15

1.1K 28 0
                                    

Ms.Irene - Hi, Sorry for what happened Tine..I hope you're doing okay now..Tell me if you need me, I'll be there..I'm really sorry, I'm really hoping that you're okay.

Hindi ako okay, umiiyak ako ngayon sa kwarto ko.

Umuwi na din kasi kami bigla ni Jack ng mangyari 'yon.

Lalo din akong naiyak ng biglang magtext si Ms.Irene.

Iniisip ko pa lang nababaliw na'ko...Unang araw palang hindi na maganda agad ang ugnayan namin ng anak niya.

Paano pa kaya kung... ahhh basta!!

Mabait naman si Ms.Irene at Sir.Greggy, bakit ganon ang ugali ng Celes na'yon?

Maganda naman at mukhang matalino.

Bakit ganon?

Hindi ko alam kung gaganahan pa ko pumasok after ng nangyari.

Sobrang nakakahiya talaga.

----------

"Ate!!, anong oras na!!" Naririnig kong katok ni Jack sa labas.

"Wala ka bang pasok??" Tanong niya pa sa labas.

Bumangon ako at pinagbuksan siya ng pinto dahil naiingayan ako.

"Wala, pag tinanong ka ni mama sabihin mo, day off" bagong gising kong sabi.

Meron talaga akong pasok ngayon, ayoko lang dahil tinamad ako sa mga nangyari.

Wala pa kong mukhang maihaharap kay Ms.Irene after ng nangyare,
hindi rin ganon kaganda ang pakiramdam ko.

Siguro naman ay maiintindihan niya ko.

"Ay ganon?, friday palang ah?..diba ate sabado, bukas pa day off?"
Nagtataka niyang tanong.

"Day-off ko na desisyon ako" sabay na humiga ulit ako sa kama.

"Loh siya oh" Tiningnan niya ko ng panget mukha at sabay na lumabas.

Sumigaw ako na magluto siya ng almusal, dahill wala talaga akong gana.

----------

"Saan si mama?" Tanong ko habang kumakain kami ng almusall.

"Saan pa nga ba ate, edi sa sugalan" Taray ni Jack.

"Nako, hayaan mo nalang 'yan si mama kung saan siya mas---"

Naputol ang sasabihin ko ng may kumatok sa pintuan namin.

"Ako na 'te" Sabay na tayo ni Jack at dumiretso sa pinto.

Ang bilis ng oras 10 na pala parang kanina lang ginigising ako ni Jack ng 8...nagmuni-muni pa nga pala ako sa kama ko.

"Sino daw??" Tanong ko habang kumakain.

"Rider??" Sagot na patanong ni Jack.

"tawag ka dito ate!" Sigaw niya.

Lumapit ako kung nasaan sila at rider nga ang nasa labas.

""Ma'am Tine po?" Tanong niya.

"O--opo?" Sagot ko habang tumungo-tungo.

"Eto ma'am oh, picture nalang po" Inabot niya sa'kin ang isang kahon at sabay na kumuha ng litrato.

"Ate ano yan?" Hindi ko nasagot ang tanong ni Jack dahil nagtataka din ako.

"Wala pong babayaran?" Tanong ko sa rider.

"Okay na po ma'am, for pick up nalang po.."

"Kanino po galing?"

"Wait lang ma'am ah, check ko lang po 'yung name dito"

Tinitingnan niya ang cellphone niya habang hindi maintindihan ang mukha.

"Sorry ma'am nag..unknown po bigla dito, May problema po yata..
kanina naman po meron 'to" Paliwanag niya habang inaayos na ang motor niya.

Nagpasalamat nalang ako at dumiretso na din ang rider.

Pumasok kami ni Jack at inaasar-asar niya pa ko na sa manliligaw ko daw 'yon galing..

"Hoy, ano ka ba..wala ako nun" Taray ko sa kaniya.

"Sus, ate.."

----------

Pag bukas ko ng kahon na hindi naman kalakihan may laman na mga baked bread at iba't-ibang uri ng tinapay.

Mukha silang yayamanin version ng mga favorite kong tinapay dito samin.

"Tinapay?" Takang tanong ni Jack.

"Shh..tikman na'tin" sabi ko sa kaniya.

"'wag baka may lason" Sabi niya habang kumukuha.

Huwag daw pero kumukuha siya.

"Ang sarap!!!" Reaction niya.

"diba ate???"

"o-oo...masarap siya" Tungo ko.

Masarap talaga siya, sobrang sarap.

Pero saan at kanino galing 'to?

matapos kami kumain ni Jack niligpit ko na lahat tinabi ko din ang mga ilang natira sa tinapay dahil madaming laman

----------

Nasa bahay lang ako maghapon, naglinis ako ng buong bahay at ginawa ang mga dapat kong gawin dito, nagpapahinga na'ko ngayon dahil hindi nga maganda ang pakiramdam ko.

Sa ngayon magha-hapon na, hindi ko alam kung papasok ako bukas dahil ayon ang mismong araw ng day-off ko.

pero baka oo, dahil hindi ako pumasok ngayon.

sana lang ay hindi magtagpo ang landas namin ng anak niya sa trabaho.

Ayoko mapag-puntiryahan, ayoko ng may mainit ang ulo sa'kin.

Sana din ay hindi ako mailang bukas, at sana mawala na'tong masamang pakiramdam ko para bukas ay wala akong problema.


Long Lost DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon