Chapter 13

1.8K 78 6
                                    

CHAPTER 13

Thaddeus Art


Humugot ako ng malalim na buntonghininga at tumitig sa kabilang bahay. Sigurado akong nandoon si Christoff at wala sa hospital.

Ibinaba ko ang aking cell phone at nagdesisyong pumasok na sa loob ng bahay. Naabutan ko si Lauren na halos kahihiga lang din at base sa hitsura ng mukha ay mukhang antok na antok na.

"Come on, hon. Let's sleep," kayag pa niya sabay tapik sa espasyo sa tabi nito.

Tahimik akong sumunod at nahiga na rin. But because of her enticing smell, I just couldn't resist to keep my hands off her. It's been a while since we make love. Nakatalikod siya sa akin kung kaya hinalik-halikan ko ang makinis niyang balikat. Nang pagapangin ko ang aking kamay sa kanyang harapan ay agad niyang pinigilan ang kamay ko.

"I am really tired, hon... Matulog na tayo, please..."

"Saglit lang..." hirit ko pa.

"Pagod talaga ako..." sabay iwas sa akin at niyakap ang unan.

Hindi na ako nangulit pagkatapos noon. Lately, parang ang dalas niyang walang gana sa kama.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at inalog ang aking ulo. Siguro nga ay sobrang pagod na lang din sa trabaho.

Kaya naman sa halip na mag-isip ng kung ano ay mahigpit ko siyang niyakap galing sa likod at ipinikit na ang mga mata.

Kinabukasan ay mas maaga akong gumising para ma-check nang maayos ang for shipment para sa araw na iyon. Pero marahil sa pagod ng mga tao kong halos dalawang araw na nag overnight ay may tatlo akong tauhan na kinailangan kong isugod sa hospital para lang masiguro ang kanilang kalusugan.

Pero ganoon na lang ang mangha ko nang makita si Eren sa lobby na naglalakad mag-isa.

"Ikaw muna rito..." bilin ko pa sa tao ko bago magdesisyong lapitan si Eren na noo'y malapit na makalabas.

"Eren!" tawag ko nang masigurong maririnig na talaga niya ako.

Huminto siya at agad naman ding lumingon. At ganoon na lang din ang gulat niya nang makita ako.

"Thad? What are you doing here?" nagtataka pa nitong tanong.

"Discharge ka na?"

Tumango siya at tipid na ngumiti. "Oo."

"Where is your husband?"

"H-ha, e... May emergency sa work kaya hindi na ako nasundo..."

I don't know if she's even aware that I could tell that she was lying. Pero sa halip na magtanong ay pinili ko na lang na manahimik. What was happening with her relationship was really none of my business.

"So, you're going home alone?" sabay sulyap sa dala nitong gamit.

"Yeah," tumatangong sagot niya.

"Ihatid na kita."

"No, Thad," umiiling pang aniya. "Ayos lang talaga ako."

"Let me just take you home. Malapit lang naman," sabay kuha sa bitbit nitong bag.

"P-pero, Thad—"

Hindi ko na siya hinayaang tumanggi. "Come on," sabay patiuna sa paglalakad palabas.

Wala na rin naman akong pagpo-protestang narinig pagkatapos noon. Agad ko na ring pinatunog ang aking sasakyang nakaparada 'di kalayuan.

"Thad—"

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now