Chapter Nine

759K 15.6K 1.5K
                                    

Tanya’s POV

Hanggang ngayon na na nakauwi na ako sa bahay para pa rin akong nakalutong sa ulap. Hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang unang humalik sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili kong gawin iyon ng makita ko kung gaano kalungkot ang mga mata niya. Hinalikan ko siya kasi gusto kong mabawasan kahit konti man lang ang sakit na nararamdaman niya. Alam ko ang pakiramdam na parang nag-iisa ka na lang habang buhat mo sa balikat mo ang bigat ng buong mundo. Hinalikan ko siya dahil iyon ang pakiramdam kong tamang gawin ng mga oras na iyon.

“Tanya.” Nagulat ako at nagising mula sa malalim na pag-iisip ng marinig ang boses ni nanay. Lumingon ako sa pinto ng kwarto kung nasaan siya nakatayo. “Ikaw bata ka, kanina pa kita hinihintay. Dumadalas na yata ang pag-uwi mo ng gabi.”

Lumapit siya sa mesa kung saan ako nakatayo at nagmano ako sa kanya. “Pasenya na, nay. Gumawa kasi kami ng mga kaklase ko ng project.” Inilapag ko ang plastic bag na hawak ko sa mesa at inilabas ang mga gamot niya. “Nakabili ko na ang lahat ng gamot na nireseta sa inyo ng doktor at saka nabayaran ko na din si aling Moning.”

At ito, ito ang humahatak sa akin pabalik sa realidad. Ang perang ibinabayad sa akin ni Wayne. Parang isang masakit na sampal sa mukha ko iyon pero hindi ko kayang tanggihan iyon. Kailangan ng nanay ang mga gamot niya, kailangan ko iyon para may makain kaming dalawa, kailangan kong mabayaran ang renta namin, kailangan ko yun pangtuition.

“Saan ka ba nakakakuha ng pera?” Seryosong tanong niya habang nakatitig sa mga mata ko.

Nagbaba ako ng tingin dahil alam kong hindi ko kayang magsinungaling habang nakatingin sa kanya. “Nangutang po ako sa mga kaibigan ko.”

“Tanya, anak, hindi mo naman kailangan gawin iyon.” Bumuntong-hininga siya.  “Magkakabaon-baon lang tayo sa utang. Bakit hindi mo na lang ako hayaan na mamasukan bilang kasambahay-“

“Nay, napag-usapan na natin yan. Hindi po ako papayag na magtrabaho kayo lalo na ngayon na may sakit pa kayo.”

“Kaya ko pa naman. Kaysa naman nandito lang ako sa bahay.”

“Mabuti yun para sa’yo, nay. Magpahinga ka na lang dito sa bahay. Hindi po dapat kayo napapagod.”  

“Ayaw ko lang kasing nakikita kang nahihirapan.”

“Hindi naman po ako nahihirapan at saka malapit na akong makapagtapos.” Malambing na niyakap ko siya mula sa likod niya at ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya. “May awa ang Diyos, nay. Matatapos din ang lahat ng paghihirap natin. Pag nakahanap na ako ng magandang trabaho hindi na natin kahit kailan poproblemahin ang pera. Bibili ako ng malaking bahay para sa’yo at hindi mo na kailangan gumawa ng kahit anong gawaing bahay dahil kukuha din ako ng kasambahay para sa’yo.”

Natawa si nanay. “Ang batang ‘to.” Naiiling-iling na sabi niya bago idinantay ang ulo niya sa akin. “Hindi ko naman kailangan ng mga iyon. Wala akong ginusto kung hindi ang maging maganda ang buhay mo.” 

Pagkatapos namin mag-usap ni nanay nagbanlaw ako ng katawan sa banyo. Pagpasok ko sa kwarto saktong tumunog ang cellphone ko mula sa backpack ko. Binuksan ko iyon at nakita ang pangalan ni Wayne. 5 text messages and 1 missed call. Tumunog ulit iyon habang hawak ko. Tumatawag siya sa akin pero tinitigan ko lang iyon. Parang hindi na kasi tama itong nararamdaman ko para sa kanya. Hindi normal ang relasyon namin dalawa at hindi kahit kailan magiging normal iyon. Binabayaran niya ako para makasama niya.

The Blue Book: At Your ServiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon