Tanya's POV
"Ang sarap ng kain mo, ah." Nakangiting sabi ni Edna habang nakasalong-baba sa mesa at nakatitig sa akin. She invited me over to her house. Nilabas ni George si Therese at ako lang naman mag-isa sa bahay kaya um-oo na ako. Gusto ko rin naman makita ang kaibigan ko at ayaw ko na magmukmok sa bahay. I hadn't been myself since the last conversation I had with Wayne.
Nakilala ko ang two-year-old na baby nila ni Luis na ngayon ay nanonood ng tv kasama ang Nanay ni Edna sa living room.
"Oo nga eh. Ang sarap kasi nitong daing."
Her brows shot up. "Halata ngang sarap na sarap ka diyan. Pero, friend, dapat sinabi mo sa akin na tiyan lang pala ng isda ang gusto mo. Nakadalawang daing ka na, yung tiyan lang kinakain mo."
I chuckled quietly. "Nako, pasensya ka na. Ngayon lang ulit ako ginanahan kumain."
"Okay lang, 'no! Kung gusto mo ipagluluto pa kita."
"Huwag na. Okay na ako dito." I smiled. "Hindi ko nga maintindihan ang nangyayari sa akin. Ilang araw na akong walang gana kumain, hindi naman sa ayoko, talagang nag-iba yung panlasa ko. Tapos palagi akong nahihilo. Nagiging antukin din ako."
"Alam na ba ni Wayne yan?" She gave me a meaningful look.
"Ang alin?" Nagtatakang tanong ko. Just hearing his name felt like heavy weight on my chest.
"Ito naman, friend! Surprise ba yan? Dapat si Wayne ba ang unang makaalam?"
"Huh? Hindi kita maintindihan..."
"Para naman first time mo lang magbuntis, eh may baby Therese na nga kayo. Yan na yung signs oh! Obvious na obvious." She chuckled. "For sure, matutuwa niyan ang mag-ama mo!"
I paused and placed a hand on my stomach. Akala ko stress lang ako dahil sa nangyayari sa amin ni Wayne. It never crossed my mind but just the possiblity of having Wayne's baby growing inside me made my heart flutter with joy. Hindi naman malabong mangyari iyon dahil mahigit dalawang buwan din kami nagsama.
"B—buntis ako?"
She smiled. "Ang maganda niyan magpa-check up ka sa doktor para masiguro mo. Teka, kailan ka ba huling nagkaron?"
Bigla rin sumagi sa isip ko na hindi pa ako dinadatnan simula nang bumalik kami sa Pilipinas. Masyadong maraming nangyari sa loob ng maikling panahon na nawala na iyon sa isip ko. "Magdadalawang buwan na..."
"Congrats! Magiging ate na si Therese." Masayang sabi ni Edna.
On my way home, I stopped by a store and bought a pregnancy test kit. I read the instructions and followed it. Kumakabog ang dibdib ko habang hinihintay ang resulta. That was the most nerve-wrecking wait I had ever experienced. I checked the stick and my heart raced a little more when I saw a red line and a faint pink one next to it.
It had two lines.
I was pregnant with Wayne's child. Hinaplos ko ang tiyan ko. I smiled as tears blinded my eyes. I felt nothing but immense happiness knowing that I had growing in me our fruit of love.
I suddenly felt a gaping hole in my chest when I thought of Wayne. Despite feeling happy, I felt still felt empty. I just wished he was here with me now so I could share this moment with him.
Kung sakaling nandito nga siya sa tabi ko ano kaya ang magiging reaksyon niya? Would he be as happy as I was?
This baby came at the most unexpected time, when I was finally ready to set him free. Now we'd be forever connected by this tiny life inside me and our child would always be a beautiful reminder of the love we shared together. Dahil sa batang dinadala ko muling nabuhayan ng loob ang puso ko.