Chapter Four

723K 17.2K 1.6K
                                    

Tanya's POV

"Huy, friendship!" Napakurap ako ng kalabitin ako ni Edna sa balikat. Napalingon ako sa kanya. 

"Kanina ka pa nakatulala d'yan." Sabi niya. "May problema na naman ba? Yung landlady niyo na naman? Gamot ng nanay mo? O pinoproblema mo na naman yung nalalapit na exam dahil hindi ka makakakuha ng permit kasi wala kang pera? Nung nagbigay yata ng problema ikaw ang una sa linya. Lahat na yata ng problema nasalo mo."

Sana ganun kadali ko nasasabi sa kanya ang problema ko katulad ng dati dahil pakiramdam ko sasabog na ang dibdib ko. Para akong nalulunod sa bigat ng dinadala ko. Hindi ako makatulog o makakain mula ng gabing iyon. Mula ng ipagawa sa akin ni Wayne ang bagay na iyon. Sana ganun kadali kong nasasabi sa kanya na nandidiri ako sa sarili ko sa ginawa ko, na ibinenta ko na ang sarili ko kapalit ng pera. Isa na akong puta. Ilang libong piso lang ang halaga ng pagkatao ko.

 Pinitik niya ang daliri niya sa harap ng mukha ko. "Naririnig mo ba ako?"

Pinilit kong ngumiti at umiling. "Wala akong problema. Nakakaantok lang magturo itong prof natin."

"Hay, sinabi mo pa."  Umikot ang mga mata ni Edna. "Nagtatampo sa'yo si papa Luis. Sabi niya sa akin may sumundo daw sayong lalaking de kotse. Bakit hindi mo naman sinasabi sa akin na may jowa ka na pala."

"Sira! Hindi ko yun jowa. Sinabi ko naman kay Luis na tinutulungan lang ako nung  tao na makakuha ng scholarship."

"Gwapo ba?"  Sumalong baba si Edna at mas lalong lumapad ang ngiti niya.

Pumasok na naman sa isip ko ang mukha ni Wayne. Ang mukhang hindi mawala-wala kahit sa panaginip ko. At ang mga titig niya sa akin na para bang tumatagos sa kaluluwa ko.

Oo. Gwapo si Wayne. Hindi pa nga sapat ang salitang 'gwapo' para ilarawan siya. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa ako, alam kong maraming babae ang kaya niyang pasunurin sa lahat ng gusto niya ng hindi niya kinakailangan magbayad.

"Uy, in love ka na, no?" Pabiro niyang hinampas ang braso ko. "Si Tanya in love na, kaya pala natutulala ka na lang d'yan... paano na si Luis niyan?"

"Hindi ako in love." Mariin at walang kangiti-ngiting sabi ko. Paano ako maiinlove sa isang lalaking parausan lang ang tingin sa akin? Pampawala lang ng init ng katawan. Alam kong para kay Wayne isa lang akong laruan na pwede niyang gawin kung ano ang gusto niya. Na kapag sinabi niya hubarin ko ang panty ko, gagawin ko. Kapag sinabi niyang buksan ko ang butones ng pantalon niya, susunod ako. Kapag sinabi niyang ibaba ko ang ulo ko sa... biglang nag-init ang magkabilang sulok ng mata ko ng bumalik sa isip ko ang nangyari ng gabing iyon. Hindi ako in love kay Wayne at kahit kailan hindi mangyayari iyon.

Halatang nabigla si Edna sa bigla kong pagseryoso. Bago pa siya nakapagsalita ulit tumunog na ang bell. Agad kong sinara ang libro ko at nagmamadaling lumabas sa classroom. Ni hindi ko siya pinansin ng tawagin niya ako. Ayoko ng umiyak dahil doon. Ilang beses ko ba kailangan isaksak sa utak ko sa trabahong pinasok ko kailangan tibayan ko na ang emosyon ko? Na kailangan handa na ako sa kahit anong mangyari? Walang mangyayari kung puro emosyon at awa sa sarili ang paiiralin ko. Hindi mababayaran nun ang mga bayarin sa bahay, ang gamot ni nanay o ang tuition fee ko.

The Blue Book: At Your ServiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon