Chapter 30

2.6K 138 20
                                    

CHAPTER 30

Serenity

Nang sumunod na araw ay muli kaming lumabas na magkasama ni Thad at sabay na namili ng groceries. Hindi ko sukat akalain na masusundan agad ang paglabas namin nang magkasama.

He's only wearing a plain white t-shirt and beige cargo pants, but he looked so easy on the eyes. Kaya naman hindi na rin ako nagtaka nang may mga namimiling sa kanya napapatingin. Bukod sa gwapo na, ang bango-bango pa!

"Marami ka bang bibilhin?" tanong pa niya habang binabagtas namin ang kahabaan ng canned goods.

Saglit akong nag-isip habang patuloy pa ring nag-iisip. "Depende sa kung ano'ng makita ko. Ang kailangan ko lang naman talaga ay toiletries."

"Do you want me to get another cart for you?"

Maagap akong umiling. "Hindi na kailangan. Hindi naman marami ang ipamimili ko."

Tumango-tango siya at hindi naman na kumibo. Parehas naming inabala ang sarili sa paghahanap ng gusto naming pagkain. Kumuha siya ng ilang imported na de lata at inilagay iyon sa cart namin.

"Gusto mo nito?" aniya sabay taas din sa imported na luncheon meat.

Tumango ako at agad naman niyang dinagdagan ang kuha sa mga de lata na iyon.

"Um, wait... may nakalimutan pa pala akong kunin. Ako na lang ang babalik. Saglit lang ako," paalam pa niya.

"Sige. Hintayin na lang kita rito."

"Okay. Saglit lang ako." Muli siyang bumalikwas pabalik sa dati naming pinanggalingan.

Saglit akong nagmasid bago dumampot naman ng mga kailangan ko.

"Eren?"

Agad akong napaangat ng tingin sa nagsalita.

"Excuse me?" seryoso kong baling dito. "Do I know you?"

Sa totoo lang, pamilyar ang mukha niya pero hindi ko maalala.

"It's me, Harvy. Can't you remember? We've been schoolmates," aniya sabay malapad na ngumiti.

Ilang saglit din akong napaisip bago tuluyang maalala kung sino nga ba siya.

Shit.

"Do you recall me now?" hopeful pang aniya.

Pinilit kong ngumiti bago malumanay na tumayo. He's been one of my consistent suitors in college. Kahit pa lantaran kong ipinapakita ang pagkadisgusto ay isa siya sa nagtiyaga. Gwapo naman sana siya at may kakayanan sa buhay, pero masyadong presko ang kanyang dating na naka turn-off nang husto sa akin. Now that I think about it, he and Christoff were very much alike. Masyado lang talaga akong bulag sa pagtingin ko noon kay Chriistoff kung kaya wala akong napansing pangit na asta niya.

"Harvy! I am so sorry... Tumatanda na nga yata ako." Ngumiwi ako at mabilis na ibinalik ang tingin sa paligid sa pag-asang nandoon na si Thad.

"It's all right. Ang tagal din kasi nating hindi nagkita. Balita ko, hiwalay na kayo ni Christoff? Is that true? What happened?"

Tumango ako at mapaklang ngumiti. "Yeah," mapaklang sagot ko. Lahat naman yata ay alam ang balitang iyon.

"I'm sorry to hear that, Eren. I really am. How are you coping, huh?"

"I'm doing just fine. Don't worry about me."

Tumango siya at tila naaawang tumitig sa akin. "Kung sa bagay, mukhang hiyang ka naman sa pagiging single. Mas lalo ka ngang gumanda."

"Thanks..."

"I am still very much single and looking for a lifetime partner..." makahulugan pang aniya na nagpangiwi sa akin. I am not interested at all.

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now