Chapter 22

2K 117 26
                                    

CHAPTER 22

Thaddeus Art


Kahit pa nawala ako sa kundisyon nitong nakakaraang araw ay pinilit ko pa ring magpakanatural sa harap ni Lauren kahit na sobrang hirap.

Today is our anniversary. 

Madalas ay palagi akong excited sa ganitong okasyon sa aming buhay may-asawa, pero ngayon ay punong-puno ako ng pag-aalangan. Pakiwari ko ba ay may hindi magandang mangyayari.

"Hon, labas lang ako saglit, a. I-meet ko lang si Papa at Mama," paalam pa niya.

Halos mag alas-ocho pa lang noon. Pero simula nang magising siya kanina ay hindi pa rin niya naaalala ang anniversary namin.

"Why don't you invite them here. Magluluto ako."

"It's all right, hon. Pahinga natin today kaya 'wag ka na mag-abala. Babalik din ako agad. Promise."

Tumango ako. Umaasa akong isang alibi lang iyon para sorpresahin ako sa anniversary namin. Though, yeah, ako nga pala ang madalas na may surprise. Nag-aabang lang ako sa susunod na mangyayari kung kaya pinigilan ko muna siyang batiin. Gusto ko lang malaman kung gaya ba ng pagpapahalaga ko ang pagpapahalaga niya. I am hopeful.

Very hopeful.

Nang makaalis siya ay nagluto ako ng mga paborito niyang pagkain. Saglit din akong lumabas para kuhanin ang roses na in-order ko. Kahit pa wala ako sa kundisyon na mag-celebrate ay pinilit ko pa ring gawin para magampanan ang aking pagiging mabuting asawa.

Siguro nga ay kailangan ko lang ding habaan ang pasensya ko kay Lauren. She loves me. Iyon ang bagay na dapat ay itanim ko sa isip ko. Nadidismaya man niya ako nitong nakakaraang araw, siguro nga ay may malalim na rason. Or gaya nang sabi ni Eren, may mood swings.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at tiningnan ang wall clock. Halos magtatanghalian na ay wala pa rin si Lauren kung kaya tinawagan ko na ang kanyang numero. Pero nakailang ring ako ay wala akong sagot na nakuha.

Kaya naman kahit na nahihiya ay lakas-loob akong tumawag sa Papa niya. At ilang ring pa lang naman noon ay agad itong sumagot.

{O, Thad, hijo...}

"Papa, good morning po. Um, hindi po kasi sumasagot si Lauren. Puwede ko po ba siyang makausap saglit?"

{Si Lauren? Wala naman siya rito, a.}

"Po?" Kabado akong napahigpit ang hawak sa cell phone.

{Nag-away ba kayo?}

"H-hindi po, Pa... Akala ko ay dadalaw po siya sa inyo. Sige po, subukan ko na lang tawagan ulit. Pasensya na po sa abala."

{All right. Dumalaw kayo minsan ni Lauren dito sa mansion at dito na kayo mag-dinner. Sabihan n'yo lang ako para makapagpaluto ako.}

"Sige po, Papa. Salamat po."

{Okay. Ingat kayo riyan.}

"Sige po..."

Nanginginig kong pinutol ang tawag. Did that just happen? She lied again. Why would she lied?

Nanghihina akong napaupo sa sofa at tensyonadong hinilamos ang aking mukha. Sinubukan ko ulit na tawagan ang numero ni Lauren, pero sa pagkakataong iyon ay cannot be reach na iyon.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga at pilit na kinalma ang sarili. She's probably planning for something big. Baka may sorpresa siya sa akin. I tried really hard to think that way. Pero habang lumilipas ang oras ay lalo akong hindi mapakali.

HUSBAND AND WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon