Chapter Twenty Two

470K 11.6K 1.9K
                                    

Tanya's POV

Nakita ko kung paanong nanghina ang katawan ni nanay hanggang sa isang araw hindi na siya nagising. Sabi ng mga doktor nag fail na ang mga organs niya kaya na-comatose siya. Alam kong darating ang araw na ito pero kahit pala ano pa lang handa mo sa sarili kapag dumating na, mahirap pa rin.

Dinala na sa ICU si nanay. Kung anu-anong machine at tubo na ang nakakabit sa katawan niya. Alam kong imposible na, alam kong milagro na lang ang makakapagpagising kay nanay pero umaasa pa rin ako sa milagrong iyon.

"Ginawa na namin ang lahat ng magagawa namin. Hindi na siya nagrerespond. The patient is basically brain dead." Narinig kong sabi ng doktor habang kausap si Wayne sa mismong labas ng kwarto. "Ang mga makina na lang na nakakabit sa katawan niya ang bumubuhay sa kanya."

Nakaupo lang ako sa tabi niya at hawak ang kamay niya. Lalo kong hinigpitan ang hawak sa kamay ni nanay na para bang may aagaw sa kanya mula sa akin. Maputla na ang mukha niya at mga labi niya. Halos hindi ko na siya makilala. Bukod sa sobrang payat niya na, wala ng buhay ang mukha niya.

Isinubsob ko ang mukha ko sa kama niya at hindi ko napigil na maiyak. Siya na lang ang pamilyang meron ako. Kapag nawala siya, wala nang matitira sa akin.

"Are their any options left? Baka madaan pa sa operasyon o gamot?" Tanong ni Wayne makalipas ang ilang segundo ng katahimikan.

"I'm afraid we've exhausted all our options. Ihanda niyo na lang ang sarili niyo, yun na lang ang maipapayo ko." Lalong bumigat ang dibdib ko sa narinig kong sinabi ng doktor. Ni hindi ko nga maisip ang buhay na wala si nanay. Halos lahat ng pangarap ko palaging kasama si nanay doon. Hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa akin.

Ilang minuto pa ang nakalipas ng bumukas ang pinto sa kwarto at pumasok si Wayne. Naglakad siya palapit sa akin at huminto sa likod ng silya na inuupuan ko. Idinantay niya ang kamay niya sa balikat ko. "Do you want to take a rest?"

Iling lang ang isinagot ko sa kanya, hindi pa din hinihiwalay ang tingin kay nanay.

"Hindi ka pa nagpapahinga, Tanya. Ako na ang magbabantay kay tita Esther." Mababa ang boses na sabi niya.

Ito na lang ang oras na meron kami. Ayaw kong iwan siya dahil alam ko kahit anong oras pwede na siyang mawala. Hindi ko na mararamdaman ang init ng palad niya. Hindi ko na siya mahahawakan ng ganito. Hindi ko na siya makikita.

"Angel, tita Esther wouldn't want to see you like this." Marahang hinaplos niya ang pisngi ko.

"Hindi ko iiwan si nanay." Naiiyak na umiling ako.

Lumuhod si Wayne sa harap ko at ikinulong ang mukha ko sa mga palad niya. Namumula din ang mga mata niya sa pagpigil ng luha. "Listen, I know it's not going to be easy but I'm here for you. You don't have to go through this alone. I'll always be here for you. Whatever you go through, I'll go through it with you."

Pinahid niya ang mga luha ko gamit ang daliri niya. "Nahihirapan na din si tita Esther. We've done the best we can, didn't we? I've talked with the doctor, she said there isn't much hope. Kailangan maging handa—"

"Ayoko pa..." Sunod sunod akong napailing.

"I know it's hard, I know it hurts but we have to let go. As much as we want her to stay, we can't be selfish. You don't want to see her sick like that, do you?" Marahang sabi niya. "I think she's just waiting for you to let her go, angel. She's just waiting for you to assure her that you'll be okay without her."

I bursted into tears. Kinabig niya ang ulo ko at isinubsob ko iyon sa balikat niya. Tahimik niyang hinagod ang likod ko at hinayaan niya akong umiyak. Inilabas ko ang lahat ng luhang mailalabas ko bago nag-angat ang ulo ko. Muli niyang ikinulong ang mukha ko sa palad niya at hinalikan ako sa noo.

The Blue Book: At Your ServiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon