Chapter 16

1.8K 92 7
                                    

CHAPTER 16

Serenity


Matapos na malaglag ang dinadala ko ay hindi na ulit ako tinabihan ni Christoff sa kama. Hindi ko alam kung dahil ba natatakot lang siyang mabuntis ulit ako or dahil kahit papaano ay naramdaman niya ang panlalamig ko. Gustuhin ko mang bumalik sa dati ay parang hindi pa rin kaya ng puso ko.

"Nakagayak ka na ba?" naiinip pang sigaw ni Christoff galing sa unang palapag.

Ito ang isa sa bihirang pagkakataon na isinasama niya ako sa okasyon dahil may kinalaman sa pamilya. Siguro ay wala lang din siyang magawa lalo pa nga at mga magulang niya ang may gusto.

Nagmamadali akong kumilos at kulang na lang ay magtatakbo palabas ng kwarto.

"Ang tagal mo naman!" reklamo pa niya nang matanawan ako pababa ng hagdan.

"S-sorry..." tanging nasabi ko. 

"Bilisan mo!" pagmamadali pa niya sabay labas sa pinto.

Bumuga ako ng hangin at pigil ang inis na bumaba ng hagdan. Kung dati ay bulag-bulagan ako sa nakikita kong ugali niya, ngayon ay unti-unti na akong namumulat. At alam kong ang ganitong pakiramdam ay hindi nakabubuti sa kung ano'ng pagtingin ko sa kanya.

Sa aminin ko man at sa hindi ay nandoon na ang pagsisisi. Kung hindi siguro ako nagpadalos-dalos sa desisyon, baka nga sa ibang lalaki ako nakasal. Baka nga nakatagpo pa ako ng lalaking mahal ako at hindi lang ako ang nagmamahal.

Nang makalabas ako sa pinto ay nakasakay na siya loob ng sasakyan. Papasok na lang sana ako nang matanawan sina Thad at Lauren na noo'y gayak na gayak din. Possible kayang iisang okasyon lang ang pupuntahan namin?

Nang magtagpo ang mga mata namin ni Thad ay nagtatanong lang siyang tumingin sa akin. Tanging tango ang ibinigay kong sagot habang ipinagbubukas niya ng pinto ng sasakyan ang asawa.

"Get in!" pagmamadali pa rin ni Christoff na halatang aburido na rin.

Nagmamadali akong pumasok at agad na nagkabit ng seatbelt.

"Do you think iisang okasyon lang ang pupuntahan natin?" tanong ko pa sabay sulyap sa paalis na sasakyan ng aming kapitbahay.

"Malay ko," walang gana niyang sagot sabay paandar ng sasakyan.

Lately ay sobrang init ng ulo niya. Hindi naman siya nagsasabi sa akin ng problema kaya palaging wala akong alam. Kapag sinubukan ko namang magtanong ay palagi siyang nakasinghal o 'di kaya ay hindi lang ako pinapansin. I am really trying hard to work things out with him. Kahit pa hindi ko makuha ang pagtratong gusto ko.

Nang makarating kami sa party ay hindi nga ako nagkamali ng hula nang makita roon ang mag-asawang Thad at Lauren. Nakaangkla ang kamay ni Lauren sa braso ni Thad. They looked so good together. Hindi rin maikakaila ang pag-aalagang ginagawa ni Thad sa asawa. I really wish that I have that same relationship with Christoff. 'Yong pag-aalagang hindi pang may ibang taong kasama...

Nakangiting sumalubong sa akin ang parents ko, pati na rin ang aking mga biyenan. Mabilis na umakbay sa akin si Christoff at makahulugang ngumiti. Kuhang-kuha ko na ang ibig niyang sabihin. We needed to show off to our parents.

"Okay ka na ba, anak?" nag-aalalang tanong sa akin ni Mama sabay haplos sa aking pisngi.

"Opo, Ma. Don't worry about me," mapait kong sabi.

Nakauunawa naman siyang tumango at sumulyap kay Christoff na noo'y abala sa pakikipag-usap sa parents nito.

"Ayos pa ba kayong mag-asawa?" halos pabulong niyang tanong.

HUSBAND AND WIFEWhere stories live. Discover now