Chapter 6

1.9K 93 2
                                    

CHAPTER 6

Thaddeus Art


Maaga akong umuwi dahil sa sama ng pakiramdam. Masyado yata akong napagod sa mga sunod-sunod na madaling araw na uwi dahil sa hinahabol na shipment.

Pagparada ko ng sasakyan ay naabutan ko si Eren na noo'y mukhang katatapos lang maghalaman.

"Ang aga mo yata," nakangiting bati niya.

Mapakla akong ngumiti at tumango. "Mukhang nadali ako ng trangkaso."

"Really? May gamot ka ba riyan? Mayroon ako rito."

Maagap akong umiling. "It's all right. Mayroon naman ako sa loob."

"Pagkain? Mayroon ka? May niluto ako na sobra naman sa akin. Wait lang at kuhanin ko." Nagmamadali pa siyang kumilos at kahit pa pigilan ay nakahiyaan ko na. "Wait mo lang, a."

Mabilis siyang nakapasok sa loob ng bahay nang 'di ako nililingon. Nakangiti na lang akong umiling sa kawalan at humugot ng malalim na buntonghininga.

Hindi nga nagtagal ay lumabas si Eren na may dalang pagkain na nakalagay sa Tupperware.

"Sinigang na baboy lang naman iyan. Pero ayos 'yan para mainitan ang sikmura mo. May kasama na ring kaunting kanin para hindi ka na magsaing."

"T-thanks... Nag-abala ka pa."

"It's all right. Hindi ko naman kayang ubusin lahat. Pagkakain mo, saka ka uminom ng gamot. Gagaling ka rin agad."

Nakangiti akong tumango-tango. Hindi ko na matandaan kung kailan pa nga ba ako inalala nang ganito ni Lauren.

"Thanks, Eren. For sure masarap 'tong ulam mo."

"Oo naman. Ako pa ba?" mayabang pang himig niya na nagpatawa sa akin.

She's cute.

"Pasok na ako. Iwan na kita rito."

Tumango siya at tipid na ngumiti. "Okay. Get well soon."

"Thanks again." At noon na ako pumasok sa loob ng bahay.

Kahit pa walang-wala ako sa kundisyon ay pinilit ko pa ring kumain para makainom ng gamot.

Masarap magluto si Eren kung kaya naubos ko ang ibinigay niya. Matapos noon ay dumiretso ako sa kwarto at agad na ring nagpahinga.

Madilim nang magising ako sa haplos sa aking ulo. Nang idilat ko ang aking mga mata ay bumungad ang magandang mukha ni Lauren na noo'y titig na titig sa akin.

"Hey," bungad pa niya at mabilis akong hinalikan sa labi. "Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Medyo umayos nang kaunti," sagot ko sabay bangon. "Kanina ka pa ba?"

Umiling siya at humugot ng malalim na buntonghininga. "Kadarating ko lang."

"I'm so sorry... Hindi ko na nagawang magluto ng dinner. Kumain ka na ba? Puwede naman tayong um-order."

"It's all right, hon. Kumain na rin naman ako opisina. Pero ikaw, kailangan mong kumain."

"I'm okay. Bago ako natulog ay nakakain naman ako. Binigyan ako ng pagkain ng kapitbahay natin."

"Really? Maganda ba 'yang kapitbahay nating iyan?"

Nagpakawala ako ng payak na tawa. Gustuhin ko mang sumagot ng matapat na "oo" ay mas pinili ko na lang na sumagot ng alam kong gusto niyang marinig.

"Nagmagandang loob lang naman... At siyempre, mas maganda ka."

Ngumuso siya at umirap. "Sure ka riyan, a?"

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now