Chapter 34

2.2K 150 13
                                    

CHAPTER 34

Thaddeus Art

Nang makita ko si Eren na palapit ay agad akong kumaway at sinalubong ito. Ilang araw na ganito ang naging gawi ko. Ihatid at sunduin siya sa trabaho. Bagay na gustong-gusto kong gawin kay Lauren noon, pero hindi ko nagawa dahil sa madalas niyang pakikipag-unahan sa pagpasok at ginagabi naman niyang pag-uwi.

"Hi, babe..." malambing na bati ko pa sabay yakap dito.

Nangingiti naman niyang tinapik ang likod ko nang higpitan ko pa iyon.

"Kanina ka pa?" tanong pa niya.

Noon na ako humiwalay at banayad na pinisil ang pisngi niya. Gusto ko man na halikan siya kahit na sa pisngi man lang ay nandoon ang pag-aalangan. Natatakot akong hindi pa siya handa sa ganoong intimacy.

"Hindi naman," umiiling na sagot ko. Tantiyado ko naman ang oras kung kaya hindi naman ako naghihintay nang matagal. "Where do you want to eat?"

Saglit siyang nag-isip bago sumagot. "I knew a restaurant."

Gulat akong tumitig sa kanya. Isip ko ay isa pa rin ang isasagot niya. It's either sa suite ko or sa suite niya.

"Are you sure? Okay lang naman sa akin kung—"

"Halika na." Hinila niya ang kamay ko papunta sa nakaparada kong sasakyan.

Wala ako sa sariling ngumiti at tumango-tango.

Okay. Baby steps.

Alam kong darating din ang araw na magkakaroon siya ng sapat na lakas ng loob na ipakita ako sa ibang tao at umaasa rin akong makakapagsabi rin kami sa parents niya.

Halos 30 minutes ang drive papunta sa restaurant na sinasabi niya. Spacious iyon at may bahagyang privacy dahil na rin sa matataas na dibisyon ng mga table. Mayroon din namang nakalantad lang, pero mas pinili namin ang medyo tago.

Pagkaupo pa lang ay agad na rin kaming um-order ng pagkain.

"So, how do you know about this place?" curious na tanong ko at patagilid na tinitigan ito.

"Hmm... Nakita ko lang online at maganda naman ang reviews."

Tumango-tango ako. Maganda naman talaga ang lugar. Maaliwalas at maraming halamang nakakalat kung saan-saan.

Dumiretso ako ng upo at agad na ginagap ang kamay niya.

"Hindi ka ba pinag-uusapan ng mga tao mo dahil sa akin?"

Saglit siyang nag-isip. "I don't know. Wala namang maglalakas ng loob na magtanong maliban sa sekretarya ko."

"So, you told her?"

Umiling lang siya. "I didn't confirm anything. Pero obvious naman sa ginagawa mo," aniya sabay nguso.

"Sabihin mo lang kung uncomfortable para sa 'yo."

Hindi naman siya kumibo at sa halip ay ngumiti lang. Inikot niya ang libreng kamay niya sa braso ko at sumandal sa aking balikat.

Malalim akong humugot ng buntonghininga at kahit pa ang katahimikan ay na-a-appreciate ko basta kasama ko lang siya.

"Look what we have here."

Halos sabay kaming napalingon sa nagsalita. At ganoon na lang ang gulat namin nang makita si Christoff.

Inaasahan ko nang aalisin ni Eren ang kamay niya, pero ganoon na lang ang gulat ko at hindi niya iyon ginawa. Kung kaya napatingin naman si Christoff doon.

"It's a pretty small world, don't you think? Sa dami ng mga babae, ex-wife ko pa rin ang nagustuhan mo."

Tumikhim ako at sinamaan ito ng tingin.

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now