Chapter 10

2K 90 5
                                    

CHAPTER 10

Serenity


Nang dumating si Christoff galing sa business conference abroad ay hindi na ako mapakali. Pakiramdam ko ay papanawan ako ng ulirat. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Pero alam ko ring wala naman akong ibang choice kundi ang magtapat. May kasama na kaming katulong sa bahay na isa pang tutol na tutol siya.

"How's your trip, hon?" malambing kong bungad sa pinto pa lang.

"Tiring..." mapakla niyang sagot.

Tumingkayad ako at ginawaran ito ng banayad na halik sa labi. Kung dati ay ilag siya kapag ginagawa ko iyon, ngayon naman ay parang ayos na rin sa kanya. May pagkakataon pang ito ang nag-i-initiate ng halik kaya sobrang saya ko kapag ganoon.

Pero agad ding kumunot ang kanyang noo nang matanawan ang katulong sa kusina na nagluluto ng hapunan.

"Who the hell is she?"

Taranta kong nilingon ang katulong na parang hindi naman pansin ang pagdating niya.

"K-kumuha ako ng katulong..."

"Why?" kunot-noo pa ring aniya habang titig na titig sa akin.

"Can we talk inside our room?"

Tumikhim siya at hindi na nagsalita. At sa halip ay nanguna siyang tumalikod paakyat sa ikalawang palapag. Hindi pa man ay pinanlalamigan na ako. Sa ekspresyon pa lang ng mukha ay natatakot na ako sa magiging reaksyon niya.

Nang makapasok kami sa kwarto ay seryoso lang niya akong tinitigan.

"What now, Eren?!" untag pa niya na nagpagulat sa akin.

Ilang beses akong lumunok habang pilit na nag-iipon pa rin ng lakas ng loob.

"I—"

"What?!"

"I-I'm p-pregnant..." Kulang na lang ay malunok ko ang mga salitang iyon.

Pakiwari ko ay lalong nagdilim ang kanyang mukha. Ito na nga ba ang kinatatakutan ko.

"We've been married for years, Christoff... I guess it's time for us to have kids, 'di ba?" pangungumbinsi ko.

Mariin lang niya akong tinitigan bago humugot ng isang malalim na buntonghininga.

"I don't want to have kids. Walang nabago sa isip ko," masungit pa niyang sabi sabay talikod sa akin.

"P-pero, hon—"

"Ano'ng hindi pa malinaw sa sinabi ko, huh, Eren? Seriously? How can you be so stubborn about this, huh? Ayaw ko pang magkaanak! Ano'ng gamit ng pills mo kung ganoon? Or have you been planning this? Tell me the truth!" sigaw pa niya na halos magpanginig sa akin.

"H-hon... It's not l-like that... Pero gusto ko talaga ng baby. Mainam 'yon para sa relasyon natin, 'di ba?"

Umiling-iling siya at nagpamaywang. Bakas sa mukha ang matinding disappointment.

"Hindi pa ba sapat sa 'yo, na nagpapaka-asawa na ako sa 'yo?"

Para ba akong sinampal sa mga salita niyang iyon.

"We're married, Chris... Wala namang masama kung mag-baby na tayo..."

"I don't want to have kids! Ano'ng mahirap intindihin sa mga salitang iyon?!"

Kinagat ko ang aking labi at pinigilan ang paghagulgol. Basang-basa na pala ng luha ang mukha ko nang 'di ko namamalayan.

"I just thought that having a baby could make you love me..."

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now