Chapter Nineteen

482K 12.1K 1.9K
                                    

Tanya's POV

"Nay, uminom po ba kayo ng gamot niyo?" Tanong ko habang hinihimas-himas ang likod niya ng umubo siya. Dahil sa tulong ni Wayne, napatingin ko sa doktor si nanay noong isang araw pati ang mga gamot ni nanay siya ang bumili. Sinabihan siya ng doktor na magpahinga pero matigas ang ulo. Tumatanggap pa din siya ng patahi. Buti nga ngayon, medyo maayos na ang lagay niya dahil noong mga nakaraang araw tuloy tuloy ang pag-ubo niya.

"Uminom na ko kanina." Sagot niya.

"Hindi pa din ba nawawala yang ubo niyo?"

"Nako, huwag mo nga akong alalahanin. Nalamigan lang ako." Sagot niya naman sa pagitan ng pag-ubo.

"Kasi naman Nay, magpahinga po kayo. Huwag muna kayong magtahi. Teka at kukunin ko yung inhaler niyo." Iniwan ko muna si nanay at kinuha ang inhaler sa loob ng kwarto niya. Inabot ko sa kanya iyon at ginamit niya.

"Ano'ng oras ka ba susunduin ni Wayne?" Tanong niya. Alam na ni nanay na boyfriend ko si Wayne. Kaming dalawa ang nagtapat sa kanya at hindi naman siya tumutol. Sa katunayan, mas lalo nga silang naging malapit ni Wayne. Madalas dito na naghahapunan si Wayne kapag hinahatid niya ako.

"Parating na daw po siya." Sagot ko.

Tinignan ako ni nanay mula ulo hanggang paa at nakangiting bumalik sa mukha ko ang mga mata niya. "Dalagang dalaga ka na talaga." Sabi niya at hinawi ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha ko at inipit sa likod ng tainga ko. "Habang tumatanda ka, lalo mong nagiging kahawig ang ama mo." Biglang naglaho ang ngiti sa mga labi ni nanay at nagbaba siya ng tingin. Alam kong hanggang ngayon mahirap pa rin para sa kanya ang pagkawala ni tatay.

Ngumiti ako. "Syempre, kanino pa po ba ako magmamana kung hindi sa inyong dalawa. Si nanay talaga."

Pareho kaming napalingon sa pinto nang may kumatok. Nagmamadaling binuksan ko iyon at nakita si Wayne na nakatayo sa harap ng pinto.

"Hi." Bati niya sa akin bago naglakbay ang tingin niya sa katawan ko. "You look beautiful."

Nahihiyang nagbaba ako ng tingin. "Hiniram ko nga lang 'tong damit na suot ko sa kapitbahay."

Humiram ulit ako ng damit kay Sasha at nagpaayos ako sa kanya. Nagpalagay ng konting makeup.

"Kahit naman ano'ng suotin mo maganda ka pa rin." Sabi niya at ipinulupot ang mga bisig sa baywang ko at binigyan ako ng halik sa noo.

"O, Wayne, nandyan ka na pala." Narinig kong sabi ni nanay.

Nagulat si Wayne at agad akong binitiwan. Napahagikgik ako ng mahina.

"Good evening po, tita Esther." Sabi niya.

"Magandang gabi naman." Sagot ni nanay. "Pupunta daw kayong party?"

"Opo." Tumango si Wayne. "Party ng schoolmate ko."

"Ganon ba? Bago magmadaling araw dapat nandito na kayo." Paalala ni nanay.

"Opo, nay." Sabi ko.

"Wayne, ingatan mo ang anak ko."

"Makakaasa po kayo, tita." Nakangiting sabi niya at ipinulupot ang bisig niya sa likod ng baywang ko.

Nagpaalam na kami kay nanay at umalis na. Sumakay kami sa kotse niya at makaraan ang ilang minuto huminto ang kotse niya sa isang malaking bahay. Nasa loob pa lang kami ng kotse ay rinig na rinig na namin ang malakas na tugtog na nanggagaling sa loob ng bahay.

Bigla akong kinabahan. Alam kong ibang mga tao ang makakasalumuha ko dito. Mga galing sa may perang pamilya. Naisama na ako ni Wayne noon sa isang party pero hanggang ngayon kinakabahan pa din ako. Hindi ko alam kung paano ako kikilos, kung paano ko sila patutunguhan, at kung bagay ba ang ayos ko.

The Blue Book: At Your ServiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon