Chapter 35

2.4K 150 19
                                    

CHAPTER 35

Serenity

That kiss with Thad. It wasn't even my first time, but it felt amazing and magical. Hindi ko alam kung dahil ba alam kong mahal niya ako kumpara kay Christoff noon. We had this special connection I can't even explain.

Pero kahit pa walang tulog ay punong-puno ako ng energy kinaumagahan. Tulad nang dati ay maaga akong gumising at gumayak. Nitong nakakaraan ay pinipilit niya akong mag-umagahan kami ng sabay. Madalas na siya ang nagluluto at sa suite niya kami kumakain. Ganoon siya kaasikaso. Bagay na hindi ko naranasan noon.

"Good morning," nakangiting bungad niya sa pinto.

"Good morning," nahihiyang bati ko. Para lang nag-replay sa utak ko ang first kiss namin kagabi.

Gosh, Serenity! Tama bang umarteng parang walang experience?! It wasn't even a torrid kiss! Nababaliw na nga yata ako!

"Come on. Let me feed you," aniya habang nakaalalay sa baywang ko.

Tumango ako at pilit na ikinubli ang kaba.

"Are you feeling okay? You looked flushed..." puna pa niya na lalong nagpainit ng mukha ko.

Kinapa niya ang aking noo at ibig kong makuryente dahil doon.

"Wala ka namang lagnat. Okay ka lang ba?" nag-aalala pa niyang tanong.

"O-Opo... Blush-on lang 'yan," natatawang saway ko pa lalo pa nga't wala naman akong gaanong makeup sa mukha.

"Oh, I see... Tara na. Kumain muna tayo."

Tahimik naming pinagsaluhan ang umagahan. Hindi ko alam kung dahil ba parehas kami nang naiisip o papaano.

Matapos kumain ay nagmamadali akong bumalik sa kwarto at nag-toothbrush. Kanina pa hindi mawala-wala ang kaba ko. Kaunting titig lang ay nako-conscious na ako.

Hindi rin naman nagtagal ay narinig ko nang tumunog ang door bell. Dali-dali kong isinukbit sa aking balikat ang shoulder bag at isang beses pang pinasadahan ang aking kabuuan sa salamin bago lumabas.

Hawak-kamay naming binagtas ang papunta sa lift. Kahit pa walang mga salitang namamagitan sa amin ay sapat nang kasama namin ang isa't isa.

"Um, c-can I do that again?" basag pa niya sa katahimikan.

"Ang alin?" naguguluhan kong tanong.

"Um..." Ilang sandali pa siyang nag-alangan. Para bang hiyang-hiya. "Is it okay to kiss you whenever and wherever?"

Awang ang labi kong tumitig sa kanyang mukha. He's thinking the same thing! I couldn't believe it!

"B-but it's okay if it's uncom—"

"It's okay. I-I like that..." nahihiya kong sagot sabay iwas ng tingin at kagat ng labi.

Kulang na lang yata ay magliyab ang aking mukha sa kahihiyan. Hindi ko alam kung tama nga bang ganoon ang sagot ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay noon ko natantong titig na titig pala siya sa akin gamit ang mapupungay niyang mga mata.

Tumunog ang lift sa parking lot at nakangiting hinila niya ang aking kamay palabas. Parehas naming hindi mapigilan ang pagngiti.

Nang makapasok kami sa kanyang sasakyan ay ganoon na lang ang gulat ko nang banayad niyang kabigin ang aking batok at sinakop ang aking labi. Ilang saglit din akong tila tinulos na kandila sa sobrang gulat.

"I just need to do this, babe. Halos magdamag mo akong hindi pinatulog dahil dito," naiiling pang aniya bago humiwalay sa akin. "I am so crazy about you," halos pabulong pang sabi niya bago paandarin ang sasakyan palayo roon.

HUSBAND AND WIFEUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum