24

1K 40 5
                                    

Nagulat ako ng may mga pulis na nagpunta dito, si Celes ang may dala-dala sa kanila.

Sinugod siya ni mama ng malaman ni mama na si Celes ang magpapakulong sa'kin.

Grabe talaga siya, kahit hindi ako ang kumuha ng wallet niya.

"Ma!!!" Sigaw ko ng itulak siya ni Celes.

"Ma???!!!" hagulgol ko ng makita ko siyang nakahandusay sa kalsada.

Nasagaan siya ng sasakyan.

"Ma????, Ma??....Mama???!!!!" Sigaw ko habang umiiyak ng malala.

tinulungan ako ng mga pulis na isakay si mama sa sasakyan at dinala namin siya agad sa hospital.

Grabe na ang kayang gawin ni Celes, pati ba naman mama ko?

----------

"Ma!!, please!! Lumaban ka ma!!" Sabi ko habang sumunusod sa kanila patakbo ng emergency room.

"Sorry ma'am, haggang dito nalang po kayo" Awat sa'kin nung nurse.

"Please po, gawin niyo po lahat. please"

Wala akong magawa, umupo ako sa gilid at umiyak ng umiyak.

Anong gagawin ko??, ayoko pang mawala si mama kahit hindi magnda ang naging ugnayan namin.

Ngayon lang kami nagka-ayos, mawawala nalang ba agad 'yon?

"Ate!!, ate!!" tumingin ako at si Jack 'yon.

"Ate!!, anong nangyari kay mama??!" tanong niya.

"N-nasagasaan si mama, Jack"

Niyakap ko siya ng umiyak siya ng sobra.

"Magiging okay si Mama ha, tahan na." Sabi ko kahit nasasaktan din ako.

----------

Umuwi muna si Jack para kumuha ng ilang gamit.

Para kaming pinaparusahan ng mundo.

Nakaupo ako sa labas ng kwarto ni mama, nakayuko.

Naghihintay ng update.

"Tine" Narining kong boses.

"Ms.Irene?" sabi ko ng siya ang makita ko.

Tumayo ako agad at niyakap siya ng mahigpit, wala na'kong ibang masandalan. BIgat na bigat na'ko sa nararamdaman ko.

Bumuhos ang luha ko ng simulan niya akong yakapin din.

"I'm really sorry, Tine" Sabi niya.

Umiiyak lang ako habang naka-yakap sa kaniya, parang ayoko ng bumitaw.

Nakayakap lang din siya sa'kin, hindi niya ako binibitawan.

Ilang minuto din ang nakalipas bago ako bumitaw.

Umupo kami pareho at nag-uusap.

"Hindi ko po alam ang gagawin ko kapag nawala samin si mama....siya nalang ang meron kami ng kapatid ko"

Umiiyak ako kaya sinandal niya ang ulo ko sa balikat niya.

"Hindi mawawala ang mama mo Tine, magiging okay din siya" Sabi niya.

Hindi ako galit kay Ms.Irene dahil wala siyang kasalanan dito, nakikita ko din naman kung paano niya awatin si Celes.

"B-bakit po ganon??" Durog na durog na'ko.

"I really...don't understand Celes anymore" Sabi ni Ms.Irene.

----------

My heart really break into pieces, seeing Tine's not okay and crying hurt.

I saw how Celes pushed her mom.

Right now i'm here inside the room of her mom, bumili kasi ng makakain si Tine at di niya naabutan na pwede na pumasok.

"M-ms...Irene.." Mahinang sabi ng nanay ni Tine.

Lumapit ako agad, gising na siya.

"Alam kong hindi na'ko magtatagal sa mundo....Gusto ko lang magpasalamat sa mga ginawa niyo samin lalo na sa anak ko..." Mahina niyang boses na sabi.

"'wag niyo pong sabihin 'yan, hintayin nalang po natin si Tine" I said.

"pag nawala ho ako...'wag niyo hong pababayaan ang anak ko, para niyo ng awa" Sabi niya pa.

Hindi ako sumasagot dahil nasasaktan din akong nakikitang ganito ang kundisyon ng nanay ni Tine.

"Oh, eto ho" sabay abot sa'kin ng litrato.

Kinuha ko'yon at tiningnan maigi.

"Ang anak ko'yan na si Tine...Hindi niya pa 'yan nakikita kailan pa man....kaya wala siyang alam sa itsura niya ng sanggol palang siya..."

"Natatakot kasi kami....Hindi maganda ang trato ko sa kaniya dahul aam kong iiwan niya din kami...."

Kaya ba ganon?

"Pag wala na'ko pakibigay 'yan sa kaniya"

Si Tine nga, Si Tine ang nasa litrato.

Ang anak ko.

Long Lost DaughterWhere stories live. Discover now