Chapter Thirteen

516K 10.8K 2.9K
                                    

Tanya's POV

Pabalang na ibinagsak ni Luis ang libro sa mesa sa harap ko. Nagbaba ako ng ulo ng maramdaman ko ang namumuong luha sa mga mata ko. Gusto kong maglaho sa kinauupuan ko ngayon. Alam niya na ang tungkol sa blue book, nakita niya ako doon.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, kung aamin ba ako o itatanggi ko na ako ang babae sa librong iyon. Nag-angat ulit ako ng tingin kay Luis na tahimik na nakatayo sa likod ng mesa at matalim ang mga matang nakatitig sa akin. Iba ang tingin niya sa akin, para bang diring-diri siya. Gusto kong manliit sa sarili ko.

Marahas na binuksan niya ang libro at halos mapunit na ang ilang pahina. Huminto siya sa page kung saan nakalagay ang picture ko.

"Ikaw ba yan?" Matalim ang boses na tanong niya.

"Luis." Nakikiusap na sabi ko.

"Ikaw ba yan, Tanya?!" Tumaas ang boses niya.

Pinikit ko ang mga mata ko para pigilan ang pagtulo ng mga luha ko at napasandal ako sa kinauupuan ko. Parang bigla akong naubusan ng lakas. "Wala na akong maisip na ibang paraan. Natanggalan ako ng scholarship at kailangan ko ng pera pangbili ng mga gamot ni nanay."

"Yung lalaking palagi mong kasama, binabayaran ka niya?" Tumigas ang ekspresyon ng mukha ni Luis.

May hikbing kumawala sa lalamunan ko ng tumango ako. Yun naman talaga ang totoo. Kahit pagbalibaliktarin mo, binabayaran pa rin ako ni Wayne.

Napakislot ako ng magmura si Luis. Ngayon ko lang siya nakitang magalit at narinig na magmura. At sa totoo lang, natatakot na ako.

"Mas malala ka pa pala sa iniisip ko. Hindi ka lang pala gold digger, puta ka din pala." Tagis bang na sabi niya.

Para akong sinuntok sa sikmura sa sinabi niya. Alam ko naman kung anong trabaho ang pinasok ko pero masakit pa rin na marinig iyon galing sa kaibigan mo. Ilang taon kaming naging magkaibigan ni Luis, di ko inaasahan na sa kanya manggagaling ang mga masasakit na salita na yun.

Ibinaon ko ang mukha ko sa mga palad ko at hindi ko na napigilan ang pag-iyak ko. Ilang minuto naghari ang katahimik. Wala akong narinig kung hindi ang tahimik na pag-iyak ko.

"Alam ba ni tita Esther 'to?" Tanong ni Luis.

Agad akong nag-angat ng tingin sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko ng banggitin niya ang pangalan ni nanay. Sunod-sunod akong umiling. "Hindi niya alam, wala siyang alam dito."

"Kailangan niyang malaman 'to." Seryosong sabi niya.

Nag-panic ako. "Hindi! Hindi pwedeng malaman ni nanay 'to!" Kinuha ko ang isang kamay niya at hinawakan ito. Tinitigan ko siya ng diretso. "Nakikiusap ako sa'yo, Luis. May sakit si nanay. Baka di niya kayanin pag nalaman niya."

Lumambot ang mukha ni Luis, tumaas ang isa pa niyang kamay at hinawakan niya ang pisngi ko. "Tanya..." Halos pabulong na sabi niya. He lightly stroked my cheek. "Alam mo naman hindi ako makakahindi sa'yo." Bumaba ang palad niya sa leeg niya at parang tumayo ang mga balahibo ko sa paraan ng paghaplos niya sa akin. Huminto iyon sa ibabaw ng balikat ko at pinisil niya iyon. "Sana ganun ka din sa akin."

"Luis..." Dahan-dahan kong binitawan ang kamay niya na hawak ko.

"Naghintay ako sa'yo. Halos sambahin na nga kita eh." Ngumiti siya pero iba ang ngiting iyon. Nangungutya. "Kung alam ko lang na pera lang pala ang katapat mo, sana di ko na ako nag-aksaya ng panahon sa panliligaw sa'yo. Magkano ba ang isang gabi mo?"

Natutop ko ang bibig ko ng ma realize ko ang ibig niyang sabihin. "Luis, ayoko..." I shrugged his other hand away from my shoulder.

"Babayaran naman kita." Madilim ang mukhang sabi niya. "O gusto mo pang malaman ng nanay mo ang ginagawa mo."

"Please, Luis, huwag ganito." Pakiusap ko sa kanya.

"Pumili ka, sasama ka sa akin? O malalaman ni tita Esther?" Tumaas ang isang sulok ng labi niya.

Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko sa bawat hakbang ng makitid ng pasilyong iyon. Ilang pinto na ang nadadaanan namin. Isa... dalawa... tatlo... I had never been scared like this my whole. Kahit na noong una kaming magkita ni Wayne sa restaurant. Mas natatakot ako ngayong kasama ko si Luis dito sa loob ng motel. Natatakot akong huminto kami sa isa sa mga pintong iyon. Sana tumigil ang oras. Bawat hakbang, parang unti-unting pinipiga ang dibdib ko.

Wayne... Biglang siyang pumasok sa isip ko. I wanted it to be with him. Gusto ko siya lang at wala ng iba.

Dumating na ang kinatatakutan ko. Huminto si Luis sa isa sa mga pinto at ipinasok ang susi doon. Para akong binuhos ng yelo at nanlamig ang buong katawan ko. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang bilis nito at ang mga paa ko, gustong tumakbo palayo.

Pumasok si Luis sa kwarto at tahimik na tinitigan ako ng hindi ako sumunod sa kanya. Parang napako ang mga paa ko sa kinatatayuan ko.

Sana biglang dumating si Wayne at hatakin ako palabas dito sa lugar na ito. But it was all wishful thinking. Alam kong sa totoong buhay, hindi mangyayari iyon. Ni wala nga siyang alam na nandito ako ngayon.

Kinuha ni Luis ang kamay ko at pwersahang hinatak ako papasok sa kwarto. Nanigas ang buong katawan ko sa takot ng isara niya ang pinto sa likod ko. Para akong nakulong sa hawla kasama ang isang leon.

"Huwag kang umarte na parang hindi mo 'to ginagawa." Nakasimangot na sabi ni Luis.

"Hindi namin 'to ginagawa." Tanggi ko at naramdaman ko na naman ang pamumuo ng luha ko. At iyon ang parehong bagay na pinagsisisihan ko, hindi namin ito nagawa. Akala ko si Wayne ang magiging una ko sa lahat. Akala ko siya ang unang lalaking pagbibigyan ko ng sarili ko.

"Matagal na akong nagpakagago sa'yo, Tanya." Lalong dumilim ang mukha niya. "Hanggang ngayon ba maggagaguhan pa tayo?"

"Luis, ayokong gawin 'to. Nagmamakaawa ako sa'yo." Nangingig ang boses na pakiusap ko. Pero nanatiling matigas ang ekspresyon ng mukha niya.

Hinawakan niya ako sa baba at bumaba ang ulo niya sa akin pero bago dumampi ang mga labi niya sa labi ko, pinihit ko ang ulo ko para hindi niya ako mahalikan. Dumampi ang mga labi niya sa pisngi ko at doon pa lang, nandidiri na ako.

Hindi ko kayang gawin 'to.

Binigyan niya ako ng maliliit na halik sa pisngi pababa sa panga. Gusto kong masuka sa ginagawa niya. Nandidiri ako sa kanya. Gumapang ang mga kamay niya pataas sa butones ng suot kong uniform.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at kusang tumulo ang luha ko. Baka pagpinikit ko ang mga mata ko, pwedeng kong isipin na si Wayne ang kasama ko at hindi siya. Maybe I could imagine it was Wayne who was kissing me and maybe, just maybe, it might work.


The Blue Book: At Your ServiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon