26

1.1K 44 8
                                    

Ayoko pa sanang iwan si Tine sa hospital kaya lang tumawag sa'kin ang medical na pinag DNA-yan ko.

"Ma'am, This is Medical Center po. We just want to inform you that the DNA result is done, you can get the files here ma'am. Thank you"

Nagmadali akong pumunta sa parking lot at nagdrive.

This is the last proof i have para mapaniwala na talaga ako na anak ko si Tine.

And after that, i will be so much happy. But how 'bout Tine??

She's not happy at all.

...

"Ma'am Finally you're here po, Eto po ma'am" Sabay na inabot nila sakin ang envelope.

Iniwan na'ko ng mga medical staff at bumalik na'ko sa kotse ko para makita.

-----

Nanginginig ko habang dahan-dahan nilalabas ang papel sa envelope.

I'm so very happy to see the 99.999% postive result.

Tine is my long lost daughter!!!!

"Aww!!!" Naiyak ako sa nakita ko.

Finally!!!...I know that Greggy would be so much happy.

----------

"Condolence, Tine" Sabi ng mga kapit-bahay namin.

Nakaburol na ngayon si mama dito sa bahay.

Katabi ko ngayon si Jack, walang tigil ang iyak niya.

"Upo ho kayo, salamat ho sa pagpunta" Sabi ko.

"Nako, kung alam mo lang lagi kang bukambibig ng nanay mo sa amin."

Kinukwento niya ko?, so sa bahay lang siya galit?

"Ate namimiss ko na si mama" Sabi ni Jack habang umiiyak.

...

"Ay ang yaman ng datingan...Ayan yata 'yung kinukwento sa'tin ni mareng clara na boss daw ni Tine na bigatin" Naririnig kong chismisan sa likod ng mga kaibigan ni mama.

"Tine" narinig kon tawag sa'kin.

Paglingon ko si Ms.Irene, Sir.Greggy at si Celes.

Naiyak ako ng makita ko si Celes, siya ang dahilan ng lahat ng 'to.

"Tine..." tawag sa'kin ni Ms.Irene.

Tumakbo ako palayo, hindi ko pa kaya makita ang anak nila na si Celes.

Ayoko mambintang pero kung hindi niya tinulak ang mama ko buhay pa sana siya.

Nandito ako ngayon sa tulay 10 minuto ang layo mula sa bahay namin.

malayo ang tingin, umiiyak, sumisigaw.

"Lord!!!!, bakit naman ganito oh???." Umiiyak kong sigaw.

Ilang minuto din akong nag-stay dito, bumalik ako dahil inaalala ko si Jack.

...

"Tine..." Si Ms.Irene agad pagbalik ko.

"Salamat ho sa pagpunta Ms.Irene." Binati ko siya pati ang Asawa niya.

Nilagpasan ko ng mahinhin si Tine dahil ayaw ko ng gulo.

"Is this how you treat your visitors??" Sabi niya ng hindi ko siya pansinin.

Anong expect niya?, Batiin ko siya?, ibeso ko siya?

"Celes, please..." Sabi agad ni Ms.Irene.

"Celes, don't start any arguing here" sabi naman ni Sir.Greggy.

"Ako na naman???" tanong niya at biglang tumayo.

"Nakikiramay na nga ako, diba?!" Sigaw niya.

Hindi ko na matiis ang mga ginagawa niya, nagawa niya pang mag skandalo sa patay???, kay mama???.

"Sino ba kasing may sabi na pumunta ka?" Mahinhin kong sagot sa kaniya.

"Wow, is this how you welcome your visitor??" Sabi niya pa.

"kung ikaw lang din 'yung visitor na'yon, oo" sagot kong mahinhin.

"What the hell??!" sigaw niya.

wala talagang kahihiyan sa katawan niya.

"Celes..Tine, stop this!!" saway samin ni Ms.irene.

"Anong gusto mong mangyari?, makulong ako?."

"Sa dahilang ano?, nawala 'yung wallet mo?..."

Bumuhos ang luha ko, nakatingin lang silang lahat sa'kin.

"Ganyan ang hirap sa'yo e...A-ano bang kasalan ko sayo???"

"Kung may dapat makulong sa'tin....ikaw 'yon e" Sabi ko ng umiiyak na ikinagulat nila.

"Ate" Akap sakin ni Jack.

"Hindi mo alam 'yung pakiramdam ko..namin...ng walang magulang..pamilya..."

"Kasi ikaw ano??.. may pamilya ka na dito, my pamilya ka pa sa ibang bansa" Hindi ko na mapigilan ang hinanakit na napuno na sa loob ko.

"Pano naman ako??, nanay nalang ang meron ako...kinuha mo pa"

Walang umaawat sa'kin...binubuhos ko na ang lahat ng sama ng loob ko.

"Hindi ko naman hiniling na maging mabait ka sa'kin, ang akin lang kahit..kahit respeto nalang oh" sabi ko pa.

"Shut up!!" Sabi niya dahil pinagbubulungan nalang siya ng mga tao.

"Kung 'yung pagiging P.A ko kay Ms.Irene ang dahilan ng lahat na'to...Sorry ha...Kailangan ko kasing magtrabaho para sa pamilya ko e"

"Kung 'yung pagiging P.A ang dahilan mo...sige simula ngayon tinatapos ko na lahat ng ugnayan ng pamilya mo sa'kin o sa pamilya ko....Sana din simula ngayon tigilan mo na'ko." sabi ko, tsaka lang ako nanahimik.

"I'm really sorry Tine, we have to go" sabi ni Sir.Greggy.

Umalis na sila kasama si Celes at umupo ako sa unahan kasama si Jack..Pareho kaming umiiyak.

Long Lost DaughterWhere stories live. Discover now