Chapter 37

2.4K 146 14
                                    

CHAPTER 37

Thaddeus Art

Nilakad namin ang kahabaan ng beach hanggang sa makarating kami sa mataas na rock formation.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga habang bumubuhos ang mga alala. Dito ako muntikang malunod dahil sa pagsubok kong sumagip ng nalulunod na babae.

"W-w-wait..." pigil ni Eren sa kamay ko.

Agad kong sinundan ang linya ng kanyang tingin.

"Ah, iyan 'yong beach house na pag-aari raw ng mayamang pamilya sa Manila. Though, I didn't get to meet them. Madalang lang silang mapunta sa bahay na 'yan."

Hindi naman kumibo si Eren. Parang ang lalim nang iniisip.

"Come on. Let's go there." Itinuro ko ang malaking bato.

Tila lutang naman siyang tumango at paulit-ulit na nililingon ang bahay.

"Is there something wrong?" nag-aalala kong tanong.

"W-wala... Parang pamilyar lang ang bahay."

Hindi na ako nagkomento. Alam kong mayamang pamilya sila, pero hindi naman siguro ganoon ka-coincidental na sila rin ang may-ari noon? Ang laki ng Mindoro para isiping iyon ang bahay nila.

Maingat naming inakyat ang mga bato. At nang makarating kami sa medyo patag na bahagi ay saka kami naupo.

Nananatili siyang tahimik at nagmasid-masid na para bang ang lalim ng iniisip.

"When I was young, there was this girl that I tried to save even though I can't swim that well."

Kunot-noo siyang tumitig sa akin. "A-and?"

"I saved her. Pero ang lakas ng alon that time at nang masalpok ako ng alon, tumama ang ulo ko sa mga bato at nawalan ako ng malay. And that girl tried her best to hold on to my t-shirt. Biglang nabaligtad ang sitwasyon namin. Ako naman ang sinagip niya. I don't know what happens next. Ang alam ko lang, nadala ako sa center at tinahi ang ulo ko," sabay pakita sa ulo ko. "Kita mo ba ang stitches? Natakpan na rin yata ng buhok ko, but it is still there."

Nang mag-angat ako ng tingin at masalubong ang nagluluha niyang mga mata ay agad akong nataranta.

"M-may problema ba, babe? Masama ba ang pakiramdam mo? Do you want to go home?" magkakasunod kong tanong dahil sa sobrang pag-aalala.

Marahas siyang lumunok at agad na pinalis ng daliri ang pisnging nabasa nang luha.

"I just remembered this boy who risks his life to save me... The only memory I have from this place..."

Gulat akong tumitig sa mukha niya. Tila ba hindi ko magawang iproseso kaagad ang sinabi niya. "Y-you're that g-girl?"

"Hindi ko man lang napasalamatan ang nagsalba ng buhay ko dahil umuwi rin kami ng Manila nang araw na iyon. Nag-alala para sa akin ang parents ko kaya nagdesisyon kaming umuwi that time."

Natahimik ako. Sobrang nakamamangha maglaro ang tadhana. It was indeed a small world for us.

"Y-your family owns that beach house?"

Nagluluha siyang tumango at sumulyap din sa malaking bahay na iyon. I can't believe it.

"S-so, y-you are that girl, then?"

Muli niyang ibinalik ang tingin sa akin at mapait na ngumiti. "You're my hero, then, huh? It was nice to meet you," natatawa pang aniya sabay lahad ng kamay.

Ilang sandali ulit akong natahimik at napatitig lang sa nakalahad niyang kamay. Noon pa man pala ay pinagtatagpo ang aming mga kapalaran.

Unang kita ko pa lang sa kanya noon ay sobrang nagandahan na ako. I was stealing glances at her the whole time I am swimming with my friends. Then, she accidentally fell from the rock. That's when I saved her...

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now