Chapter 29

2.3K 144 23
                                    

CHAPTER 29

Thaddeus Art


Seeing Lauren face to face again really messed up my mood. Sa tagal kong nakasama siya sa iisang bubong, alam kong hindi siya masaya sa piling ni Christoff. Alam kong hindi na dapat ako maapektuhan, pero hindi ko lang din siguro maalis ang pag-aalala. Natatakot akong nararanasan na rin niya ang pananakit ni Christoff gaya nang naranasan ni Eren.

Naging tahimik kami buong biyahe. Mukhang kahit si Eren ay nawala rin sa align.

"Thanks for today, Thad," mapait na sabi pa niya nang nasa tapat na kami ng suite niya.

"Don't mention it. I really enjoy your company."

Malungkot lang siyang tumango-tango. HIndi ko mabasa talaga ang iniisip niya.

"Sige na... Magpahinga na tayo. Good night."

Ilang saglit akong nag-alangan. Pakiramdam ko ay may dapat kaming pag-usapan pero naunahan ako ng hiya.

"G-good night..."

Tumango lang siya bago pumasok at isarado ang pinto.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at naguguluhang hinilamos ang mukha.

Hindi ko alam kung parehas ba kami ng nararamdaman. I feel really happy being with her. Ganitong-ganito ang pakiramdam ko noon kay Lauren. Or maybe much more. But at the same time ay nandoon ang takot. Takot sa sasabihin ng ibang tao sa amin lalo na sa kanya.

Naghiwalay kami ni Lauren dahil sa asawa nito. Tapos ay ganito kami magiging kalapit sa isa't isa? I must be fucking losing my mind.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga bago maglakad palapit sa katabing pinto. Lumulutang ang isip ko nang buksan iyon at isarado. Punong-puno ang utak ko ng mga tanong.

I like Eren. I'm very sure of that. But I like her before... At magkaibigan kami noon. Pero ngayon, hindi ko masiguro kung parehas pa rin ba ang pakiramdam.

Kaibigan nga lang ba ang tingin ko? Ganoon din ba siya?

Hinilot ko ang aking sentido at nanlalatang ibinagsak ang katawan sa sofa. Wala ako sa sariling inalala ang ngiti ni Eren kanina as we held hands.

I could feel the spark between us, but I am not sure if she felt the same way. Natatakot akong itinatago lang niya ang totoo at baka hindi pa rin siya naka-move on sa dating asawa.

The time we spent together this past few days was actually my happiest. After my annulment with Lauren, hindi ko naisip na magiging ganito pa rin ako kasaya.

Muli ay tamad akong bumangon at dumiretso na lang sa kama. Siguro ay kailangan ko na lang itulog ito kaysa hindi lumubay sa pag-iisip.


Kinabukasan ay nagdesisyon akong pumasok na lang din sa opisina kaysa ang magmukmok sa suite.

Gustuhin ko mang yayaing lumabas si Eren ay natatakot akong hindi pala iyon ang gusto niya. Possibleng naiisip din niya ang sasabihin ng mga taong nakapaligid sa kanya. Baka napipilitan lang siyang pakisamahan ako dahil palagi akong nakabuntot sa kanya nitong nakakaraan.

"Boss, may bisita po kayo," nakangising bungad sa akin ng tao ko. "Ibang babae 'to, boss, a. Ikaw, ha!"

"Sino?"

"Hindi ko alam, boss. Pero maganda rin!"

"Just let her in," tamad kong sagot. Wala naman akong inaasahang bisita.

Pero ganoon na lang ang gulat ko nang makitang si Lauren ang bumungad sa pintuan.

"Lauren?"

"I'm so sorry to disturb you..."

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now