10

1.2K 29 0
                                    

Pagtapos ko mag-cr lumabas na din ako agad, paglabas ko wala ng tao.

Baka umakyat na si Ms.Irene

Aalis na din sana ako pero may nakapa ako sa bulsa ko, Cellphone ni Ms.Irene.

Naalala ko binigay niya pala 'to sa'kin nung nasa sasakyan kami.

Umakyat ako sa taas para ibigay 'to bago ako umalis.

Kumatok ako ng mahina pero rinig, pero walang nagbubukas kaya pumasok nalang ako.

"Ma'am...--" Natahimik ako ng nakita kong natutulog siya.

Ang bilis niya makatulog.

Iniwan ko nalang ang cellphone niya sa ibabaw ng cabinet sa tabi ng kama niya, para hindi na siya gisingin.

Aalis na sana ako ng marinig ko siyang medyo umuubo, kaya lumapit ako.

Kinumutan ko si Ms.Irene dahil medyo malamig talaga dahil sa Aircon kahit mahina lang 'to.

Pagtapos ko siya kumutan aalis na sana ako ng magsalita siya.

"please, don't leave me" Nagsasalita siya....ng tulog?

Ako ba kausap niya?

Lumapit na naman ako sa kaniya.

Tinitignan ko lang si Ms.Irene at hinawi ag buhok niya.

Paghawi ko ay naramdaman kong medyo mainit siya.

May sakit siya.

"May sakit po kayo ha?" Mahina kong sabi habang hinahawakan ang noo niya.

"Celestine, baby i missed you" Mahina niyang salita.

Nag-sasalita talaga siya.

"Anak, comeback here please"

Iba ang nafi-feel ko sa mga sinsabi niya.

Celestine? Hindi kaya 'yun yung anak niya?

Naaawa ako kay Ms.Irene dahil hindi niya deserve mawalan ng anak.

----------

Kumuha lang ako ng planggana na may maligamgam na tubig, pinatay ko din muna saglit yung Aircon.

Pinupunasan ko si Ms.Irene at hindi siya iniwan dahil wala siyang kasama.

Habang pinupunasan ko siya na-akit ng attention ko ang mga litrato na naka display sa pader.

Family Picture, May babae? Sino siya?

Anak? akala ko ba nawala anak nila?

.....Baby?, eto kaya yung picture ng baby nila?

Ang sweet sweet nila Sir.Greggy at Ms.Irene sa picture na'to.

Ayan ang mga salita na sinasabi ko sa isip ko.

Nakita ko din na may picture pa na iba sa ibang sulok ng kwarto.

Ang ganda-gandang bata, asan na kaya siya ngayon?

'Celestine' ang nakita kong pangalan sa baba ng picture.

Kay gandang pangalan.

Binaba ko muna ang mga gamit na inakyat ko at saka nagluto ng sabaw para may makain si Ms.Irene pag-gising.

Pag-gising niya ay saka nalang ako uuwi.

Sa ngayon sasamahan ko muna siya.

----------

Makalipas ang ilang oras natapos ko na ang mga ginawa ko.

Kahit kailan talaga ang sarap ko magluto.

Umupo ako sa sofa at nagcellphone saglit.

Hindi ko namalayan na nakatulog na'ko dito.



Long Lost DaughterWhere stories live. Discover now