6

1.2K 36 1
                                    

"Maraming salamat po talaga Ms.irene" Kanina pa ako nagpapasalamat sa sobrang kabaitan sakin ni Ms.irene.

Pagpasok ko ay sinermonan agad ako ni Nanay.

Nakakahiya kay Ms.irene sa labas dahil panigurado rinig niya talaga.

"Aba, may balak ka pa pala umuwi matapos mong takasan ang trabaho mo kagabi" Sabi ni Mama.

"Hi-hindi po ganon.."

"So ano sinungaling si Manang Tessy?!" Sigaw niya sa'kin.

"Ha?!, ano san ka galing kagabi?!"

"Ano 'yang mga dala mo ha?!, nagawa mo pang mag shopping?!, San ka kumuha ng pera?!!" Sunud-sunod niyang sigaw.

Natahimik si mama ng biglang pumasok si Ms.Irene kaya natahimik nalang kami pareho.

"Ikaw? Sino ka naman?" Tanong ni Mama sa kaniya.

"uhh, irene po" Sabi ni Ms.Irene.

"Ano 'to Tine??, bisita dahil birthday mo?" Taas kilay na sabi sa'kin ni Mama.

"Hindi ma---"

"Para sainyo po" Sabi bigla ni Ms.irene at sabay na inabot ang gma pinamili at sobre....na may pera?

"Ms.Irene....Hindi na po kai---"

"Kailangan 'to!!, ikaw talagang bata ka kahit kailan tatanga tanga.."

Sabay na nilayasan kami ni Mama ng matanggap niya lahat ng inabot ni Ms.irene

Nahihiya na'ko ng sobra hindi ko alam ang gagawin ko.

Naiwan kaming dalawa dto ni Ms.Irene.

"Okay ka lang??" Tanong niya na nagpaiyak sakin.

"Shh...it's okay...Birthday mo oh..dapat masaya tayo diba?" Pagpapatahan niya sa'kin.

"Pasensiya na po kayo sa mama ko." Salita ko sa kaniya.

Pinunasan ko ang luha ko ng makita ko si Jack na pumasok ng bahay.

"Ate!!" Sigaw niya at tumakbo sa direction ko at niyakap ako.

"Happy Birthday Ate!!" Bati niya sa'kin.

Pero bunso hindi na kailan man magiging masaya ang birthday ni Ate.

"Kumain kana ba?, kumain kana...May dala si ate para sa'yo oh" Nakangiti kong sabi sabay na nilabas ang mga dala.

"Ate sino po siya?" Tanong niya ng makita si Ms.irene

"Si Ms.Irene"

Nag hi siya kay Ms.Irene at nginitian naman siya nito.

"Ang gaganda namna nito!!" Masaya niyang sabi.

"Bagay na bagay diba" Sabi ko hbang sinusukat sa kaniya.

"Mag thank you ka" Sabay na itinuro ko si Ms.irene.

----------

Long Lost DaughterDonde viven las historias. Descúbrelo ahora