Chapter 24

2.2K 125 20
                                    

CHAPTER 24

Thaddeus Art


Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam ako ng ganitong klaseng galit. Hindi ko sukat akalain na ang napapanood ko lang sa telebisyon ay mararanasan ko rin ngayon. At lalong hindi ko naisip na magagawa ni Lauren ang ganoon sa akin.

Mabilis akong pumasok ng kwarto at agad na kinuha ang maleta ko. Inilatag ko iyon sa bed at pabalibag na inilagay ang mga damit at gamit ko roon.

I just want to get out of this house as soon as possible!

"Thad, please... Let's t-talk... Don't go... Please..." pagmamakaawa pa ni Lauren.

Naririnig ko pa lang ang boses niya ay para na akong sinisilaban sa galit. Sobrang sakit ng ginawa niya sa akin! Hindi ko sukat akalain!

"Thad, please..." sumamo niya sabay yakap sa akin.

Saglit akong hindi nakakilos kasabay ng luhang malayang naglandas sa aking mga mata. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Kulang na lang ay kapusin ako ng hininga sa tila matinding piga na nararamdaman ko sa puso ko. Ilang beses kong kinabog ang aking dibdib sa pag-asang mawawala ang sakit. Pero parang lalo lang tumindi ang sakit.

"H-how could you do t-that?" I struggled to ask. "HOW?!" malakas na untag ko kasabay ng malakas na pagkalas sa yakap nito.

Humahagulgol siyang umiyak at lumuhod sa aking harapan. Pinagdaop niya ang kanyang mga palad at nagsusumamong humingi ng tawad.

"I'm sorry, T-Thad. I am really sorry..."

"W-when did it all s-start? WHEN?!" muli ay untag ko.

Takot naman siyang nagtaas ng kamay at muling humingi ng tawad. "S-so s-sorry... I-I'm s-so s-sorry..." aniya habang pinagkikiskis ang mga palad.

"TELL ME WHEN!" muli ay sigaw ko.

Ilang saglit din siyang hindi nakapagsalita dahil sa sobrang pag-iyak. Ako man ay parang nauupos na kandilang napaupo na lang sa bed at tahimik na umiyak.

"Saan ako nagkulang, Lauren? Saan?" naghihinanakit kong sabi.

Kahit pa kasing ano'ng isip ko, ginawa ko naman ang lahat para sa kanya. Nagkukulang man ako sa oras, bumabawi ako. Hindi ako nagpapabaya. I tried to be the perfect husband for her. Kaya hindi ko matanggap na niloko pa niya ako sa kabila ng lahat!

"Hindi ka nagkulang, Thad. Ako ang nagkamali. Sorry... S-sorry talaga... S-sorry, T-thad... I am really sorry..."

Marahas kong pinalis ang luha sa aking mga mata at mariin itong tinitigan. Pero habang ginagawa ko iyon ay parang nagre-replay lang sa utak ko ang nasaksihan ko kanina. Walang takot nilang ginawa iyon kahit pa alam nilang parehas kaming nasa bahay ni Eren. Like they've done it to be found.

"Are you in l-love with h-him, huh?" Sa sobrang hirap ng tanong na iyon ay muling bumuhos ang luha ko.

Hindi ko alam kung nakagayak ba ako sa isasagot niya. 

"I-I don't k-know... Nagkakilala na kami bago pa man tayo ikasal..."

Mataman ko siyang tinitigan sa mukha. "Ganoon na katagal?"

Maagap siyang umiling-iling. "No, Thad. Nag-cool off tayo noon. I met him and we immediately click. But it ended up so quickly. Nabuntis niya si Eren... kaya..."

Matalim ko siyang tinitigan. "Kaya napilitan kang magpakasal na rin sa akin, ganoon ba?"

Umiiyak siyang umiling-iling. "No, Thad. I love you. Na-confuse man ako noon sa feelings ko, but I knew that I truly love you!"

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now