Epilogue

3.6K 160 21
                                    

EPILOGUE

Thaddeus Art

Everything went well with Eren the following days. Kahit pa muntikan na kaming hindi magkaintidihan dahil sa sitwasyon ko kay Lauren, kabutihan na lang ay malaki pa rin naman ang tiwala niya sa mga sinasabi ko. Kung sa bagay, hindi ko rin naman hahayaan na basta na lang siyang lumayo sa akin. Hindi rin ako papayag. I love her too much.

May mga pagkakataong tumatawag at nangangamusta pa rin si Lauren, pero walang panahon na hindi ako nagsabi kay Eren. Hinding-hindi ko sisirain ang tiwalang ibinigay niya sa akin at ganoon din naman siya sa akin.

Higit na ring naging mas malaya kaming ilantad ang aming relasyon sa kabila man ng mapanuring tingin ng ibang tao. Pero wala na rin naman akong pakialam pa sa opinyon ng iba lalo pa nga't wala ng mas importante sa akin kundi siya lang.

"Saan tayo?" nakangiting tanong niya habang palabas kami ng opisina niya.

"Let's just have dinner outside. Okay lang ba?"

Tumango-tango siya habang mahigpit na magkahawak ang aming mga kamay. Kung clingy man ako, pakiramdam ko ay ganoon din naman siya. Hindi na namin ikinakahiya sa ibang tao ang relasyong mayroon kami.

"Okay. Ikaw ang bahala."

Nang makarating kami sa parking lot ay hindi na kami nag-aksaya pa ng oras at agad na ring umalis.

Habang nagmamaneho ay hindi ko maiwasan ang bahagyang matensyon. Kahit pa alam ko na ang sagot sa proposal ko ay nandoon pa rin ang kaba.

"Are you okay? Mukhang ang lalim nang iniisip mo..."

Maagap akong umiling-iling. "I'm fine. Iniisip ko lang ang gusto kong kainin." I cleared my throat. Hindi ko alam kung nagagawa ko bang itago ng maayos ang kaba.

"Talaga ba?" aniya. Tila hindi naman nagdududa.

Nang makarating kami sa restaurant ay halos pagpawisan ako nang malapot. Pinagdaanan ko man ito dati ay para pa ring bago ang lahat sa akin. Nandoon din ang pag-aalala na baka hindi ko maabot ang expectations niya.

"Are you sure you're okay? Parang namumutla ka kasi..." puna pa niya.

Napalunok ako at mapaklang ngumiti. "I'm okay, babe. Don't worry about me."

"Oh-kay..." nag-aalangan niyang sabi sabay mapaklang ngumiti.

Hindi ko masabi kung nagdududa na ba siya o papaano.

Matapos na kumain ay niyaya ko siyang mamasyal sa garden ng restaurant. Nang makarating kami sa parte na napalilibutan ng iba't ibang kulay ng led lights ay tuluyan na akong nanlamig.

"Oh..." gulat pang anas niya nang makita ang trail of rose petals papunta sa pergola.

May dalawang lalaking nakatayo hindi kalayuan at nang matanawan kami ay agad na nagpatugtog ang may hawak ng gitara.

Gulat na tumitig sa akin si Eren na para bang nagtatanong. Sa halip na sumagot ay naglahad lang ako ng kamay at nakangiting hinila siya papunta sa pergola.

"W-what is this, Thad?" naguguluhan pang tanong niya.

Pero binalewala ko ang tanong niyang iyon. "May I have this dance, please?"

Naguguluhan man ay tumango lang siya at kuryoso pa ring nagpalinga-linga sa paligid.

"Did you set this up?" mangha niyang tanong.

Tipid akong ngumiti at banayad na tumango. "I haven't done anything romantic for you at all."

Ngumuso siya na para bang nagpipigil ng kilig. "Talaga lang, ha?"

HUSBAND AND WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon