Chapter 8

1.9K 85 1
                                    

CHAPTER 8

Thaddeus Art


Nahusto ang pahinga ko kung kaya mabilis na umayos ang pakiramdam ko. Laking pasalamat ko kay Eren na naging malaking tulong sa paggaling ko. Malaking bagay ang mga libreng pagkain na ibinigay niya. She was such a nice woman. Masuwerte ang asawa nito sa kanya.

Kaya naman bago ako umuwi ng hapon ay dumaan ako sa bilihan ng ihaw-ihaw. Gustuhin ko mang yayain siyang kumain sa labas ay nag-aalala akong mabigyan ng malisya ng ibang tao. Ayoko ring bigyan ng alalahanin ang asawa ko.

Nang makarating ako sa bahay ay agad kong pinindot ang doorbell. Hindi rin naman nagtagal ay binuksan iyon ni Eren na halatang nagulat pa.

"Thad?"

Itinaas ko ang supot ng ihaw-ihaw sabay abot. "Ibinili kita. Fave mo kamo 'to, 'di ba?"

Nakangiti siyang tumango-tango at pumalakpak pa. "Thanks, Thad. Hindi ka na sana nag-abala pa."

"Ikaw nga itong ang dami mong naibigay. Makabawi man lang ako kahit na papaano."

"Excited na akong kainin 'to."

"Sige na. Kainin mo na habang mainit pa."

Nakangiti siyang tumango. "Salamat ulit."

"You're welcome," sabay tango.

Kumaway pa siya bago tuluyang isara ang pinto.

Humugot ako ng malalim na buntonghininga bago bumalik ng bahay. Natutuwa akong sa simpleng pagkain na iyon ay napangiti ko si Eren. Para kasing may kakaiba sa kanya nitong nakakaraan. Nahihiya naman akong tanungin dahil hindi ko pa rin makampante ang sarili kong ganoon na kami ka-close. Though, it felt nice to have her around. Napipigilan ko ang sarili kong mag-isip ng kung ano-ano.

Nang tuluyang dumilim ang langit at makakain ng hapunan ay agad kong tinawagan si Lauren. Ilang araw na 'di man lang nagtatagpo ang oras namin kung kaya 'di kami nagkikita. Kung hindi siya abala sa trabaho ay nakatulog naman siya sa pagod.

{Hey, hon!} masayang bungad pa niya sa video.

"How are you, hon? Kumain ka na?"

Sunod-sunod siyang tumango. {Mag bar hop lang kami mamaya ng mga colleagues ko.}

"Oh. Marami ba kayong mga babae? 'Wag kang iinom nang sobra, a," bilin ko pa.

Bago pa man kami naging mag-asawa ay hilig na talaga niya ang mag bar hopping. Mga bagay na tinanggap ko na lang dahil alam kong iyon ang magpapasaya sa kanya. I trust her. At sa tingin ko ay ganoon din siya sa akin.

{Thanks, hon. Don't worry... Hindi ako iinom ng marami. Tamang bonding lang naman kami.}

"Okay. Sinabi mo, e."

{Wait, hon... May tumatawag sa akin. I'll try to call you later. Okay lang?}

"Yeah, sure. Ingat ka riyan."

{You too, hon. Bye!}

"I—"

Hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko dahil sa mabilis niyang pagputol sa video call. Humugot ako ng malalim na buntonghininga at tiningala ang nagdidilim na langit. Ni wala akong makita ni isang bituin.

"Ang lalim no'n, a."

Agad akong napalingon sa pinanggalingan ng boses.

Si Eren.

"Hey..."

Itinuro niya ang cell phone at agad ko namang sinagot ang tawag niyang iyon.

{May problema?}

HUSBAND AND WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon