Chapter 25

2.3K 140 17
                                    

CHAPTER 25

Serenity


Wala ako sa sariling ngumiti sa kawalan at humugot ng malalim na buntonghininga. It's been three years... Pero pinakamabagal na mga taon sa buong buhay ko.

Matapos na maaprubahan ang annulment namin ni Christoff ay pumunta ako sa America at doon nanirahan ng tatlong taon. Hindi naging madali ang lahat. Kinailangan kong magsimula sa buhay na nag-iisa. Saglit din nanibago ang aking katawan at utak sa trabaho dahil matagal din akong napirmi sa bahay dahil sa kagustuhan noon ni Christoff. But I am really glad that with the help of my parents, I eventually learned to live my life one step at a time.

Hindi madali pero kinaya. I really thank God for it.

"Would you like anything, anak?" malambing na tanong ni Mama sabay hagod sa likod ko.

"I'm okay, Mom. Don't worry about me."

"Sige na. Baka gusto mo nang magpahinga. Basta kapag nagutom ka, magsabi ka lang sa katulong, a," mahigpit na bilin pa niya.

Tumango ako at matamis na ngumiti. Higit yata silang naging maalaga simula nang mahiwalay ako kay Christoff. Hindi ko man sinabi sa kanila ang lahat ay para bang alam nila na hindi naging maganda ang buhay ko kasama ang dati kong asawa.

"Why don't you just stay here? Kami lang naman ng Papa mo rito sa mansion," hirit pa niya.

Maraming beses na niya akong kinukulit. But I am already decided. Gusto kong mamuhay mag-isa. Mahirap pero alam kong kakayanin.

"Dadalasan ko na lang ang pagdalaw sa inyo ni Papa, Ma," nakangiting sagot ko.

She dramatically rolled her eyes. Kulang na lang ay sabihin niya sa akin na ang tigas ng ulo ko.

"Okay, fine. Bahala ka. Basta kapag nainip ka sa condo mo, umuwi ka agad dito, a."

Tumango ako. "Opo, Ma."

"Sige na. Magpahinga ka muna."

Tumango ako at hinalikan ito sa pisngi. "Good night, Ma."

"Good night, anak," aniya sabay halik din sa aking pisngi.

Nang makalabas siya ng kwarto ko ay saglit akong lumabas sa balcony at sumagap ng sariwang hangin.

Wala na akong balita kay Christoff. Sinadya ko na ring hindi makabalita pa.

Naputol din ang komunikasyon namin ni Thad simula nang gabing iyon. Hindi ko alam kung natuloy din ba silang maghiwalay ni Lauren o nakisama pa rin siya rito.

I totally separated myself from the past. Kaya ultimo socmed ko ay deactivated lahat.

Nang makaramdam ako ng antok ay muli akong pumasok sa kwarto at nahiga na sa bed.


Kinabukasan ay nagpasya na akong lumipat sa aking bagong condo unit. Hindi iyon kalayuan sa kompanya namin kung kaya ayos na ayos sa akin ang lokasyon noon.

"Bakit kasi hindi mo pa kami hinayaan ng Papa mo mamili ng mga gamit mo rito?" sermon ni Mama habang nakatingin sa bakanteng espasyo ng unit ko.

"It's all right, Ma. Mas gusto kong ako ang mamili."

"Wala kang tiwala sa taste ko, 'no?" umiirap pang aniya.

Humalakhak ako at mahigpit itong niyakap. "Yeah, slight."

Banayad niyang hinampas ang braso ko at muling umirap. "Ang ganda kaya ng taste ko! Pasaway kang bata ka!"

"Huwag ka na magreklamo, Ma."

HUSBAND AND WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon