17

1K 29 0
                                    

Naka-receive ako ng message na may party daw ang mga office staff sa darating na linggo, kasama daw ako.

Hanggang ngayon palaisipan padin sa'kin 'yung mga tinapay na'yon.

Paalis na'ko papuntang trabaho, sabado ngayon.

Eto talaga 'yung araw ng day-off ko pero since hindi ako pumasok kahapon, kailangan ko pumasok ngayon.

Ayokong maging sobrang apektado, lalo lang akong mahihirapan.

----------

"Good Morning Ma'am, Mrs.Araneta is waiting on you inside na po.." Bati sa'kin nung babae na araw-araw kada pasok ko.

"Tawagin niyo nalang po akong Tine, di naman po tayo iba dito" pakikipag-kaibigan ko.

Ngumiti siya sa'kin at sabay na tumungo na'ko sa office.

'inhale....exhale...' ang ginagawa ko bago pumasok.

"Kaya mo'to Tine, para sa sahod..hindi joke lang" sabi ko ng mahina sa sarili ko.

Binuksan ko ng dahan-dahan 'yung pinto hanggang makapasok ako.

pagpasok ko ay nakatingin siya agad sa'kin..

Nahiya ako bigla.

"G-Good Morning po..." Shocks!, kinakabahan ako!

"Hi" Ngumiti siya sa'kin.

Tumungo ako kay Ms.Irene at umupo sa sofa sa gilid.

"Have you eat?" Tanon niya sa'kin.

Actually hini pa talaga dahil wala akong gana.

"Yes po" Maikli kong sagot..

"Good.." naa-awkward-an na'ko.

"Uhm..have you seen the message na ba? about sa party?" Tanong ni Ms.Irene

"O-opo.."

"Don't be nervouse Tine" sabi niya sa'kin. Ughhhhhh.

"So, you will come and join?" Tanong niya pa.

Sa totoo lang hindi ko pa alam dahil hindi naman ako pala-party at wala rin akong mga damit na maisusuot.

"Hindi...ko pa po alam hehe" Ngumiti ako ng bahagya.

"Why?, ahh..are you busy ba?"

Umiling ako.

"Then?, what's the reason?"

"Anyway the motif is uhm...something like gold and pink yata 'yon" Nag-iisip niyang sabi.

Grabe, pink and gold wala ako non.

"Gown po ba?" Awkward kong tanong.

"if you want wear it, the simple dress is fine too.." Sagot niya sa tanong ko.

Ang tanga-tanga ng mga tanungan mo Tine, sige mag-gown ka mag-isa!

"hm, o-okay po.."

Pareho na kaming tahimik, nagugutom na'ko...

Nararamdaman ko na kumukulo na 'yung tiyan ko, sana lang ay hindi tumunog.

Kasalan mo'yan Tine, di ka kasi lumamon sa bahay.

Nagulat ako ng tumunog siya!!!, sana hindi narinig ni Ms.Irene!!!

"Let's go?" Tumungo ako at sinundan siya dahil duty ko na.

Lumabas kami ng office, sumakay kami sa sasakyan niya.

Akala ko sa 6th building 'yung meeting?, ayon 'yung nasa schedule e, bakit kami nasa sasakyan.

Absent pala ako kahapon, baka may lakad o appointment si Ms.irene ng hindi ko alam, bwiset.

Long Lost DaughterWhere stories live. Discover now