52

1.1K 48 11
                                    

Nandito ako kila mama ngayon. Hindi ko kasama si mommy dahil pupunta daw siya sa opisina ngayon. Balak niya pa ako isama kaso sabi ko sa susunod nalang ako sasama.

Inalis ko 'yung mga dumi na nasa puntod nila at sabay na naglapak ng bulaklak at nagtirik ng kandila.

"Hi ma, Hi pa." Bati ko sa kanila.

"Nako, siguro masaya na kayo no?. Walang lampungan dyaan sa langit ha." Panloloko ko.

Nasanay nalang ako na nakikipag-usap sa kanila.

"Miss na miss na miss ko na po kayo, kami ni Jack. Hayaan niyo po isasama ko po siya sa susunod." Sabi ko.

"Ma, pa. Alam ko naman pong naiintindihan niyo 'yung naging desisyon ko. Para na rin po siguro sa ikabubuti ng lahat." Sabi ko ng nakatingin sa malayo.

"Alam niyo po ba, ang saya-saya ko. Kahapon po, kahapon po 'yung araw ng totoo kong birthay, ang advance po pala natin mag-celebrate." Medyo tumatawa kong sabi.

"Ma,pa. Tulungan niyo po ako...Tulungan niyo po akong malampasan lahat ng problema na'to." Sabay na yumuko ako.

"Mas masaya ho siguro kung andito kayo."

"Nako, si Jack po sobrang pasaway na." Sumbong ko.

"Pero masaya naman po ako dahil, okay na po siya ulit. Grabe rin po kasi 'yung trauma sa kaniya."

"Hayaan niyo po hinding-hindi ko po hahayaan si Jack. 'wag na po kayong mag-alala sa amin. Nandyaan po sila mommy sila tita, hindi po nila kami iiwan." Malungkot kong salita.

"Tama po, hinding-hindi po." Boses ni mommy sa likod.

Si mommy?.

Pag-lingon ko sa likod andito na nga siya, kanina pa ba siya?.

"Mommy?." Sabi ko sabay na umupo siya sa tabi ko.

"Mommy will never leave you baby." Ngiti niyang sabi.

"Mommy naman..." Sabay na sumandal ako sa kaniya.

"Kanina pa po kayo?." Tanong ko.

"Hmm, medyo." Kibit-balikat niyang sagot.

"Alam niyo ho ba, sobrang thankful ako sa inyo dahil maganda ang naging pagpapalaki niyo sa anak natin." Sabi ni mommy sa puntod.

Pinapanuod ko lang siya, ang sarap sa feeling.

"Aalagaan ko po itong napaka mapang-asar na dalaginding. Diba-diba." Nanggigigil na sabi ni mommy.

Cute niya kaya asarin.

"Ma, pa. Hindi po, 'wag po kayo maniwala kay mommy. Mabait po ako." Sabi ko habang tumatawa.

"Nako, ikaw talaga!" Sabay na kiniliti na naman ako.

Anh hilig niya talaga mangiliti!!

.....

Ilang oras din mahigit bago kami umuwi.

Talagang pinuntahan pa'ko ni mommy dito.

----------

Pagkatapos ko sa opisina, i called Greggy and asked him kung nandoon na si Celestine but his answer is no.

So pumunta muna ako sa memorial, for sure andoon pa siya.

...

Nang makarating ako, tama nga. Nandito pa siya.

What's new, she's peacefully talking with her mama and papa.

She's literally the best.

After a long converstion with her and with her mama and papa we decided to go home.

Long Lost DaughterWhere stories live. Discover now