34

1.2K 45 6
                                    

Inaayos ko na 'yung higaan na pagtutulugan ko.

Dito kami matutulog ni Jack.

Nasa kabilang kama siya, natutulog.

Nakahiga at papikit na'ko ng may kumatok.

Si Ms.Irene--si Mommy.

Oo nga pala, 'yung mommy di ako sanay.

Gusto ko sana na mama kaso ayoko naman dahil may mama na'ko.
Gusto ko din ma-feel 'yung tumatawag na Mommy.

"I'm sorry, nakakaistorbo ba'ko?" Sabi niya.

"Hindi naman po, pasok po" sabi ko.

Tumabi siya sa'kin sa kama.

"Matutulog ka na ba?" Tanong niya sa akin.

Hindi pa naman talaga dahil maaga pa medyo.

"hindi pa naman po"

"Can i?? Uhm..Sleep with you?" Nagulat ako sa sinabi niya.

"It's okay if you don't want to"

"w-wala pong problema" sagot ko.

Umayos siya at tumabi siya sa'kin sa kama.

Sinandal niya ako sa kaniya at naka akap siya sa'kin.

"Sobrang tagal kong inasam na mangyari 'to 'nak" Sabi niya.

"Sobrang na-miss kita Tine"

Damang-dama ko ang bawat salita ni Mommy.

Sobra akong nangulila sa pagmamahal ng ina.

Sobrang swerte ko dahil siya nga ang tunay kong ina.

"i'm finally with my baby Celestine" celestine..

"Finally no, buong buhay ko Celes lang ang nababanggit."

"Ayoko din kasi na mag may-ari ng napakaganda mong pangalan."

"Veronica Celestine Marcos Araneta"

Nakikinig lang ako sa kaniya habang magka-akap kami sa kama.

Tunay ngang napaka haba at gandang pangalan.

"pwede mo ba'kong kwentuhan ng naging buhay mo 'nak?"

"I know it's hard, i just want to know" sabi ni mommy.

"Sa totoo lang po, hindi ko pa po nararanasan 'yung ganito..Hindi ko pa po nararanasan 'yung sobrang mahal ng nanay...muntik palang" sabi ko.

"I really felt bad about what happened talaga...Sorry walang nagawa si Mommy"

"Marami po kayong nagawa, sobra-sobra pa" sabi ko sa kaniya.

...

"you know when you're only a baby...The kidnapper wants ah...atleast 5 million."

5 million??, Ang laki.

"We made a faster decision, we're about to give the money but..suddenly i don't know??? Biglang sabi nalang na hindi niya na hawak 'yung sanggol." Kwento niya pa.

Mali pala 'yung mindset ko noon a tinapon ako sa lansangan, grabe handang ibigay nila mommy ang lahat mabawi lang ako.

"Ganon po pala, ang dami pong nangyari."

"Oo kaya matulog na tayo, okay ba?" Sabi sakin ni mommy at kiniliti ako ng bahagya.

Hinalikan ako sa noo ni mommy at magkayakap kaming natulog.

----------

Natutulog na si Tine, i mean si Celestine.

Bumangon lang ako saglit para kunin 'yung kumot niya sa kwarto ko.

Ang saya-saya sa pakiramdam makatabi siya sa higaan.

Nagmamadali ako dahil may naririnig akong sumisigaw.

"'wag niyo po akong iwan!!" Sabi ng sumisigaw.

Pagpasok ko ng kwarto si Tine 'yon.

Niyakap ko siya at ginigising.

"No, no baby!!. We'll not leave you okay???" Pagpapakalma ko sa kaniya.

"P-please po" sabay na nanahimik at bumalik sa pagkatulog niya.

I really felt bad dahil sa gagawin naming pag-iwan sa kaniya.

Nakayakap lang ako sa kaniya.

Hinding-hindi ka na iiwan ni mommy, anak.

----------

Long Lost DaughterWhere stories live. Discover now