Chapter 44

2.1K 136 10
                                    

CHAPTER 44

Thaddeus Art

Higit na naging maayos ang takbo ng relasyon namin ni Eren ng mga sumunod na araw. Nandoon pa rin ang paninibago ng ibang tao at may pagkakataong naiilang kami sa klase ng pag-iisip nila pero mabuti na lang at nagagawa pa rin naman naming balewalain iyon basta masaya kami sa piling ng isa't isa.

Umayos na rin ang pakikitungo ng Papa nito sa akin at kahit pa may pagkakataon na parang nag-aalangan ito sa akin ay walang sawa ko pa ring ipinapakita ang magandang intensyon ko sa anak nito. Pero sa totoo lang, kahit pa yata hindi ako tinanggap nito ay hinding-hindi ko naman isusuko na lang basta ang pagmamahal ko kay Eren.

"Invite nga pala tayo ni Papa na mag-dinner sa bahay bukas. Busy ka ba?" Kuryoso pa niya akong nilingon.

Umiling ako. "Hindi naman. At kung nagkataong busy man ako, sa tingin mo mapapahindian ko ang request ng papa mo?"

Nakangiti siyang tumango-tango. "Oo nga pala... Pero gusto ka naman ni Papa, a. Ano pang inaalala mo?"

Humugot ako ng malalim na buntonghininga bago banayad na pisilin ang kanyang palad. "Wala naman. Ayoko na lang ding bigyan pa ng alalahanin ang parents mo."

"May dapat ba silang alalahanin?"

Sigurado akong umiling. "No."

Hindi naman na siya nagkomento sa sagot kong iyon at sa halip ay kagat-labi lang na tumitig sa akin.

Papasok na lang sana kami sa bilihan ng mga jewelries nang may bumati rito na tila pamilyar din sa akin.

"I can't believe I'll see you here, Eren. How are you?" nakangiting bati pa ng lalaki rito.

"JT? Cass? Oh my! Long time no see!" excited pa nitong binati ang dalawa at nakipagbeso.

"Oh my, Eren! I thought nasa America ka? Kailan ka pa nakauwi?" bati pa ng magandang babae rito.

Mapait na ngumiti si Eren. Alam kong hindi siya komportableng balikan pa ang nangyari noon. "May kung ilang buwan na rin."

"I heard what happened," malungkot na sabi pa ng babae. "But for whatever it's worth, I am happy for you. You don't deserve that asshole."

Nakangiwing tumango-tango si Eren bago sumulyap sa akin. "By the way, guys, this is my boyfriend Thad," pakilala pa niya sa akin. "Thad, this is JT and Cass. Matagal nang magkakilala ang mga family namin."

"JT?" mangha akong nag-abot ng kamay dito. "JT Greene?" paniniguro ko pa.

"Yup," tila nag-aalangan pa itong tumango.

Hindi ko sukat akalain na personal pa mismong kakilala ni Eren ang pamilyang Greene.

"It's my pleasure to meet you. It was such an honor," mangha ko pa ring sabi na bahagyang nagpatawa rito.

"Eren is a good friend, Thad. Don't be too formal," natatawang tinapik pa nito ang balikat ko.

"Baka naman kilala mo rin ang Daddy nitong si Cass?" nangingiting tanong sa akin ni Eren.

Hindi na ako magtataka kung galing din sa sikat na pamilya ang isa pang kaibigan nito.

"You knew Danzel Montenegro?"

Mangha akong tumitig kay Cass. No way! "Montenegro Industries?"

Tumango si Cass at matamis na ngumiti. "But you should keep that a secret, Thad," nakangiti pang aniya sabay kindat.

Nahihiya naman akong nagkamot ng batok bago tumango-tango. "You guys are big time. It's such a pleasure to meet you," pormal pa ring sabi ko.

"Shut the formality, Thad. We're friends from now on." Si Cass na matamis pang ngumiti.

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now