38

1.1K 40 3
                                    

"Ma'am maari ho ba kayong pumunta rito sa prisinto?"

Tumawag sakin ang mga pulis at sinasabi nila na may update na daw.

Malamang ko si Celes 'to.

...

Bumyahe kami ni Jack papuntang prisinto sinama ko siya pero iiwan lang siya sa upuan habang may pinaguusapan.

"Andito na po pala kayo ma'am pasok ho"

Pumasok ako sa pinto tulad ng sabi ng guard.

Pagpasok ko andon silang lahat.

Nasa gitna ni mommy at daddy si Celes.

Feel ko pinagtutulungan na naman ako.

At tama rin ako na si Celes ang update.

"Celestine" mahinang sabi ni mommy.

Nakikita ko sa mukha nila 'yung lungkot ng magkaharap-harap kami.

Kita ko rin 'yung galit sa mukha ni Celes.

Hindi ako nagsasalita at malungkot lang ang mukha.

Parang ayaw talaga ako maging masaya ng mundo.

"So since kumpleto na po tayo dito, maari na nating mapag-usapan ang dapat pag-usapan." Sabi ni chief.

"Ma'am kayo ho ang guardian or parent ni Celes Marcos Araneta?" Tanong ng chief.

"Opo..." Sagot ni mommy.

"So si Tine Agaustin Chavez ang biktima?"

Walang nagsasalita sa puntong 'to.

"Mrs.Araneta, aware po ba kayo sa mga ginawa ng anak niyo?"

"Go ahead ma'am, speak"

"y-yes po...but--"

"Oo o hindi lang po. So since si Ma'am Chavez ang biktima dito nasa kaniya ang desisyon."

"Ma'am don't worry po, just say what you want to say or what your decision." Sabi sa'kin ng mga pulis.

Kahit naman ipaglaban ko, wala rin.

Alam kong hindi pababayaan ni Mommy si Celes.

Alam ko kung ipapakulong ko si Celes, wala rin dahil kaya nila malabanan agad ang kaso

"So linawin ko lang po Mr. And Mrs.Araneta, ang anak niyo pong si Celes ay maaring managot sa batas sa kasong paninirang puri, maling paruta at pagtakas."

"Hindi ako tumakas!, How dare you to say that!" Sigaw ni Celes.

Sorry ma, sa pagkakataong 'to mukhang hindi ko mapapanalo ang pagkamatay mo.

"ang mga sinasabi niyo po ay maaaring magamit sa korte.."

"Please Celes, kahit ngayon lang. Shut up" madiin na sabi ni Mommy.

"wala naman pong dapat makulong....sapat na sa'kin na humingi ka ng tawad Celes, sa lahat ng kasalanan mo." Sabi ko ng mahina.

Sorry ma, kailangan ko'to gawin bilang anak ni mommy at bilang kapatid ni Celes.

"Huh, you wish!. I'll never say sorry especially to you!"

Grabe siya, 'yun nalang ang hinihingi ko.

"Madali lang akong kausap Celes...nirerespeto kita bilang ikaw at bilang anak ni Ms.Irene at Sir.Greggy. pero sana respetuhin mo rin kami ng pamilya ko."

"Kung ayaw mo, sige. Hindi ako namimilit, 'yun lang ba?. Tapos na ba?"

"Talaga!, Feelingera!" Sigaw niya.

"Kung gano'n wala na pala dapat pag-usapan..pwede na ho ba kong umuwi?, Naghihintay po 'yung kapatid ko."

Nanahimik muna ang lahat bago may magsalita ulit.

"Sige ma'am, as of now po tuloy po ang kaso since kasalanan ho sa batas ang ginawa ni Celes. Maari na po kayong umalis."

Tumungo ako at lalabas na sana ng hawakan ni mommy ang kamay ko para pigilan.

"Celestine, can we talk please?" Lahat sila nakatingin sa'kin.

Hindi ako sumagot, inalis ko ang mga kamay ko sa kamay niya dahilan para sa sobrang lungkot niya.

Nang gawin ko'yon dumiretso na din ako palabas.

Pumunta muna ako sa cr dahil naiiyak na'kong ganito, sobrang sakit na ng pinaparamdam sa'kin ng mundo.

Pagtapos no'n ay inaya ko na si Jack umuwi.

Sorry mommy, sorry kailangan ko'tong gawin para sa ikatatahimik ni Celes.

Alam kong maiintindahan niyo'ko ni daddy.

----------

Long Lost DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon