Chapter 12

1.8K 95 10
                                    

CHAPTER 12

Serenity


Habang nakatitig ako sa kawalan ay panay ang agos ng luha ko. Hindi ko sukat akalain na mawawala ang baby ko nang ganoon-ganoon lang. Kinagat ko ang aking labi at pinigilan ang paghagulgol. Alam ko namang delikado ang kalagayan ko kung kaya lahat nang pag-iingat ay ginawa ko. Kung sana lang ay tinulungan din ako ni Christoff. Kung sana lang ay tinanggap na lang niya ang kalagayan ko.

Kumuyom ako. Hindi ko alam kung tama pa nga bang makisama sa lalaking wala yata ni kapirasong pagmamahal para sa akin.

Nang bumukas ang pinto ng kwarto ko ay agad kong pinalis ang luha sa aking mga mata. Bumungad si Christoff taglay ang 'di ko maunawaang ekspresyon ng mukha. Kung hindi ako nagkakamali ay parang "relief" ang nakikita ko roon. Ayaw niya sa dinadala ko kaya alam kong masaya siyang nawala iyon.

"How are you feeling?" bungad niya sabay abot ng isang bungkos ng bulaklak.

Nag-aalangan man ay inabot ko pa rin iyon. Kung inaabutan man niya ako ng bulaklak, karaniwan doon ay para magpakitang-tao lang sa iba. Kung wala namang okasyon ay hindi siya magkakaisip na bigyan ako. Parang gaya ng pagiging sweet niya. Sweet lang siya kapag may ibang makakakita.

"I-I'm okay..." matabang kong sagot.

Sa nararamdaman ko, wala akong gusto kundi ang mapag-isa.

"It wasn't meant to be. Huwag mo na isipin pa 'yon."

Kumunot ako at matalim itong tinitigan.

"It wasn't meant to be?" pag-uulit ko sa sarkastikong paraan.

Hindi ako kailanman nangahas na kausapin siya sa ganoong paraan. Mas madalas ay malambing akong magsalita at mapagkumbaba. Kung nagagawa ko mang sumagot nang pabalang ay dahil unti-unti na rin akong napupuno.

"Yeah. Sabi naman ng doctor, risky naman talaga ang pagbubuntis mo. And sadly, hindi na niya sina-suggest na mag-baby tayo."

Mariin akong kumuyom. Tama bang ipamukha pa niya ang bagay na iyon sa akin? Hindi man lang ba siya nalungkot sa balitang iyon?

"It's probably for your own good, hon," malambing pa niyang sabi sabay hawak sa kamay ko.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o mandidiri sa hawak niyang iyon.

"We don't need a baby. Ayos na tayo na lang dalawa."

Mariin ko siyang tinitigan. Kahit ano'ng gawin kong pag-unawa ay nandoon pa rin ang palaisipan.

"You only need me, hon. You only need me. Hindi ba, tama naman ako?"

Marahil kung naging mabuti siyang asawa ay baka nga na-appreciate ko ang mga salitang iyon. Baka nga sakaling naniwala pa akong puwede kaming maging masaya kahit na walang anak.

"Ayos na rin na nangyari iyan. At least ay hindi ka na umabot sa pagpapalaglag."

Umawang ang mga labi ko sa huling mga sinabi niyang iyon. How could he be so heartless? Hindi man lang ba niya naiisip ang mga binibitiwan niyang salita?

"Get out, Christoff..." tanging nasabi ko sabay nag-iwas ng tingin.

"W-w-what?" tila hindi pa makapaniwalang tanong nito. "You want me out of here? Are you sure about that?"

"Get out, please..."

Nagpakawala ito ng payak na tawa. Tila ba hindi makapaniwalang palalayasin ko siya. Kung sa bagay, nasanay siyang palagi akong naghahabol at nagmamakaawa.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at pilit na kinalma ang sarili. Ni hindi na ako nag-abalang tingnan ang hitsura ng kanyang mukha. Alam kong lalo lang bibigat ang pakiramdam ko kapag ginawa ko iyon.

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now