CHAPTER 1

1.5K 59 4
                                    

BLAZE looked at his watch. Thirty-minutes ng late si Thea, his girlfriend. He smiled and looked at the small red velvet box in his hands. Inside the box was the diamond ring for his proposal. Today is their 7th year anniversary. He planned to propose to her. Thea is his girlfriend since they were college and now, they're both twenty-six and he wanted to settle down now.

Mabilis niyang ibinulsa ang hawak niyang red velvet box nang makita ang kotse ni Thea na paparating. Naglakad siya palapit sa kotse ng kasintahan na tumigil hindi kalayuan sa kaniya. Bumukas ang pinto ng driver seat at bumaba si Thea.

Kinawayan niya ang kasintahan at patakbong lumapit rito. Ngumiti naman si Thea nang makalapit siya rito pero napansin niyang hindi abot hanggang mata ang ngiti nito.

Kumunot ang nuo ni Blaze. "Are you okay, Hon? You looked you're not happy."

Hindi sumagot si Thea at nagbaba lang ng tingin.

"Okay. Let's go. I'll show you something." Sabi ni Blaze saka hinawakan ang kamay ng kasintahan. Masuyo niya itong hinila patungo sa parke. "Happy seventh year anniversary." Bati niya kay Thea.

Ngumiti si Thea. "Seven? Yeah. It's our seventh anniversary now."

Tumango si Blaze at kumunot ang nuo. "Are you really, okay? Parang hindi ka masaya."

Umiling si Thea. "Wala."

Pero sanay na si Blaze kay Thea kaya naman alam niyang baka may problema lang ito. At alam niyang sasabihin rin nito sa kaniya kung anuman ang problema nito. Tumingin siya sa buong paligid. "Do you still remember this place?"

Tumango si Thea at ngumiti. "Dito tayo unang nagkita."

"This the place where we first met so this is the place that I will ask you..." Inilagay ni Blaze ang kamay sa loob ng bulsa para kunin ang red velvet box.

And he was about to kneel down when Thea said something that made his world broke.

"Blaze, let's break up."

"W-what?" Gulat na saad ni Blaze. Napatigil ang siya at hindi makapaniwala sa narinig mula kay Thea.

"I'm sorry, Blaze. But let's break up." Seryosong sabi ni Thea.

Inilabas ni Blaze ang kamay mula sa bulsa at hindi na niya tinangkang kunin ang red velvet box na kinaroroonan ng singsing. Tinignan niya si Thea sa mata. "Why?"

Umiling si Thea.

"Tell to me, Thea, may nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? May ginawa ba akong mali? Did I cheat on you?"

Blaze wanted to hear a valid reason from Thea. He wanted to hear her reason why she wanted to break up with him. "Thea." Tawag niya sa pangalan ng dalaga nang hindi ito nagsalita.

"I'm sorry, Blaze. It's just that I'm not happy anymore with you. Palagi ka na lang kasing trabaho at wala ka ng oras sa akin." Sabi ni Thea. "I already tried my best to understand you." Umiling siya. "Pagod na ako, Blaze. I'm sorry." Tumalikod si Thea at naglakad pabalik sa kinaroroonan ng kotse.

A tear fell from Blaze's eyes. Napangiti siya ng mapait at hindi makapaniwalang natawa. "Thea, I gave up my work for you because I wanted to have a peaceful life with you. I want you to have a normal life without any worry but you just give up."

Blaze looked at Thea. Nakita niyang may lumapit na lalaki kay Thea at hinwakan ang kamay nito. Kaagad na nakuha ni Blaze ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay sa kaniya si Thea. She already someone in her heart. Unfortunately, it's not him anymore. Nakatingin lang siya sa mga ito hanggang sa makaalis ang mga ito.

Pinunasan niya ang luha na tumulo mula sa kaniyang mata. Kinuha niya ang red velvet box sa kaniyang bulsa at tinignan ang diamond ring. Naglakad siya palapit sa isang basurahan na nasa malapit sa kaniya at ibinasura ito.

Fast As A Bullet (COMPLETED)Where stories live. Discover now