2

1.6K 41 0
                                    

Lumipas ang ilang araw ay parang walang nangyayari.

Wala akong mahanap na trabaho, dahil kung hindi puno ay hindi tanggap ang mga requiremments ko.

Ano pa nga ba? edi araw-araw sermon.

"Sige na!, igiling mo tine!" Sigaw sakin ni manang tessy.

Oo, nandito ako. Wala na akong choice.
Kung hindi ko'to papasukin mamamatay kami sa gutom.

Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko, pero mukhang mataas ang standard ng Bar na'to.

"Nako, itigil mo na nga 'yan. Wala tayong mapapala dito.
puntahan mo nalang sila, ayon oh sa table na'yon" Sabi niya sabay na turo sa lamesa na puro lalaki.

"h-ha?, parte po ba 'yon ng pagiging dancer dito?" Natatakot na'ko.

"eh, wag na puro reklamo sige na!" Pagpupumilit niya sa akin.

"A-ayoko po" lalo siyang nabwisit sa sinabi ko kaya nilayasan niya ako at saka siya pumunta sa table ng mga lalaking 'yon at mukhang may mga pinag-uusapan.

----------

"Tine!, halika nga dito" Tawag sa'kin ni manang Tessy.

"Bakit po?, may uutos po bakayo?" Tanong ko.

"Oo, bumili ka ng isang pack na maning hubad don sa labas."

"meron pa pong stock, kaka check ko lang p--" naputol ang sasabihin ko ng sigawan niya ako.

"Wala akong pake!, luma na'yon. Bumili ka na at wala ng pulutan dito!"

Kinuha ko nalang ang pambili at sumunod, hindi naman talaga luma ang mga 'yon dahil kakabili lang ng trabahador ng mga 'yon.

pabalik na ko sa Bar dala ang mga binili ko ng may humaharurot na sasakyan at sabay na huminto sa harap ko.

"Sige na! dalahin niyo na!!" Sabi pa ng lalaki.

Natatakot ako sa mga nangyayari, anong gagawin ko???

Tatakbo na sana ako ng simulan nilang pagtulungan ako na ipasok sa sasakyan, kaya todo ang piglas ko.

"'wag po!!!, maawa po kayo!!!, ano ba!!!" Sigaw ko sa sobrang iyak.

"Ang lakas nito!!!!" sabi ng mga nahawak sa'kin.

"Parang awa niyo na po!!!" Umiiyak kong sigaw.

Nabitawan nila ako ng may sumali sa kanila.
Mga malalaking tao, nagsusuntukan sila.

Gulong-gulo na ako sa nangyayari.

Tumakbo ako sa gilid at umiiyak. wala nakong magawa.

---------------

"hey, hey..they're gone" Naririnig kong nagsasalita habang naiyak akong nakatakip ang mukha.

"Shh,shh...it's okay..it's okay" Naririnig ko pang sabi.

Nararamdaman ko na niyayakap ako kaya lalo akong umiyak.

"'w-wag po...parang awa niyo na.." Sabi ko sa sa mga tao.

"Make sure na mahuhuli ang mga lalaking 'yon!" Saad pa nito.

Hindi ko alam kung sino-sino at kung mapapagkatiwalaan sila dahil hindi talaga ako tumitingin.

"Yes, ma'am.." Salita pa ng iba.

"It's okay, you're safe now.." Inalalayan ako ng babae patayo.

Pagbukas ng mga mata ko ay nagkatinginan kami.

Sabay na niyakap ko siya.

Nagulta din ako sa mga nangyari.

Naramdaman ko na niyakap niya ako pabalik kaya mas humigpit ang yakap ko at umiyak.

"'it's okay...shh" Sabi nito habang hinihimas ang likod ko.

Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko sa kaniya.

"Please po....i-iuwi niyo na po ako." salita ko habang nakayakap padin.

"yeah, yeah...don't worry, okay?" Ngumiti siya sa akin ng bumitaw na ako sa pagkakayakap.

"Go, inside...don't worry, you're safe now..with us" Nakangiti niya ding sabi.

Pumasok ako dahan-dahan sa loob at umupo sa gilid.

Mas pipiliin ko nalang dito kesa bumalik sa bar na'yon.
Namukaan ko ang mga lalaking 'yon.
Sila 'yung nasa table.

Pakana 'yon lahat ni Manang Tessy..

----------

Long Lost DaughterWhere stories live. Discover now