ko ring maganda ang kanyang puso.

"Oo nga. Maganda parehas. Pero iparehas ko sa kulay ng suite ko. Ito na lang green akin at itong black sa 'yo."

"Yeah, that's perfect," tanging nasabi ko.

I must admit that I am too distracted by her beauty. Pansin ko naman ang ganda niya noon, kung ano'ng nabago sa tingin ko ay hindi ko rin kayang ipaliwanag.

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now