Epilogue

568K 13.5K 3K
                                    

Author's Note:

Hi guys! I just want to thank you for sticking around until the end. I know I don't update as often as I'd like to, life always gets in the way, but thank you for bearing with me. Salamat sa walang sawa niyong paghihintay sa updates. Nakakalungkot lang na wala nang binata sa mga babies ko pero masaya na ako dahil masaya na din sila sa mga buhay nila. They're just so real in my mind. I birthed these guys from my imagination. I hope you all enjoyed Phoenix, Tristan, Axel, Seth, and Wayne's Story. Sa totoo lang when I first started Phoenix's story, about four years ago, I never thought na maraming magbabasa at magmamahal sa kanila. Thank you, guys! I always enjoy reading all your comments! <3

Ngayon tapos na ang story ng lima. Ang mga story ng anak naman nila sana ang abangan niyo. I've already started Miggy (Lipstick Lullaby) and Coco and Anais' story (Accidental Baby). Sana mahalin niyo din sila katulad ng pagmamahal na ipinakita niyo sa mga tatay nila lol. Thank you so much, everyone! I will continuously strive to give you all a good story. 

___ 

The weather was perfect today. Maganda ang sikat ng araw at malamig ang ihip ng hangin. Nagpunta kami sa rancho ni Phoenix pagkatapos ng binyag ng anak nila. They decided they wanted to have a small picnic party.

The atmosphere was laid back and relaxed. Ang mga lalaki ay abala sa pag-iihaw ng mga barbecue at steak na kakainin namin. My husband stood in front of the grill, topless, as he tossed and turned the meat. Buhat ko sa isang kamay si Mimi habang ang isang kamay ko pa ay abala sa paglagay ng mga plato sa mahabang mesa. Si Valerie, ang asawa ni Axel, ay abala sa paglalagay ng mga kutsara't tinidor at si Marian naman, ang asawa naman ni Seth, sa baso.

"Ang ganda talaga ni Mimi. Para siyang porcelain doll." Sabi ni Marian habang nakatitig sa anak ko. "Sana sa susunod naman babae na ang maging baby namin."

"Are you planning to have another baby?" Valerie smiled.

"Kung mabiyayaan ulit kami. Syempre gusto ko magka-baby ulit." Malapad ang ngiting sabi niya.

"Bakit naman hindi? Hindi na ba kayo active ni Seth?" Valerie asked.

"Ano ka ba? Syempre active pa rin. Tignan mo nga itsura ng asawa ko? Mukha ba yang inactive." Tumawa si Marian at pareho din kaming natawa ni Valerie.

"Eh bakit kayo di pa niyo sundan si Anais?" She curiously asked.

"Well, Axel and I decided that we're not ready yet. Gusto muna namin magfocus kay Anais."

"Eh kayo naman ni Wayne, Tanya? May balak pa ba kayong magka-baby ulit?"

"Oo naman. Plano talaga namin mag-anak ulit. Kinukulit na nga ako ni Wayne." I chuckled.

"Then why did you want to take birth control?" Tanong ni Valerie. She was the one who I confided to about taking birth control after I weaned Mimi off of breast milk.

"Gusto ko munang ma-enjoy ni Mimi ang pagiging bunso niya." I smiled, looking at my daughter. She had a pacifier in her mouth, her dark hair tied in pigtails. Ang Daddy niya ang mas kamukha niya sa amin dalawa. She was the girl version of Wayne as they say.

"You have a point. Isa pa, mahirap talagang mag-alaga ng anak at asawa. Ako nga isa pa lang si Anais, nahihirapan na ako. Axel spoils our daughter rotten, she's a bit of a handful. Binibigay kasi ni Axel lahat ng gusto kaya yun, nasasanay. Kapag hindi nasunod ang gusto niyan she acts like it's the end of the world." Valerie shook her head.

"Buti nga ikaw babae yung sa'yo. Sa akin, dalawang lalaki. You won't believe how messy our house gets kapag naglalaro yan si Pio at Seth. Yang anak ko mana sa ama, salaula din." Tumawa si Marian.

The Blue Book: At Your ServiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon