1

3.5K 61 0
                                    

Ang hirap ng buhay ko, lalong humirap nung namatay si papa. Siya nalang nagmamahal sakin, nawala pa.

Hinding-hindi ako tanggap ni mama, Alam ko'yon dahil kahit nabubuhay pa si papa ay lagi niya ng pinapamukha sakin na ampon lang ako.

Sobrang nadurog ako nung nawala si papa, nawala ang pag-asa ko.

"Ano tine???, Habang buhay nalang ba tayong ganito??" Tanong ni mama sakin.

"Aba, sapat naman na siguro na nakapag tapos ka ng kolehiyo. Maghanap ka na ng trabaho!" Sigaw niya pa sa akin.

Lagi kong hinahawakan ang kwintas ko lalo sa ganitong sitwasyon.
Bago mabawian si papa ng buhay binigay niya sa akin ang kwintas
na'to.

Sinabi niya din na eto lang ang meron ako ng mapulot niya ako sa daanan.

Grabe no?, Sinong magulang ang magtatapon ng anak niya sa lansangan??

Kaya nag--aalangan ako palagi na hanapin ang tunay kong mga magulang. pero hinahanap ko padin.

"Wala na, ang kapatid mo malaki ang kailangan sa tuition fee!!, ang dami pang bayarin sa bahay na'to. Palamunin ka nalang ba dito palagi??, aba hindi na yata tama 'yan" Sermon sakin ni mama.

"o-opo, naghahanap...naman po ako ng trabaho.." Maikli kong sagot sa kaniya.

"Puro ka hanap e!!, gumawa ka ng ibang paraan!!, e bakit ba kasi ayaw mo pa tanggapin ang alok ni manang tessy." Sabi pa ni mama.

Ako?? Hinding-hindi ko tatanggapin ang trabaho na'yon.
Ayaw kong mamasukan na dancer sa bar.

"bukas na bukas po ay hahanap ako ulit." Saad ko pa.

----------

Isang gabing nakatulala na naman. Iniisip ko nasaan kaya ang totoong pamilya ko?, masaya kaya sila ngayon??, hinahanap din kaya nila ako?

-knocking-

"Pasok" Sabi ko ng marinig kong may kumakatok.

"Ate tine" Si jack. Kapatid ko.

"Oh?, May problema ba?" Tanong ko at sabay na tumayo sa kama.

"Wala naman po, Wag mo nalang po intindihin 'yon si Mama." sabi niya.

"ha, oo naman. Ano kaba, hindi ka na nasanay." Tinawanan ko lang kahit nasasaktan naman talaga ako.

"Yung tungkol po pala don sa tuittion ko, tutulungan kita 'te" Saad niya sabay na tumabi sa akin.

"Ano kaba, 'wag na. Si ate na bahala 'don. Sa ngayon pag-aaral mo lang ang dapat intindihin mo, okay ba'yon?" Nakangiti kong sabi.

"Pero ate..."

"Eto naman oh, wala ka bang tiwala kay ate?" Tanong kong pabiro sa kaniya.

"Syempre po meron..."

"Oh, yun naman pala. May ilang buwan pa tayo para pag ipunan yan, okay?. sa ngayon si ate na bahala dyan ha?"

Tumungo lang siya at nginitian ako.

"Sige na, pumasok kana sa kwarto mo at matulog na" Hinalikan niya ko sa pisnge at sabay na lumabas na.

Nahihirapan na ko sa sitwasyon namin.

----------

Halo everyone!, I'm recommending my new story! Kindly Check my profile for more stories!, Thankyou!<3

Long Lost DaughterWhere stories live. Discover now