Chapter 21

1.9K 99 11
                                    

CHAPTER 21

Serenity


Naging mas malamig ang pakitungo namin ni Christoff sa isa't isa. Sa aminin ko man o hindi, alam kong may nabago na sa nararamdaman ko. Kung bakit nag-aalangan man akong makipaghiwalay, iyon ay dahil sa takot kong mag-isa. Bata pa ako at gusto ko pa rin naman maranasan ang mahalin at pahalagahan. Pero alam kong kapag nahiwalay na ako sa kanya, hindi na ako siguradong makatatagpo pa ng matinong lalaki. Natatakot akong ganoon ang mangyari at tumanda akong nag-iisa. Kung may anak man lang sana ako ay baka hindi ganito ang pakiramdam. Baka wala 'yong ipinag-aalala ko.

Wala ako sa sariling tumingala sa nagdidilim na kalangitan. Christoff is out somewhere again. Hindi na nga rin siya nagpapaalam. Wala na talaga siyang pakialam sa akin.

Nagambala lang ang aking pag-iisip nang biglang tumunog ang aking cell phone. Nang makitang si Thad iyon ay agad akong lumingon sa balcony. Nakangiti siyang kumaway at agad ko namang sinagot ang tawag niya.

{Ang lalim nang iniisip natin, a...} bungad niya.

Mapakla akong ngumiti at tumango-tango. "Medyo... Wala ba riyan ang asawa mo?"

Humugot siya ng malalim na buntonghininga bago malungkot na tumango. {She's out with her friends...}

"Sa ganitong oras?"

Mapait siyang ngumiti. Hindi man siya magsabi ay kitang-kita ko sa mukha niya ang lungkot.

"Palagi ba siyang lumalabas?"

{Lately, yes...}

"May iniisip ka bang hindi maganda?"

Matagal bago siya makasagot. Hindi ko alam kung nag-aalangan ba siyang mag-open sa nangyayari sa kanilang mag-asawa.

{She's with Everett again...} mapait pang aniya.

Para namang binibiyak ang puso ko sa awa sa kanya. "Hindi mo man lang ba sinabi sa kanya ang concern mo? Siguro naman sinabi mong ayaw mong madalas siyang lumalabas kasama ang Everett na 'yon."

{I told her that...}

"And?"

{She's still hanging out with him.}

"Nag-iisip ka bang..." Ibinitin ko ang aking mga salita. Natatakot ako'ng magkamali ng tanong.

Hindi siya nakakibo. Hindi ko man diniretsa ang tanong, alam kong kuhang-kuha na niya ang ibig kong sabihin.

{They were friends for so many years. Mas mahaba pa ang pinagsamahan nila kaysa sa amin ni Lauren. Ayoko talagang mag-isip, pero hindi ko maiwasan.}

Tahimik akong tumitig sa kanyang mukha. He seemed really hurt. Sa maraming beses ko siyang nakikita, ngayon ko lang nakita ang ganoong lungkot sa kanyang mga mata.

"Parang wala naman sa hitsura ng asawa mo ang gagawa ng ganoon, 'di ba?"

Hindi siya nakakibo at sa halip ay tumingin lang sa malayo. "Nasa hitsura ba 'yon?"

Mapakla akong ngumiti. He's right. Kahit sino nga pala ay may kakayahang magluko kapag ginusto.

"Look, Thad, you should talk to her. Tell her how you feel. Mainam na rin na alam niya ang nararamdaman mo sa pagsama-sama niya kay Everett."

Tumango-tango siya. {I think I told her that a million times, but yeah, I'll try again. Thanks, Eren.}

Mapait akong ngumiti. "No biggie."

{Ikaw? Kumusta na kayo ng asawa mo?}

Mapait akong ngumiti. "Same, same..."

{Have you talked to him lately?}

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now