53

1.2K 45 26
                                    

Natutulog ako, nagising ako dahil may nagsisigawan na naman.

Nakatulog na din pala ako kagabi.

Naalala ko bigla 'yung mga nangyari kagabi kaya bumangon ako agad.

Si mommy at daddy 'yung nag-aaway kaya tumakbo agad ako pababa.

"you can't stop me!, Aalis kami dito ng anak natin sa ayaw at sa gusto mo!" Sigaw ni mommy.

Aalis kami?.

"No, this can't be happening!!!. Hindi ko nga alam kung paano ko siya naging anak?!" Sigaw din ni daddy.

Nakatulala lang ako at nagpapalit-palit ang tingin sa kanilang dalawa.

"Edi malamang may nangyari sainyo ni Amelia!, Ano pa sa tingin mo?!. Kailan 'yon ha?!." Ramdam ko ang sakit sa boses ni mommy.

"I-i don't know?!!"

Umiyak si mommy at hindi na nag-salita.

"T-tama na po." Pareho silang napabaling sa akin.

Andito din sila tita.

Pinuntahan ko si mommy at inakap siya.

"Mommy tara na po." Sabi ko sabay na naglakad kami.

Tiningnan ko lang si daddy at napasapo siya sa noo.

"Celestine!, Anak please." Narinig ko pang sabi ni daddy.

...

"Mommy, tama na po." Malungkot kong sabi.

"Anak...Anak mag-impake ka na ha." Sabi ni mommy at hinawakan ang mga mukha ko.

"B-bakit po?, Saan po tayo pupunta?." Nagtataka kong tanong.

"we-we're going to California, to your kuyas." Nakangiting sabi ni mommy pero malungkot.

"Kuya?, May kuya po ako?." Tanong ko.

"Yes, yes baby. They're there..I'm sure they miss you so much."

"Isasama natin si Jack, okay?." Sabi niya.

"P-paano po si daddy?. P-paano po 'yung pamilya natin?." Malungkot kong tanong.

Ngayon lang ako nagkaroon ulit ng buong pamilya, mawawala ba ulit?.

Pumikit si mommy at huminga ng malalim.

"Mommy..." Naiiyak kong sabi.

"Shh, shh...Sa ngayon..do'n muna tayo sa mga kuya mo." Sabay na pinunasan niya ang mga tumulo kong luha.

Tumungo nalang ako kahit sobrang nasasaktan ako sa mga mangyayari.

Nag-impake ako tulad ng sabi ni mommy, ako na din nag-impake kay Jack.

"W-where you going?" Tanong ni tita pagpasok ng pinto.

"Tita..." Sabay na tumakbo ako at niyakap siya.

"Hey, what's happening?." Tanong niya.

"Tita, aalis na daw po kami ni mommy sabi niya." malungkot kong sabi.

Nagulat si tita at niyakap ako bigla.

"Really?, Saan??." Tanong niya sabay na pasok naman ni mommy.

Pati ni daddy.

"Bakit nakalabas mga gamit niyo?." Takang tanong ni daddy.

"Aalis na kami, wala kang magagawa." Mahinahong taray ni mommy.

"No, no irene. Please." Sabay na niyakap ni daddy si mommy.

Naiyak ako sa mga nasasaksihan ko, inakap ako ni tita.

Long Lost DaughterWhere stories live. Discover now